Chapter 12

7 0 0
                                    

CHAPTER 12

Nobody 



Isang semester ang dumaan na hindi ko na nakakausap si Ford. Hindi na rin ako nagaksaya pa ng lakas para habol habulin sya para humingi ng despensa. Kung ayaw nya akong kausapin eh di wag. Isa pa eh busy din naman ako sa pagpa part time at paggawa ng mga kailangan ko sa iskul.



Paminsan minsan ay pinagmamasdan ko sya sa iskul o di kaya ay pinapanuod ko ang gig nila. Madalas ko rin syang makitang mag skateboarding sa malapit na park sa dorm. Nagtataka ako sa kanya dahil hindi naman sya ganoon kadalas na magskate before yung alitan namin.




Ayoko namang magassume na dahil sa akin kung bakit madalas syang magskate nitong mga nakalipas na buwan. Iniisip ko na baka bored lang sya at yun ang libangan nya. Pinapanuod ko minsan ang pagskate nya. Hindi ako nagpapakita mahirap ng isipin nyang sinusundan ko sya.




Nagaaral ako sa bench malapit sa field kung saan madalas ako nakapwesto. May grupo ng mga lalaki ang nagtutulakang lumapit sa akin. Ang isa ay nahihiya habang patuloy na pinagkakaisahang tuksuhin ng mga kasama nya.



Matatangkad sila at tingin ko ay magaganda rin ang katawan but their body is nothing compare to Ford. Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko yun habang pinagmamasdan sila. Napapakamot sa ulong lumapit sa akin ang isang lalaki mula sa grupo.



"Hi!" bati nya sa akin na nahihiyang nakangiti.



Ngumiti din ako pabalik sa kanya. "Hi!"




"Uhmm.... Pwede bang malaman ang pangalan mo?" nahihiyang tanong nya habang kakamot kamot ng batok. Natawa ako sa sinabi nya. "Ako nga pala si luis." pagpapakilala nya at inilahad sa akin ang kamay.




"Sunny!" saad ko at kinuha ang kamay nyang nakalahad. Marahan nyang pinisil ang kamay ko bago ito binitawan.




"Lulubos lubusin ko na Sunny pwede bang-na putol ang sasabihin nya dahil sa umubo sa may gilid ko. Nilingon kung saan nanggaling ito. Nakita kong nakatayo doon si Ford na nakapamulsa. Nakaigting ang mga panga at matamang nakatingin doon sa mga lalaki.




"Luis halika na!" aya nung mga kasama nya. "Medina's girl." narinig ko pang saad ni Chris bago tuluyang makalapit sa mga kasama nya. I don't know what he mean by that. Ipinagkibit balikat ko lang ang iyon.




Bumaling ako kay Ford na matamang nakatingin sa akin. Agad syang pumihit patalikod ako naman ay nagmamadaling iligpit ang mga gamit ko para habulin sya. Ito na ang pagkakataon ko para humingi sa kanya ng despensa.

Skater boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon