Chapter 17

2 0 0
                                    

CHAPTER 17

FALLEN



Inaya ako ni Ford na sumama sa practice nila kaya heto ako ngayon di mapakali sa isusuot kong damit. "Hays ito na nga lang. Di ba manunuod lang ako at makikijamming." pagkausap ko sa sarili ko habang hawak ang isang tennis skirt na puti at sleeveless na croptop pinares ko ito sa white sneaker ko. "Perfect!" saad ko ng mapagmasdan ang sarili ko sa salamin.




Bumaba na ako naabutan ko si Ford na nakadequatrong upo. Tumiim ang bagang nya pagkakita sa akin. "Tara na?" untag ko sa kanya. Imbes na lumabas ay pinihit nya ako paharap sa hagdan.




"Magpalit ka." utos nya sa akin. 




"Bakit panget ba ang suot ko? Okay naman ah." saad ko. 




"Just change Sunny." saad nya.



Naiirita akong nagmartsa papunta sa kwarto namin ni Shai. "Oh problema mo?" tanong ni Shai ng makitang nakabusangot ang mukha ko. 



"Eh kasi si Ford pinapapalit ako. Okay naman yung damit ko diba?" naiinis na saad ko. Na tawa sya sa sinabi ko.




"Aminin mo nga sa akin Sunny. Ano bang meron kayo ni Ford?" nangiintrega nyang tanong.




"Wala." sagot ko. Wala naman talaga.



"Magkaibigan ba kayo?" tanong nya ulit. Hindi ko masagot ang tanong nya di ko rin alam. Magkaibigan ba kami o higit pa doon. Wala naman syang sinasabi sa akin. Isa pa ayoko rin namang magtanong.




"Your hoping to be more than friends." saad nya.



"What? No way." sagot ko sa kanya. Hindi ko naman din kasi maintindihan. Basta masaya ako na kasama sya. Naiirita rin ako sa kanya madalas kaya di ko alam.




Lumabas na ako matapos kong magpalit sa ripped jeans and v-neck white shirt. Nagpalit na rin ako ng sapatos nag boots na ako. Tinali ko na rin ang nakalugay ko kaninang buhok.



"Now can we go?" naiiritang tanong ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Skater boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon