Chapter 10

4 1 0
                                    

CHAPTER 10

A FRIEND


Tahimik si Ford kumpara sa tatlo nyang kaibigan. Si Tyler at Miko ay makulit sa banda nila parehas madaldal at makwela habang si Gab naman Vocalist nila ay matinik sa babae. Hindi nakakapagtakang na bihag nya si Cindy.



Gwapo silang lahat. Boy next door ang tipo ng kagwapohan nilang tatlo at tanging si Ford ang masasabing kong may pagka bad boy look. Maraming babae ang nahuhumaling sa kanya dahil siguro sa pagiging misteryoso at supaldo nya.



Hindi ko na mamalayang nakatitig na pala ako sa kanya. Tumaas ang gilid ng labi nya at kalaunay binigyan nya ako ng nakakalokong ngiti. Hinawakan nya ang kanyang labi at kumaway sa akin.



Naginit ang pisngi ko dahil sa pagkakahuli nya sa aking paninitig ko sa kanya. Nagiwas ako ng tingin at nagkunwaring may ginagawa. Nararamdaman ko ang nanunusok nyang tingin sa akin. Hindi ko tuloy magawang tumingin sa kanya.



Tumingin ako sa orasan ko. Saglit na lang at madidismissed na ang klase. Nang nagtime na ay agad akong umalis ng class room. Nabunggo pa ako ng isa kong kaklase dahil sa pagmamadali kong iwasan si Ford.



Ewan ko kung bakit basta uneasy ako sa kanya. Nagmamadali kong dinampot ang mga gamit kong nagkalat. May isang kamay na tumulong sa akin sa pagdadampot ko ng gamit.



Magpapasalamat na sana ko sa tumulong sa akin pero na wala ang ngiti sa labi ko at na palitan ng gulat dahil ang lalaking iniiwasan ko ay nasa harapan ko ngayon at nakangisi sa akin.



"Kukunin mo ba ang gamit mo o hindi?" bored na tanong nya. Agad ko namang kinuha ito sa kanya at nagmartsa paalis sa kanya. "You're welcome!!" sigaw nya sa akin pero di ko sya pinansin at tuloy tuloy lang ako.



Naupo ako sa bench na malapit sa field. Naisipan ko ring gumawa ng kanta kaso wala akong mabuo. Wala akong inspirasyon na makuha. Naisipan kong tawagan si Bridge. Hindi nagpaparamdam ang luka na yun.



"Hi Bridge!!!!!" masiglang bati ko.



"Sunny!!!! I miss you na!" masiglang bati nya rin.


"I miss you too. So how's California? How are you and Adrian?" sunod sunod na tanong ko. Miss na miss ko na talaga ang babaeng to.


"Easy okay?" natatawang turan nya. "Were okay here. But you know I miss you. How we party together, how we laugh and dance to the rhythm." saad nya pagkaraan. 



Natawa ako sa sinabi nya. "What about Adrian? Are you guys together?" isang buntong hininga lang ang isinagot nya. "Bakit anong nangyari?"

Skater boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon