Kasey's POV
Kasalukuyan akong nag dra-drive papuntang school. Namamaga pa nga ang mata ko, buti nalang madaling araw umalis sila mommy papuntang korea. May aasikasuhin daw sila doon at 2 months silang mawawala. Pero dipa sure kung hanggang 2 months sila baka daw kasi abutin sila ng 3 months.
Nang maka dating ako sa school ay agad kong pinark ang sports car ko sa parking lot.
Bababa na sana ako kaso may biglang nagpark din sa tabi ng kotse ko anim na kotseng sunod sunod na nagparada.
Binilisan kong bumaba kasi alam kong sila yan. E kaso nang pagbukas ko ng pintuan e sya ding pagbukas ng pintuan ng kotseng katabi ko at lumabas doon ng mabilis si ken, upang pigilan ako sa pagtangkang pagtakas sa kanila. Hinawakan nya ako sa braso para di ako makatakas.
"At san ka pupunta?" tanong nya habang ako naman ay nakayuko padin.
Ayaw kong makita nilang namamaga yung mata ko. Naramdaman ko namang lumapit na samin yung lima.
"Good morning Ms. Pretty" bati sakin ni jacob.
"Aah good morning din" nakayuko ko pa ding sambit.
"Hello kasey!" pagbati din sakin ni zeidon.
"Hello." sabi ko pa ring naka yuko.
"Ahmm kasey about kaha--"
"Wag mo nang ituloy. Okay na" mabilis kong sabi kay ton ton at inangat ang aking ulo.
Nagulat naman sila ng makitang namamaga yung mata ko. Bigla namang nabitawan ni ken yung kamay ko.
Aalis na sana ako kaso nag salita nanaman sila aaaaishh!
"Anong nangyari dyan!?" sabay sabay na sambit nung anim.
Himala a? May concern pala sakin si chris?
"Ahh-ano ahm wala lang to. Hehehe"sabi ko nalang. Baka kasi maiyak pako e.
Bigla naman akong hinila ni ken.
"Ano ba bitiwan mo nga ako!?" iritang sabi ko. Mas hinigpitan pa nyw yung pag kakahawak sa kamay ko.
"Remember? You're my slave!" sigaw nya kaya nanahimik nalang ako. At nagpadala nalang sakanya kung saan man. Di narin nag tangkang sumunod yung lima.
Nakarating kami sa likod ng mga building ng high school. Pero nakapag tataka lang dahil may isang men in black na nagbabantay dun sa may gate papunta dito sa likod.
Bakit kaya may gate pa? E bakit sa building ng college wala? Tapos dun sa building ng college simple lang. Mga puno lang. At bakit dito parang napaka espesyal? Bakit may garden pa at may magagandang bulaklak pa!? Dati wala namang ganito dito aah!?
Puro bulaklak lang yung mga nasa gilid. Bale may space sa gitna para na syang way ganun tapos lahat na puro mga roses. Iba't ibang klase na bulaklak na ang makikita mo sa paligid. Napaka ganda at thimik naman dito.
Meron ding puno. Pero nakapag tataka lang dahil iisang puno lang ang meron dito at parang nahati yung likod, dahil ang alam ko mahaba pa ito. Ang dami kayang building ng high school bakit parang umiksi?
Tsaka nung last na pumunta kami ni nicole dito e maraming mga puno ?_?
Nakarating kami sa nag iisang puno na malaki para syang puno nang akasya dahil sa laki nito. Pero di ito puno ng akasya. Ewan ko kung anong puno to. Pake ko ba sa puno na yan?
Pagkatapat namin sa puno ay biglang nilagay ni ken ang palad nya dun sa may puno. Nagulat ako ng biglang umopen yun.
Waaaaah! Bakit ganito to? Paano nangyari yun? Bakit umopen tong puno?(alam nyo yung pinaka katawan ng puno? Yun yung umopen hehehe)

YOU ARE READING
My Slave is my Fiancée?!
Teen FictionPaano pag nalaman mong ang slave mo ay iyong fiancée?! At ito pa, nagpanggap kayong mag girlfriend, boyfriend para lang makatakas dyan sa 'kalokohan' (which is sabi ni kenshin) ng mga magulang nyo! Ano naman kaya ang magiging reaksyon ng mga magulan...