"Stop crying baby."sambit niya at marahan niyang pinunasan ang luha ko.
tumango ako dahan dahan.
"Ikaw kasi eh *sob pinaiyak mo ako."mahinang sabi ko.Nagulat ako ng bigla nya akong niyakap.
"Ikaw naman baby.Sorry na oh..wag ka ng umiyak.Alam mo naman na ayaw kitang nakikitang umiiyak diba.Kaya tahan na.Baby ko."Sambit nya habang niyayakap nya ako.
tinanggal din naman nya kaagad yung yakap nya sa akin at alam nyang hindi ako makahinga.
"Tahan na ok.Ano gusto mo nood tayong movies?"Sya.
Hindi ako nagsalita.
"Oh baka naman iba ang gusto mo.Tara na doon sa may kwar-----"
"KAI!tumigil ka nga."Sambit ko.
"Ano?ala naman akong sinabing masama.Ikaw naman eh binibiro lang kita.Tara na doon sa sala baby ko at mag movie marathon nalang tayo."Sambit nya sabay akbay sa akin papuntang sala.Di na ako nakaalma pa.
Pagdating namin sa sala sya na yung nag ayos.
Ako nakaupo lang sa may sofa.
"baby?ano gusto mong panuorin natin?"tanong nya habang kumukuha ng CD.
"HmMm.ikaw na bahala."Sambit ko.
"Ok cgeh.Ok lang bang eto?"Sambit nya sabay pakita ng CD na ang title ay Game of strones..
Nanlaki ang mata ko.
"Kaizer!"Sigaw ko.
"Bakit ba?sabi mo ako mamili.Hahaha..Eto na lang.Mukang maganda toh.Narinig ko lang kay kelly."Sambit nya sabay pakita sa akin ng cd na 'A walk to Remember'..
"Ok.Cgeh ok na yan.Hindi kopa rin napapanood yan pero sabi nila maganda daw.ayusin mo muna yan tas kuha lang akong snacks natin."Sambit ko.Tumango naman siya at inayos na yung papanuorin namin.Ako naman ay tumayo na at pumunta ng kusina para kumuha ng pagkain namin.Nagtimpla ako ng juice at kumuha rin ako ng isang bowl na pop corn.
Pagkatapos ko sa kusina ay bumalik na ulit ako dooon.Pagkarating ko doon ay nakaupo na si kai doon sa may sofa at kakaumpisa palang ng movie.
Inilapag kona yung pagkain namin sa table at naupo na rin sa medyo tabi nya.
Tahimik lang kaming nanood.Ang bida dito sa movie na ito ay si Mandy Moore. Nanunod lang kami ng tahimik ni kai.
Nasa kalagitnaan na ng movie ay biglang dumusog sa akin si kai kaya napatingin ako sa kanya at saktong pagtingin ko ay hindi ko akalain na malapit lang pala yung muka nya sa may muka ko kaya ang ending nahalikan ko sya..Myghad..Nanlaki ang mata ko at umiwas ng tingin sa kanya.
"Baby kung gusto mo ng kisss,sabihin mo nalang ng wag kang pabigla bigla nakakagulat ka e.Hahaha"sambit nya at tumawa.
"Che.Manahimik ka nga dyan.Ikaw naman kase e.Bat ba dumusog kapa?"inis na sabi ko.
"Wala.masama nabang lumapit sayo?"pabiro niyang sabi.
"Oo.Masama kapag ikaw pa."Pilosopo kong sabi.
"Ikaw naman baby ko.Tara ng dito at yakapin kita."Sambit nya at pilit niya akong inabot.
"Ayoko.Manahimik ka nga dyan.Kai hindi kona naintindihan yung palabas.Ang ingay mo kasi."Sambit Ko.
"Ohkey cgeh na tatahimik na baby ko.pero tara na dito."at bigla nya akong hinatak kaya nayakap nya ako.Hindi naman ako makagalaw dahil medyo mahipit sinigurado nya na hindi ako makakawala sa kanya.
"Kaizer ano ba di naman ako makahinga.Bitawa----"
Ting dong 2x
Nagkatinginan kaming dalawa.Agad naman akong napatayo.Sino naman kaya iyo?Nakita ko rin na tumayo si kai.
pero pinigilan ko sya.
"Ako na magbubukas dyan ka nalang."Pigil ko.Tumango siya at muling umupo sa may sofa.
Ako naman ay nagtungo sa may pinto para buksan yung gate.Pagkabukas ko nagulat ako kung sino ang nasa harapan ko.Bakit pa ba sya nandito?
"Hi.Babe."Sambit niya.
Hahahaha.Nagpapatawa ba sya?babe?matagal na kaming tapos.Jusko.
"Huh?ala ditp yung babe mo.Umalis kana dito."Sambit ko at akamang isasarado kona yung gate ng bigla nyang iharang yung kamay nya kaya diko maisarado yung gate.
"Ano ba.Umalis kana dito.Hindi kita kilala."Sambit ko.Pero di sya nag patinag.
"Babe naman.Ganyan mo na ba kadaling kinalimutan ang pinagsahan nating dalawa.At ngayon sinasabi mong hindi mo ako kilala."sambit nya.
"Oo ganon kadali iyon!sinira mo nga pinagsahan natin diba.Bat kapa kasi nandito?ano pa baang kailangan mo?"sigaw ko.
"IKaw!ikaw ang kailangan ko babe.Bumalik kana sa akinn."Sambit niya.
"Hahhaha.Nagpapatawa kaba?ano ako tanga?hindi na ako babalik sayo.Hindi na ako magpapakatanga sa isang katulad mo yan ang tandaan mo.Kaya pwede ba umalis kana."Sigaw ko.
Bago pa man siya makapagsalita ay may nagsalita na sa may likuran ko.
"Baby sino bayang kau---"
Hindi na natuloy yung sasabihin ni kai ng bigla namang nagsalita si Zane.
"Oh eto ba?eto ba pinagpalit mo sa akin?lolokohin ka rin nyan.Kunyaring mabait pero sasalatan ka lang din nyan."galit na sigaw nya.
"Anong sabi m---"Kai.
"Ano?Zane pinapatawa mo talaga ako.Tinutukoy mo ba ang sarili mo sa mga sinasabi mo.Eto tandaan mo hindi ako uto uto.At ano naman ngayon kung sya ang ipinalit ko sayo.Mahal nya ako at mahal ko rin sya.Eh ikaw ano wala?kunwari lang diba.Iwan sa ere.Bwisit umalis kana dito pwede."Sigaw ko.
"Pare umalis ka nalang pwede ako ang pinili kaya pwede ba umalis kana at baka hindi ako makapagtimpi sayo bak kung ano pa magawa ko sayo."Sambit ni kai.
"Wag mo nga ako matawag na pare.Gago ka.Mang-aagaw."Sigaw nya.
the next thing i see nakabulagta na sa sahig si Zane.tumayo naman si zane at bumawi kay kai.
"Omyghad."Sigaw ko.
Hinitak ko si kai dahil nagsuntukan na sila ni zane.Buti at napigil ko si kai.
Nag susukatan sila ng tingin.
"Ano ba! tumigil na nga kayo.Pwede ba zane umalis ka nalang.Tatawag ako ng guard pag hindi kapa umalis Pls.Lang zane.Umalis kana at wag ng babalik pa."Sambit ko at inila si kai papasok at sinarado ko ang gate.
Pumasok kami sa loob ng tahimik walang nagsasalita sa amin.Umupo sya sa may sofa.Nakita ko ang pasa nyang maliit sa my gilid ng labi niya at may putok ang labi niya kaya may konting dugo.Agad akong kumuha ng first aid kit at dinala sa may sala.
Umupo ako sa may harapan niya.Hindi sya makatingin sa akin kaya ang ginawa ko ay himawakan ko sya sa may muka at pinaharap sa akin.
"Ouch."daing niya.
"Sorry ikaw naman kase e.Nilabanan mo pa."Sambit ko.
"Kung hindi ko..Ouch...Nilabanan yn hindi kapa titigilan..Aray..Masakit dahan dahan lang..."sambit niya.
"Sorry na.Ikaw kasi e.Pero salamat."Sambit ko at inayos na yung kit.
Umayos ako ng upo...Tahimik nanaman kami.
"totoo ba yung sinabi mo kanina?"basag nya sa katahimikan.
Napalingon ako sa kanya.
"Huh?"pagmamaang maangan ko.
"Baby.Wag kang ganyan alam mong alam ko.Alam nating dalwa yung sinabi mo.Totoo ba iyon?"ulit nya.
"O-oo pero..."Pinutol nya yung sasabihin ko.
"Sssshhh..Baby masaya ako sa sinabi mo.Alam kona ngayon ang nararamdaman mo.Kung hindi kapa talaga handa baby.Kaya kong maghintay sayo lagi mong tatandaan nyan.Mahal kita kaya hihintayin kita."Sambit niya at niyakap niya ako at naramdaman kong hinalikan nya ako sa noo.
----------------------------------
end chapter