Umiwas nalang ako ng tingin doon.
"Kai nakakahiya na ito.Pls.Tanggalin mona pagkakayakap mo sa akin."Bulong ko.
"Ok po masusunod po."Sya at tinanggal na yung pagkakayakap nya at hinawakan nya yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
Nakangiti lang sya sa akin kaya pinabayaam kona sya.
"Tara na doon kila kelly."Sambit nya at inakay na ako doon papaunta sa may food court habang naglalakad kami ay yung mga taong nadaanan namin ay nakatingin sa amin at mukang kinikilig pa.Tusukin ko mga mata nila e.Akin lang ito.O selfish na kung selfish..Hahaha
Nang makarating kami doon ay nakita namin sila kelly na kumakain ng Somai.
"tagal nyo ah.Kaya bumili na kami."Clide.
"Oo nga bat ang tagal nyo?anong nangyare.?"Kelly.
Nagkatinginan lang kami ni kai at tumawa.
"Anong nangyare sa inyong dalawa?bigla bigla nalang kayong tumatawa dyan.nabaliw naba kayo?"sambit ni kiefer.
"Hindi ah.Kumain na nga lang kayo dyan."Kai.
"Aish.Hahaha oi guys wait tignan nyo toh.Trending ngayon sa social media.at puro share."Biglang sabi ni Kelly.Nagcecellphone sya kasi kanina nung dumating kami.Siguro na inip na.
"Patingin."Si clide at kiefer.
"Guys omyghad trending kayo ngayon.Kahit ilang minutes palang ito nagtrend na kaagad kayo.Omyghad nagpropose ka kuya?."Di makapaniwalang sabi ni kelly.
"Ano?hindi yan.Patingin nga."Gulat kong sabi at tinignan ko yung video at nakita ko yung video nanangyari kanina doon.Mygad kahit ilang minuto palang ang nakakalipas ay may views na kaagad na 1.5m views at share na 500kshare.
Di ako makapaniwala dito.Nasuntok ko di oras si kai sa balikat.Kainis.
"Ahhray.Bakit mo ginawa yun?"pag alama nya.
"O guys wait eto pa daming comments tapos may caption na.~~Omg si Kaizer Perez Nagpropose sa isang dikilalang babae.Hindi pwede to.~~ at maraming comments kaso dikona iisa isahin dahil ayokong basahin."sambit ni kelly.
"Kainis ka."Biglang sabi ko kay kai.
"Bakit?Ayaw mo nun trending ka.haha"Sya.
Tumayo ako.
"Guys biglang sumama pakiramdam ko.Uuwi nalang siguro ako at magpapahinga."Sambit ko hindi kona hinayaan silang sumagot at naglakad na ako papalayo sa kanila.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.
"Baby."tawag niya.
Kaya napahinto ako.At hinarap nya ako sa kanya.
"Sorry na oh.Di na yun mauulit.at saka wag kamang mag isip ng kung ano ano dyan.Akong bahala sayo.Walang makakaaway sayo hanggat nandito ka sa tabi ko."Sambit niya.
Hindi naman ako nagsalita.
"Ok.Kung gusto mo nang umuwi ihahatid na kita sa inyo.Para makapagpahinga ka doon sa in-----"
"Omyghad it's real nga.Totoo nga.Hindi ako makapaniwala na nandito kayo sa harapan ko.Diba kayo yung nasa video na ito."Biglang singit nung babae kaya napatingin kami sa kanya at doon sa video na pinapanood nya.
Napatango nalang si kai.
"Omyghad pwede po bang magpapicture sa inyong dalawa?pls po."Sambit niya.
Tumingin sa akin si kai.Tumango nalang ako at pinagbigyan nalang yung babaeng lumapit sa amin.
Click
Click.
"Waaahhh thank you po sa inyong dalawa.Bagay na bagay po kayo."Huli niyang sabi saka umalis na.
"Narinig mo yun.Bagay na bagay daw tayo.Sagutin mona kasi ako."Sya.
Umirap na lang ako sa kanya.
"Ohkey kaya ko pa naman maghintay eh.Tara na iuuwi na kita sa amin."Sya.
Kaya napahinto ako sa paglalakad.
"Correction sa bahay namin hindi sa inyo."Sambit ko.
"Wews kala ko makakalusot e.Oo na bahay nyo na po baby ko."Sya.
hindi na ako sumagot at naglakad nalang kami papunta sa parking lot.
Nang makarating kami doon ay pinagbuksan nya ko ng kotse at sumakay na ako sya naman ay umikot sa kabila para makasakay sa may driver seat.
"Seatbelt baby."Sambit nya bago paandarin yung kotse.Tumango ako at inayos ang seatbelt ko.
Nang maayos kona ang seatbelt ko saka sya nagmaneho.
Mga isang oras din ang byahe namin hanhgang sa village namin.Hininto nya na yung kotse nya sa may tapat ng bahay namin.
pinagbuksan nya ulit ako ng pinto.
"Salamat."
"Always welcome baby.Cgeh na baby pasok kana sa loob para makapagpahinga ka."Sya.
Tumango ako.
"Hindi ka muna ba papasok sa loob?"tanong ko.
"Ohkey cgeh samahan kita muna dyan sa inyo."Sambit nya.
Sabay kaming pumasok sa loob pinaupo ko muna sa may sofa.
"Ano gusto mo?Juice o tubig?"tanong ko sa kanya.
"kahit ano nalang."Sagot niya.
"Ok cge.Hintayin mo nalang ako."Sambit ko.Tumango siya bilang sagot.
pumunta ako doon sa may kusina at kumuha ng juice na dalawang baso.At dinala ko sa may Sala Binaba ko yung baso ng juice.
"Inumin mona yan."Sambit ko.
"Salamat.Masama pa ba pakiramdam mo?"tanong nya.
"Hindi gaano.Iinom nalang siguro ako mamaya ng gamot."Sambit ko.
"Hindi.Dapat ngayon na baka magkasakit kapa nyan.Nasan yung kit nyo dito ako na magpapainom sayo ng gamot."Sambit Nya.
"Hindi ako na. Umupo kana dyan eto na at kukuha ako ng gamot."Sambit ko.
"Samahan kita.Gusto ko makita na uminom kanang gamot."Sya.
"Oo na eto na.iinom na nga.Kaya wag kanng mag alala wala kabang tiwala sa akin?"ako.
"meron syempre."Sambit nya.
Kinuha ko yung kit sa may kabinet.
At kumuha ng gamot."eto na iinom na ako."Sambit ko.
"Good.Pagkatapos baby.Umakyat kana sa taas at ng makapagpahinga ka."Sambit nya.
Tumango ako.
Tinago kona ulit yung kit at yung mga baso na pinag unuman naman ay inilagay kona sa may kusina.
"Samahan na kita doon sa kwarto mo.Para masiguro kong makakapagpahinga ka."Sya.
Tumango nalang din ako.Sabay kaming umakyat sa kwarto ko.At nahiga ako sa kama ko.At sya naman inayos nya yung comporter at pagkatapos non ay umupo sya sya doon sa may gilid ng kama ko at naramdaman ko na hinahaplos nya yung buhok ko.
"Magpahinga kana baby."Sambit nya.
Tumango ako.
"Thank you kai.Salamat sa lahat."Sambit ko.
"Wala yun.Diba nga sabi ko sayo.Lahat gagawin ko para lang sayo."Sambit nya.
"Magpapahinga na ako.Ingat ka sa pag uwi ah."Sambit ko.
"Oo naman.Mag iingat ako dahil mamahalin mo pa ako.haha.Cgeh magpahinga kana.Mamaya na ako aalis kapag nakatulog kana."Sambit nya.
Tumango ako.
"I love you baby."Huli kong narinig bago ako tuluyang nakatulog.
--------+---+----------------------
A/N:hello guys sana nagustuhan nyo itong chaoter na ito.Enjoy reading guys.Love u all.