Chapter 20 ( Contrail )

32 4 0
                                    

Mina's POV

    Pagka labas ko ng building na aking pinapasukan eh sobrang lakas ng ulan. At wala din naman akong balak na sumugod sa ulan para mas maging dramatic ang buhay ko note my sarcasm please. Walang emosyon ang muka ko habang inaantay na tumila ang ilan na parang napakalabo naman dahil malakas talaga .

Marami na ang taong lumagpas sa akin karamihan sakinila ay mga magkasintahan may mga magbabarkada habang tinitigan ko na magsilabasan ang mga tao ng may maramdaman akong taong tumigil sa tabi ko.

" Mukang aabutin ka ng magdamag dito kung titigan mo lang ang ulan. Hatid na kita sa sakayan " pag aalok niya sa akin may magiliw siyang ngiti na talaga namang mapapasangayon ka.  Hindi nako nagdalawang isip at nakisilong na sa payong niya at tahimik habang sabay kaming naglalakad papuntang sakayan

" You really did a great job a while ago. " tinignan ko siya sa mata matangkad siya kaya kailangan ko talaga siyang tingalain.

" Ginawa ko lang yung trabaho ko. " at ibinalik ko na ulit ang tingin ko sa daanan.  Hindi rin  nagtagal eh dumating kami sa sakayan ng mga bus.

" Mauuna nako . Diyan kana lang mag antay ng bus sa waiting shed. " sabi niya at ngumiti tinitigan ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko .

He's really different . Kung yung iba eh aantayin ka munang makasakay I think he really know me well.

Maya maya pa ay dumating na ang bus at wala akong magawa kundi takbuhin ang kakaunting pagitan nito para makasakay ako . Umupo ako sa tabi ng bintana at pinanoood ang pagtulo ng mga tubig sa salamin ng sinasakyan kong bus.

Dumating ako sa Condo na aking tintirahan sa dalawang taong nakalipas simula ng umalis ako sa mansion . Pag sakay ko ng elevator ay nakita ko ang repleksyon ko sa salamin nabasa pa din ako dahil sa lakas ng ulan .

Ng makarating ako sa karapat dapat na floor na aking pinupuntahan agad akong pumasok at naglinis ng katawan at humiga na sa kama ng maramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata dahil sa lungkot na aking nararamdaman . Dalawang taon . Kinaya kong mabuhay na parang patay sa loob ng dalawang taon lahat ng taong mahalaga sa akin eh nawala ng parang bula na wala man lang akong magawa. Ni hindi ko man lang sila nakita bago sila patayin ni hindi ko nga alam kung saan sila nakalibing o ano pa man ang impormasyon na talagang nagpapabigat sa dibdib ko.


Ang pagluha ko ay hindi ko namalayan na napapahagulgol na ako dahil tuluyan na naman akong dinadala ng emosyon ko. Ni walang araw na hindi ako umiyak dahil hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa buhay ko na ito ba ang kabayaran sa pagiging masama abg ugali ko dati? ngayon ay tuluyan na akong binago ng nakaraan ko nawalan nako ng gana na bigyan ng atensyon ang ibang bagay na ang tanging atensyon ko lang ngayon ay ang mabuhay.

Sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko at tuluyan na akong dinala ng antok.

Nagising ako ng parang ako ay nasisilaw sa liwanag na nanggagaking sa labas ng kurtina .
Nag ayos ako at lumabas ng building upang mag almusal  nakalimutan ko palang kumain kagabi kaya gutom na ako.

Naglalakad ako ng may nakabangga sa akin . Napatigil lang ako at naglakad nagpatuloy sa paglalakad. siguro kung katulad pa ako ng dati talagang makikipagaway pako isinantabi ko na sa isip ko iyon at pumasok na sa isang fastfood na kainan . Tahimik akong kumakain ng makaramdam ako ng pagkailang ko sa paligid kaya naipalibot ko ang paningin ko sa paligid dahil sa pakiramdam ko . Ng parang normal naman lahat sa loob ng kainan na ito ay ibinalik ko ang atensyon ko sa pagkain ko ngunit agad akong napatingin sa tapat ng fastfood restaurant na ito .


Nakita ko ang isang matangkad na lalaki na nakatayo sa labas ng botique na deretsong nakatingin sa akin. Parang tumigil ang lahat sa paligid ko naramdaman ko na parang may nabuhay sa loob ko ng makita ko siya. Matagal ng patay ang bagay nayon sa loob ko pero bakit parang kaya niya itong buhayin sa pagtayo at sa pagtitig lang sa akin kakaunti pa lang ang mga sasakyan na dumaraan dahil maaga pa kaya kitang kita ko siya.


Hindi siya natinag sa pagtitig sa akin kahit tinititigan ko siya andiyan pa din ang napakalamig niyang mata . Na kasing lamig din ng pagtitig niya sa akin ni wala kang mabasang emosyon. Patuloy lang ako sa pagtitig sakanya ng tumalikod siya at nag lakad patungo sa kanang bahagi ng daan. Pagkalipas ng dalawang taon ganon pa din siya . Still as cold as Ice and so As I?


Hindi nako magmamakaawa na habulin siya at ipaliwanag kung bakit ganon ang nangyari saming dalawa. Wala nakong paki sa nararamdaman ko ngayon if I die then I die. I'm just going to live until my body gives up . Nawalan na ako ng gana kumain at umalis na ng Restaurant at isinantabi kung ano man ang Sumasagabal sa isip ko tungkol sa pagkakita ko kay Thraine kanina.

Walang emosyon pa din akong naglakad pabalik ng building. Wala naman akong pasok kaya dinako nagabala na magmadali ng maramdaman kong may sumasabay na sa pahlalakad ko napatingin ako sa gilid ko at ibinalik ang tingin ko sa daan ng makita ko si Paine.

" Nabasa kapa din ba kagabi? Alam ko naman kasing dimo tatanggapin yung payong kahit ipahiram ko sayo "

" Mauna kana may pasok ka pa diba?" sa pahkakaalam ko sa kabilang lugar pa siya pero hindi na nakakapagtaka na makikita mo siyang pakalat kalat.

" yup. Aalis naman din naman ako kasi ipagtayabuyan mo na naman tsk " sabi niya at umaalis na sa tabi ko at nilapitan ang isang itim na sports car.  Well he is  the Heir of the company kung saan ako nag tatrabaho. And to clear things we've been friends for one and a half year now.

Ngumiti siya bago tuluyang pinaandar papalayo ang kanyang sasakyan . Nakatingin lang ako sa sasakyan niya ng may tumigil sa tabi ko.
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng maamoy ang pabango ng taong nakita ko lang kani kanina hindi ko magawang lumingon saknya ngunit mas gumana ang utak ko kesa sa nararamdaman ko at tuluyan na akong napalingon sakanya.
Nakatingin lang din siya sa papalayong sasakyan. Habang tinititigan ko siya Nag iba na ang mukha niya mas nagibg manly at matured ang itsura niya.

Hindi ko inaasahan na ibabalik din niya ang tingin niya sa akin . Na mas nagpalakas ng tibok ng puso ko.

" Tifpain. A Heir " ang salitang lumabas sa bibig niya mas lumaki ang boses niya kesa sa huli kong pagkakarinig.
Si pain? Ano namang kailangan niya Kay Pain? At alam kong wala akong paki don.

" At kilala mo pala siya" diko napigilang mag komento na puno ng sarkasmo . Nakita ko ang pag taas ng gilid ng kanyang labi so what with the smirk?

" Can't I?  " nanatili siyang Kalmado

" hindi  " at tinalikuran na siya at nagpatuloy na sa paglalakad ng maramdaman kong naglalakad din siya sa gilid ko hindi na din naman siya nag abal na maghabol dahil dalawang lakad lang naman saknya yon. At bakit ba kailangan niya pang sumabay hindi ba siya matutong mahiya?

Tumigil ako at humarap sakanya at malamig siyang tinignan. This is helpful to hide my emotion from this man.

Pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad na parang hindi niya ako nakita. Tinignan ko na lang siya ng ilang hakbang palang ang layo niya sa akin ay tumigil siya.

" Can you please continue ? Gusto ko ng tahimik na day off " hindi naman siya humarap o nagsalita. Ano bang problema nito? Ba't hindi na lang siya maglakad at tuluyan ng mawala.

Nag patuloy siya sa paglalakad at nakatitig lang ako sakanya habang palayo siya ng palayo .  Everything has  change, his built , his voice , his looks and more colder than before. People do change they really do.

Hindi pa siya nakakalayo ng lumabas ang pangalan niya sa bibig ko. Yes Im so sad it's killing me to act like I don't care about the World. Because This world made me feel the pain that I can't forget in my entire life.

Tuloy tuloy pa din siya sa paglalakad hanggang sa papalayo na siya ng papalayo sa akin Im just looking at him na parang minememorize ko ang bawat pag galaw niya.

He's not thraine were I was so close with. Ngayon parang ang layo layo niya . Na mas nagparamdam sakin para mas lumungkot pa. Why does he need to appear from nowhere? I didn't own this world and far as I know the World turn it's back from me two years ago.

I'm just a smoke that was left in the sky were there is no way out.

You've Fallen For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon