Chapter 13

1 0 0
                                    

CHAPTER 13

Confused



Anong ginagawa nya dito tanong ko sa sarili ko ng makita si Ford na nakasandal sa gilid ng pintuan ng rooftop. Matamang nakatingin at nakatiim ang mga panga. Anong problema nya?



Nilagpasan ko sya pero hinila nya ako papasok ulit ng rooftop. "Ano ba Ford malelate na ako sa klase ko." mahinahong saad ko at pilit hinihigit ang braso kong hawak nya.



Pumihit sya paharap sa akin at tiningnan ako ng masama. Kumunot ang noo ko. Problema ng isang to? Kanina lang sinabi nyang I am just a nobody tas ngayon parang tangang hinihila ako sa rooftop.



Tuluyan na atang nasiraan ng utak ang isang to simula ng iwan ni Cindy. "What is it Ford? I am in a hurry I still have class." saad ko.



Binitiwan nya ako at saka nagsalita. "Anong meaning nung kantang kinanta mo kanina?" tanong nya na lalong nagpakunot ng noo ko. Seriously yun lang ang itatanong nya kaya ako hinila dito. Whatever ano bang inaasahan mo ha Sunny. Kainis sya ah. 



"Eh?" naguguluhang tanong ko. "Yun lang pala itatanong mo. Hmm road to me yung title nung kanta search mo na lang. Una na ko ha." saad kong natatawa tawa. Pati ako masisiraan na rin ata ng ulo sa mga pinaggagawa ng isang to.




"Wait for it Sunny and I'll make you fall hard." deklara nya at pumihit patalikod sa akin.



"O-okay.?" alanging sagot bago tumakbo palabas ng rooftop. Late na ako sa klase ko. Napaka strikto pa naman ng prof. ko sa subject na ito. Nakahinga ako ng maluwag ng mapagalaman kong wala si Sir dahil may meeting ata sila.



Naupo na ako sa upuan at tumunganga as in literal na tumunganga dahil walang pumapasok sa isip ko kundi ang huling sinabi ni Ford. Anong ibig nyang sabihin sa sinabi nyang he'll make me fall hard. "Ugh!" naibulalas ko out of frustration. Bahagya ko pang ginulo ang buhok ko.




Bwiset na Ford yun ginugulo ang isipan ko. Mas lalo pa akong naguluhan ng bumalik sya sa dati. Yung parang sinapian sya sa kakulitan nya. Ang suplado nya sa iba pero pagdating sa akin ang kulit kulit nya. Dalawang subject lang kami magkaklase kaya doon nya lang ako nakukulit.



Minsan ay pumapasok ako sa klase na may nakalagay na isang long stem blue rose. Kagaya na lang ngayon may isang tsokolate at isang blue rose na naman sa table ko. Dinampot ito at hinanap sya sa pwesto nya pero wala sya.



Nagtilian ang mga kaklase ko kaya humarap ako kung saan sila nakatingin. Shit si Ford ang gwapo as in. Kailangan ko nga ata ng timba pangsahod sa laway ng mga kaklase kong tulo laway sa kawapuhan nya.

Skater boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon