CELENA'S POV..
Nandito ako ngayon sa gate papauwi nako nang may biglang bumato saken nang bato! headshot nga ako eh!.
"Oh, sorry akala ko basurahan" sabay tawa nang babaeng to na nag iisang demonyo sa buhay ko meet Cindy..
"Bakit? basurahan bako? at sa basurahan ba dapat ang bato?? ang alam ko ang plastic ang dapat ilagay kasi dapat save the earth, diba Cindy?" oh ngayon san ang arte mo?! akala mo ah!.
"Ahh ganun! girls, alam niyo na" tatalikuran ko na sana sila nang bigla akong hinawakan nang dalawang babae sa magkabilang braso ko..
"Oy! oy! anong ginagawa niyo? hoy! bitawan niyo nga ako! wala akong oras sa mga ka echosan niyo ah! mag luluto pa ako sa bahay at mag aaral ano ba!!!" sigaw ko sa kanila pero parang mga bingi i mean baliw pala na tumatawa..
Sinakay nila ako sa kotse ni Cindy at parang kinidnap....KINIDNAP?!!!!!!..
"waaaaa!!!! ibaba niyo ko!.ibaba niyo ko dito!!!" sigaw at pag wawala ko..
"Shut up!" sigaw saken ni Candice...
"Shut up your face?! paano ako sha-shut up kung para kayong kidnapers?!" sigaw ko sa kanya..
"what?! anong akala mo sa mga beauty namin? for kidnapping?!"
"Bakit ano ba sa tingin mo tung ginagawa niyo?? touring?!"
Hindi nako sinagot ni Cindy tinignan ko ang labas nang sasakyan nakita ko na halos palubog na ang araw at hindi ko na alam kung saan nila ako dadalhin..
"Pakawalan niyo na ako! Cindy!"
"Tumahimik ka nga! nakaka irita ka na ah!.Wag kang mag alala malapit ka na sa bangin!" sigaw niya saken..Siya kasi nag mamaneho nang letcheng sasakyan na to!.
"Bangin?!waaaa!!! tulong!!! tulongan niyo ko!!! ikaw! pakawalan niyo ko!!!" sigaw ko hindi parin nila ako pinakinggan kaya..
"Tignan niyo yun oh!" tinignan naman nang dalawang palaka ang tinuro ko kaya kinuha ko ang mga braso ko at hinila hila si Cindy kaya nag pa gewang gewang ang sasakyan namin..
"The hell!! tigilan mo yan!girls!!" sigaw niya.
"Itigil mo!! itigil mo ang sasakyan!!!" hinila hila nako nang mga babaeng to pero hindi ko parin tinatanan si Cindy.
"Ouch!!Let me go!!" asik niya naman nang tumingin kami sa haraP may babaeng nakatayo, mabilis naman na naiwasan ni Cindy yung babae kaso puno naman yung pupuntahan namin..
"AAAAHHHHH!!!!!!" sabay naming sigaw..
*BUUUGGGSSSHH!!!..
Naramdaman ko nalang na nabagok ang ulo ko at nandilim ang paningin ko..
ALTHEA'S POV..
Malaya nako! wala nang mga soldiers nasusunod sunod saken, wala na ang mama ko na lagi akong papagalitan...At natupad na ang pangarap ko na makuha ang kwintas ko at ang maka labas nang mansyon...
Nag lalakad lakad ako habang tinitignan ang buwan at mga stars..Ang ganda ganda!..
Nang may marinig akong sasakyan na papalapit saken...At parang zi-noom ko ang paningin ko at nakita ang sasakyang pa gewang gewang..Nakita ko rin na parang nagkaka gulo sa loob at parang pinag tutulongan ang isang babae, well babae naman silang lahat pero wala eh agrabyado talaga ang babae.
Kaya pumwesto ako sa gitna, hindi naman ako masasaktan eh..basta tutulongan ko yung babae, hindi nag tagal nakita ko na ang sasakyan pero imbis na banggain ako ay umiwas ito at na bangga sa isang puno..
"Ayy! tanga naman Althea oh!" saway ko sa sarili ko..
Tinignan ko ang wasak na harapan nang kotse at binuksan ito nung una nga hindi ko mabuksan kaya ginamit ko ang lakas ko at kinuha na mismo ang pinto nang kotse.
Nakita ko agad ang duguan nilang mga katawan..Joke!! halos silang lahat wala lang malay..Nakita ko naman yung babaeng agrabyado kinuha ko siya paalis sa sasakyan at ako naman ay bumalik sa daan..
Nang may makita uli akong sasakyan ako na mismo ang humarang dito..
"Hoy! miss! magpapakamatay ka ba?!" bulyaw nito saken..Nilapitan ko ito at inirapan..
"FYI! matagal na kong patay gets?" bigla naman siyang natakot nang makita ang mala dugong kulay nang mata ko at ang kasama kong naka handusay sa sahig..Anong akala niya inatake ko yang babae?!.Kapal!.
"H-Halimaw ka H- hali-" kinuwelyuha ko siya at tinignan sa mata.
"Ibibigay mo saken ang susi nang kotseng to at kakalimutan mo lahat nang nakita mo rito,lalo na ako"
binigay niya naman saken ang susi nang kotse at tulalang naglakad ewan kung saan papunta..
Agad kong binuhat ang babae at tinignan ang ID nito..
"Dito pala sa abandoned house ka nakatira?" hindi nako nag aksaya nang oras at pina andar na ang kotse..
BINABASA MO ANG
My immortal bestfriend
VampireIsa lang akong normal na estudyante, normal na namumuhay at normal na tao. Isang aksidente ang gugulo sa normal kong buhay. Isang pangyayari ang mag dudugtong sa kabilang mundo.. At sa hindi inaasahang kaibigan..