3

3K 93 2
                                    

Habang nasa daan kami nakatingin lang ako sa dinadaanan namin.Parang eto din yung daan papunta sa village namin ah.

At tama nga ang hinala ko dahil doon kami pumasok sa may gate din ng village namin.

doon kami sa may gate na brown huminto.Ang laki ng bahay nila este mansion pala.

Nang makaparada na yung kotse agad bumaba si yabang at iniwan nalang kami doon at pumasok na doon sa loob ng bahay.

"Lex tara pasok ka."aya sa akin ni kelly ng makababa kami doon sa kotse.

Tumango nalang ako.

Pumasok na kami sa loob.Simple pero maganda yung loob ng mansion nila.

"Mom i'm here."Medyo pasigaw nyang sabi.

"Lex upo ka muna dyan ano gusto mo ice tea o ano?"tanong nya.

"cgeh ice tea nalang."Ako.

"Ok cgeh hintayin mo nalang ako dito hanapin ko lang si mom wait lang ha.~~~yahh paki dalan mo nga po yung bisita ko ng ice tea."Rinig kong sabi nya.

Habang hinihintay ko si kelly.Nilibot ko ang tingin ko sa buong sala.

Napatingin ako sa may malaking frame family picture nila toh mukang eto yung mom nila ang ganda kamukang kamuka ni kelly at yung dad naman nila ang gwapo sing gwapo ni kaizer..

Aisst ano ba tong sinasabi ko?Sinabi ko bang gwapo si kaizer.Shet naman oo na nga aaminin ko gwapo na sya kaso nga lang feelingero at mayabang.Itaga nyo sa bato di ako magkakagusto doon sa lalaking may hangin sa ulo.

At may nakita din ako na dalawang frame na may picture ng dalawang bata.

Mukang si kelly yung isa at si kaizer naman yung isa.Medyo chubby dito si kaizer at napakalaki ng pisngi nya ang sarap pisilin.Mukang nasa edad 6 or 7 itong picture nila.

"Maam eto na po yung ice tea nyo."Sambit ng isang medyo may katandaan na babae.

"Ahh  salamat po."Ako.

"Ikaw ba yung kaibigan nila kelly at kai?."Tanong nya.

Tumango ako.

"Mukang mabait kang bata.At ang ganda mo pa."siya.

"Ahhahehe salamat po."Ako.

"Ako nga pala si nanang flor."Pakilal nya.

"Hello po nanang flor.Alexa po pala."Ako.

"Alexa kagandang pangalan ohhsya cge maiwan na kita at ako'y pupunta na sa kusina."Sambit nya.

Balik ulit sa picture.Cute kasi eh.

Sarap pisilin ng pisngi nakakagigil. Mukang siopao.....Aisst  tumigil ka nga alexa sa mga sinasabi mo ..Kung ano ano lumalabas sa bibig mo Itikom mo na nga lang bibig mo.

"Are you done scanning my picture baby?"nagulat ako sa nagsalita.Putek bigla bigla nalang kasing nagsasalita eh .Muntik na mahulog tuloy yung frame.

"Picture mo? kapal ah yung picture ni kelly tinitignan ko."Depensa ko.

"Luh?picture ni kel? baby don't deny it nakita kita at you were smilling when you see my picture in that frame."Sya at sabay ngisi. May topak talaga yung lalaki na ito.Sarap halik--------

Potek ano ba pinagsasabi ko.Lintek na yan ano ba ginawa sa akin ng lalaki na ito ?bwisit.

"Hoy mister wag ka ngang feelingero dyan ha don't assume na yung picture mo ang tinitignan ko.Ang lakas ng hangin mo pre."ako..

Nababaliw na ata ako.

"Baby I'm not feelingero or what sinasabi kolang naman ang nakita ko."Sambit nya.

Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon