Chapter 6

1 0 0
                                    

Chapter 6

Bitchy

 Hanggang sa makarating ka sa papasukan ko na part time job pinagpipilitan ko sa kanya na hindi ko gusto si Ford. Si Shaira naman ay parang walang na ririnig.  Nang nairita na siguro sya ay tsaka sya nagsalita.


"Oo na wala ka ngang gusto sa kanya. Masyado ka lang talagang defensive." saad nya na natatawa tawa pa.


"Wala talaga. Napaka antipatiko nun. Tsaka san mo ba nakuha yang may gusto ako sa kanya?" tumawa lang sya sa sinabi ko at tuluyan ng pumasok sa coffee shop na papasukan namin.


Pinakilala nya ko dun sa manager at sinabing ako daw yung sinasabi nya na isa pang crew. Tumango lang yung manager. Mukha namang mabait sya. Sa tingin ko nga ay kaedaran lang namin sya. Sinabi nya kay Shaira na ito na daw bahalang magtour sa akin sa shop at sabihin lahat ng rules at kailangan gawin.


May one week training pa ako kaya kailangan ko ayusin ang trabaho ko kung hindi wala akong trabaho nitong makukuha pagnakataon. Tinuruan ako ni Shaira gumawa ng isang capuccino, americano, at iba pang coffee style pero parang naglalog ang isip ko. 


Hindi ko magawa ng maayos yung ibang kape. Capuccino, americano at strawberry shakes with frappe and fresh strawberries lang natandaan ko the rest hindi ko na alam. Minsan sya na ang gumagawa ako na lang kumukuha nung orders and payment dahil palpak yung mga gawa ko. Kung hindi kulang sobra naman.


Kumukuha ako ng orders si Shaira naman ay senerve na yung orders ng isang customer. Yung dalawa naming kasama ay gumagawa ng ibang orders. 



"WHAT THE HELL!" iritableng saad ng isang costumer na nakakuha ng atensyon ng lahat ng tao shops. "Look what have you done to my dress. Damn." sigaw nito kay Shaira. 


"Carla ikaw muna dito puntahan ko lang si Shai." paalam ko at pumayag naman sya.


Naghehesterical na ang isang babae na natapunan ni Shaira ng isang kape. Buti na lang hindi mainit yun kundi lapnos sya. Naririnig ko namang paulit ulit na humihingi ng despensa sa costumer. "What happen Shai?" tanong ko ng makalapit.


"Eh bigla kasi syang tumayo tas na bangga nya ko kaya ayan na tapon sa kanya yung kape." Eh sya naman pala ang may kasalanan kung makapag enarte naman akala mo maganda. Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Maarte nyang pinupunasan ng tissue paper ang damit nyang na tapunan.


"Ikaw ba ang manager dito?" tanong nya na nakataas ang kilay. "Paskisabihan nga yang crew nyo tatanga tanga eh." naiinis na saad nito dahilan para uminit ang ulo ko.


"What did you just said?" naiiritang tanong ko.


"What? I said tanga sya. You want me to reapeat pa ha?" conyo nyang sagot. 


"Hindi sya tanga. Kung meron man nun dito ikaw yun dahil ikaw yung tatanga tangang bumangga sa kanya." saad ko na nakapag painis lalo sa kanya.


"What?" sya naman ang di makapaniwala sa sinabi ko. Tinaasan ko lang sya ng kilay. "You know what just paid my dress and- OH MY GOD MY BAG!" tili nya ng makita yung bag nyang na tapunan din ng kape. "Do you know how much this bag worth?" hindi makapaniwalang saad nya at itinaas ang isang kilalang brand ng bag.


Ngumiti ako sa tinanong nya. Ako pa ba ang tatanungin nya. I'm a shopaholic. So I know everything about bags, shoes and dress. Name it and I knew from it's very little detail. Nakita ko naman ang pangamba sa mata ni Shai na baka magbayad sya ng mahal.


"Are you just gonna look at me all day? Do something." utos nya na kinainis ko. Ayaw ko sana syang patulan pero iniirita nya ko.


"You know what miss you should be thankful at least your cheap dress and fake bag tasted our expensive coffee." saad ko na itinagilid ang ulo para magtama ang tingin namin. Umawang ang bibig nya sa sinabi ko. "Don't get me wrong I know everything about branded and expensive things and I must say your dress is an imitation from that brand." saad ko at inilabas ang tatak ng damit nya sa likod. Inayos nya naman ito na parang na papahiya.


"Huh then what about my bag?" saad nya na nagmamayabang pa rin. 


"Your bag?" tanong ko itinaas ko pa at sinuri ang mga palpak na panggagaya sa orihinal na bersyon nito. "Una wala yung tatak sa labas pangalawa yung design dapat tuloy tuloy yan kahit na may cord. At ang huli pero importante paano mo malaman ang orihinal sa hindi eh yung tahi at mismong klase ng materyals na ginawa. Magingat ka hinuhuli na ang mga tumatangkilik sa mga gantong klase ng bag." saad ko na may naglalarong mapanuksong ngiti sa labi. 



Nagmartsa yung babae palabas ng coffee shop. Serves her right. Kung makaasta akala mo yayamanin eh kahit saang anggulo mo tingnan mukha syang cheap. Naghigh five kaming dalawa. "Asan na ung costumer?" tanong nung manager na natagalan sa pagpunata dahil may isa pang costumer syang inasikaso.


Pinatawag nya kami ni Shai sa loob ng office nya dahil sa insidente na yun.


"What happen Shaira?" tanong nito na nakakunot ang noo matapos naming makapos sa loob ng office nya. Ikinwento nya naman ang nangyari pero mukhang hindi na tuwa yung manager ng shop. "Bakit mo ginawa yun Sunny? You should have said sorry then stop. Dapat hindi mo pinapatulan ang kustomer." saad nya na halatang iritado.


Ngumuso ako tama lang naman ang ginawa ko.  "Maam ako po ang may kasalanan pinagtanggol nya lang po ako." depensa ni Shai sa akin.



"This incident should not happen again. Don't give me that bitchy attitude of your Sunny I know you came from a rich family so if you think that this is some kind of joke well I'm telling this is not. Get yourself together." saad nya. "Go now." dagdag nya.


"Sorry na damay ka pa." hinging paumanhin nya sa akin ng makalabas kami sa office.


"Okay lang. Cheer up." nakangiting saad ko.


"Na bad shot ka pa tuloy." ngumuso sya.


Pinisil ko ang magkabilang pisngi nya. "Wag ka nang malungkot ako na pagalitan hindi ikaw so cheer up na okay." saad ko at ngumiti.


Ilang beses ko nang sinabi na okay lang at ilang beses din humingi ng tawad si Shai sa akin. Kung di ko pa sinabi na magagalit ako kapag di sya tumigil ay di sya titigil.


Masaya naman ako shop, mabilis kong nakasundo ang crew. May mga costumer na lalaki ang pumopurma at pilit na hinihingi ang number ko. Madalas ay ngiti lang ang sinasagot ko o di kaya ay taken na ako kapag masyadong makulit.

Skater boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon