Chapter 14

3 1 0
                                    

Chapter 14

Vocalist



Malapit na ang foundation day ng school kaya naman busy ang iba sa pagaayos ng iba't ibang booth. Dahil business ad ang kinukuha kong kurso ay about business ata ang booth namin. Souvenir ang booth na gagawin namin. Ewan ko kung anong klase wala naman akong paki. Pwede naman kasing di ka sumali.




"Uy may auditon daw sa Art building." narinig kong usapan ng dalawa kong kaklase. Ang iskul kasi namin ay mga building para sa mga extra course. Dahil International school kami nirerequire na rin kaming kumuha ng kahit isang sports. Oh well kailangan naman talaga yun pero may ibang pinipili ang arts o yung bang kasama sa bracket nito. Like, singing,dancing at acting. Sa theater ng school namin ay madalas sa isang buwan ay may show na ipinapalabas ang mga kasali sa course na yun. Ang alam ko ang banda ni Ford ay ang unang meyembro ng course para sa band. Iba iba din kasi ang bracket nito.



Para ka ngang trainee ng mga management. Minsan ay may kumukuha sila ng talent sa auditon na ganto. Iba ang klase ng banda kagaya ni Ford, iba din ang solo performer, sa solo performer sila kumukuha at bumubuo ng girl at boy group. Ganun din sa dance, may para sa ballet, hip hop ang streetdancer at iba pa. tigdadalawa silang room bawat klase. May recording studio din para sa mga musikero.



Never pa akong pumunta sa Art building. Mahilig ako sa musika yun ang dahilan kung bakit ayaw kong pumunta. Wierd nu? Eh kasi naman po baka hindi na ako umalis dun. Baka tumigil na ako sa kinukuha kong kurso at gumawa ng mga kanta at kumanta ng kumanta. It's actually my passion but I have to give up on it. Ayoko kong kalabanin si Dad.



Alam ko kasing hindi ako mananalo. Hindi ko alam pero may naguudyok sa aking pumunta. Kahit na anong iwas ko ay para talagang sinasadyang pumunta ako sa building na yun.




Ang bwiset ko kasing kaklase ay ibinigay sa akin ang papeles na hindi ko alam kung ano basta ibigay ko daw sa teacher sa Art department. So it means Art building ako pupunta. Aangal sana ako pero iniwan nya kaagad ako. Yung alam mong sinadya nya.





Ang alam ko andito ang banda nila Ford ngayon. One week celebration ang foundation namin kaya kailangan din ng mga magpeperform. Ang alam ko isa ang banda nila Ford sa magpeperform sila ata para sa gabi. May kanya kanyang activities kami eh. Gusto ko sanang sumali sa music club. Kahit dun lang diba? Pero mahirap na baka magustuhan ko masyado.



Malaki ang Art building. Hanggang six floor ito. Yung last two floor sa taas ay dormitoryo para sa mga kasali sa kursong ito. Libre ang pagtira nila dito. Yun ang kung gusto mo lang naman. Mayayaman naman ang nagaaral dito kaya unti lang ang tumitira sa dorm. Syempre may mga condo sila. Kaya nga mas lalo akong naeengganyo kasi alam nyo na libre ang tirahan means malaki ang masesave kong pera.



Mabuti na lang at na hanap ko kaagad yung prof. na pagbibigyan ko. Na padaan ako sa isang room. Music room actually. May grupo ng banda na naroon at nagpapractice. Napansin kong babae ang vocalist nila at medyo paos ang boses nito. Hindi yung natural na paos kundi yung alam mong may mali sa lalamunan nya.

Skater boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon