Chapter 1

7 0 0
                                    

CHAPTER 1

California, USA


"Sunny!" sigaw ni mommy sa akin matapos nya akong mahuling dahan dahang pumasok sa aking kwarto. I just got back home from Bridgettes birthday party.


Dahan dahan akong pumihit paharap sa kanya. Naka silk robe sya at halatang naalimputangatan sa pagtulog pero kahit ganun ay bakas pa rin ang awtoridad sa kanyang mukha. Half filipina half american si mommy, maganda at balingkinitan sya kung magkasama kami ay madalas syang napagkakamalang kapatid ko lang.


Tumaas ang kilay nya matapos pasadahan ng tingin ang suot kong damit. I was wearing a red tight dress from a well knownd esigner. halatang halata ang kurba ng katawan ko dito at hantad ang halos kabuuan ng hita ko.


"Where did you came from?" tanong nya na matamang nakatingin sa akin.


"Bridgettes party." sagot kong walang gana. Inaantok na ko kung tatalakan nya ko sana bukas na lang dahil pagod na ko. Hello it's already 3 in the morning.


"And you wear that kind of dress in the middle of the night?" Napapikit ako sa sinabi nya. Heto na naman po sya sa pagiging dalagang filipina nya.


"What's wrong with my dress?" naiiritang tanong ko. Nang di sya sumagot ay nagpaalam na kong matutulog pero bago ko pa man masara ang pinto ay nagsalita sya.


"You will be back in the Philippines the day after tomorrow. I don't know what should I do with you anymore. I' ll tell you the details tomorrow." saad nya at tinalikuran na ako.


Sinara ko na rin ang pinto ng aking kwarto at nahiga na. Ni hindi ko na nagawang magpalit sa pagod ko. Nasabi lang siguro ni mommy yun dahil galit sya pero bukas ay alam kong magbabago din ang desisyon nya.


Tanghali na ng magising ako. Pagkatapos kong magayos ay bumaba na ako para magalmusal. Hindi ko nga alam kung almusal pa bang matatawag to eh tanghali na. Nakita ko si mommy na nakaupo sa veranda at nagtsa tsaa habang si daddy naman ay nagbabasa ng dyaryo.


Koreano si papa. Anak ng isang kilalang business tycoon sa Korea. My mom is quiet a beauty. Kaya hindi nakapagtatakang na inlove si dad sa kanya. My mom came from a rich family that's maybe one of the reason kaya hindi humadlang ang magulang ni daddy sa kanya.


Ang pagkakaalam ko kasi ay mahirap tumanggap ng daughter in law ang mga mga magulang ng isang koreanong lalaki lalo na at nagiisang anak lang si dad at taga pagmana ng kompanya. Inenjoy ko lang ang buhay ko dahil alam kong dadarating sa panahong ipapakasal ako ni daddy para sa kompanya ganun naman talaga ang tungkulin naming mga anak na babae sa korea. Kaya ayokong main love hanggat maaari dahil ayokong masaktan lang sa huli katulad ni Kuya Sam.



Lumapit ako sa kanila at bumati. "Good morning mom and dad!" nakangiti kong saad.


"What is good in the morning? And besides it's already noon." sagot ni daddy at binaba ang dyaryo at tumingin sa akin ng mataman.

Skater boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon