Chapter 8

1 0 0
                                    

CHAPTER 8

Job hunting


Matapos yung huling klase ko ay dumeretcho na ko sa shop di ko na inantay si Shaira. Medyo gamay ko na rin ang trabaho kahit papaano. Hindi pa nga lang ganun ka bilis gaya ni Shaira. Hanga din ako sa kanya, bukod sa pagtustos sa sarili nyang pagaaral eh nagpapadala pa sya ng pera sa mga kapatid nya sa probinsya. Na sabi nya na rin sa akin na scholar sya ng iskul.



Ilan na rin ang na bigyan ko ng order. Itong huli pa nga ay grupo ng mga kabataan at pilit na kinukuha ang number ko pero mahigpit kong sinabing may boyfriend na ako kay sa huli ay tinigilan din nila ako. Na pansin ko ang pag pasok ng isang grupo ng mga babae. Tinitigan ko ang isa dito na may suot ng matingkad na pink na crop top and skirt. Neon nga ata yung suot nya, masakit sa mata. 



Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong sya yung babaeng na buhusan ni Shaira ng kape nung nakaraan. Lumapit ang grupo nya sa counter, kinuha naman ito ng isa sa kasama ko. Masama ang kutob ko sa mga ito. Tingin ko ay mapapaaway ako.


Pumasok ako loob upang kunin ang ibang order pero binigay sa akin nung kasama ko yung order nang grupo nila dahil gusto daw ng mga ito ako ang magserve. Nakasimangot akong dinala ang order nila.


"Here's your order maam." saad ko at ngumiti ng peke. Tatalikod na sana ako ng mag salita sya.



"Wait." nilingon ko sya pero na gulat ako ng bigla nyang ibinuhos ang kape sa akin. "Ay sorry, ikaw kasi bigla kang humarap." maarteng saad nito at pinunasan ako ng tissue. Natatawa tawa pa ito sa akin. Tumaas ang gilid ng labi ko. Hinga Sunny, pagpasensyahan mo na kailangan mo ng trabaho.


Tumayo ang isa nyang kasama at tinapunan din ako ng ice coffee nya. Hindi ko na kayang pigilan ang galit ko sinasadya nila to. Gusto nila ng laro pagbibigyan ko sila. "It's okay I can afford to buy NEW BRANDED CLOTHES." saad ko at ngumiti ng peke.



"Oh I forgot." saad kong muli at hinawakan ang cake at kape yung cake ay itinapon ko sa mukha nung nakaaway ko at yung kape naman ay binuhos ko sa ulo ng nakasama nya. "Food fight!"tumawa ko ng peke at tumalikod na pero bago pa man ako makalayo ay hinablot na ng babaeng empakta ang buhok ko.


"You bitch where do you think your going?" galit na saad nito. 


"Get your filthy hands off me." galit na saad ko.



"I wont do that until you beg for your life." saad nya at mas lalong hinigpitan ang hawak sa buhok ko napangiwi ako sa sakit sa ginawa nyang yun. This girl is getting into my nerves.



Lahat ata ng galit ko na naipon ay sa kanya ko na ibuntong ko. I grab her hair and the other girl. "You wanna join I give you the privilege bitch!" saad ko at pinaguntog silang dalawa. Natigil lang kami sa away namin ng awatin kami ng guard.


Pumutok yung labi ng empakta at may pasa naman sa pisngi yunng kasama nitong isa. Natakot ata yung isa nilang kasama kaya hindi nakisali. Ako heto may kalmot sa braso at magulo ang buhok. Para akong ginahasa.

Skater boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon