Chapter 16

1 0 0
                                    

CHAPTER 16

Clueless


Wala naman kaming pinagusapan ni Ford matapos kong sagutin ang sinabi nya. Inihatid nya din kaagad ako matapos naming maubos ang alak. Hindi pa rin na wawala ang bad awra sa kanya. Hindi ko alam kung may mali ba akong na gawa sa kanya o na sabi.



Siguro ay na offend ko sya sa mga pinagsasabio pinagiisip ko sa kanya. Napaka matampuhin pa naman ng isang yun. Hay naku Sunny! Ginulo ko ang buhok ko sa mga pinagiisip ko.



Maaga akong na gising dahil may practice pa kami. Last day akong tutugtog ngayon as their vocalist.  Naabutan ko silang naguumpisa na.



"Good morning!" masiglang bati ko sa kanila. Si Tristan tahimik lang parang wala sa mood si Chris naman ay hindi ako pinansin. Si Mike lang ngumiti sa akin at binati din ako. Tumingin ako sa kanyang nagtatanong ang mga mata. Nagkibit balikat lang sya. Mukhang wala rin syanbg ideya.



Nilapitan ko Chris. "Uy sorry kahapon. Galit ka ba?" untag ko sa kanya.




"Huh? Hindi ah." saad nya habang inaayos ang gitara nya. Ngumiti sya ng bahagya sa akin. Dun ko lang na pansin ang pasa sa gilid ng labi nya.




"Anong nangyari sayo?" tanong ko sabay haplos sa pasa nya sa pisngi.




"Tss! Iniwan mo kasi ako kahapon ayan tuloy pinagkaguluhan ako ng mga babae dun." pagbibiro nya sa akin.



Na guilty naman ako sa biglaan kong pagiwan sa kanya. "Sorry talaga." 




"If your really sorry then you should treat me." saad nya sa akin.



"Huh?" wala sa sariling saad ko. Wala pa kong sahod eh unti na lang pera ko. Malilibre ko sya pero hindi sa mamahaling resto. 




"Wag kang magalala di ako maarte." saad nya pa sabay hila sa akin palabas ng music room.




"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang hila hila nya pa rin ako.




"Kahit saan. Di ba lilibre mo ko?" nakangiting saad nya ng lingonin ako. Hawak nya pa rin ang kamay ko hanggang sa hallway. Natigil kami sa paglalakad ng makita namin si Ford. Madilim ang ekspresyon ng mukha nya. Tiim ang bagang at matamang nakatingin sa amin at sa magkahawak naming kamay. 

Skater boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon