CHAPTER 5 Friendly Dinner

23 4 0
                                    

CHAPTER 5 Friendly Dinner

Angela's POV

Kakababa ko lang sa kotse ni babe saka nag paalam sa kanila, sinabi ko na din sa kanya na wag ng isabi kay hanna na hindi na ako sumama, baka kasi mag paiwan yun eh, alam nyo na medyo maarte yun. >°<

Papasok na ako sa bahay para makapag pahinga na din. Infairness ah! Na pagod ako kakasigaw kanina sa sobrang hapdi ng kamay ko. Haha XD

Umakyat muna ako sa kwarto ko para mag bihis muna ng sando at shorts. Naka pambahay lang ako wala na mana akong pupuntahan eh, saka kaming dalawa lang dito ni hanna sa bahay kaya ayos lang kung makita nya ako na ganito ang suot ko.

Bumaba na ako at pumuntang living room. Binuksan ko yung TV para manood. Saka ko pinagmasdan yung kamay ko.

Hmp.Medyo masakit pa din,maga pa nga eh, tapos medyo nag pupurple na nag rered.

Habang pinag mamasdan ko to nakakaramdam ako ng antok, hindi ko na kayang tumaas pa sa kwarto ko sa sobrang pagod. Kaya di ko na napigilan ang pagpikit ng mata ko.

Zzzzzz.

- ° - ° - ° - °

" Angela? " mahinang tanong ng isang boses ng lalaki. Hindi ko kilala ang boses nya ngayon ko lang narinig.

Tapos naka rinig na ako ng mga ingay may nag tatawanan tapos parang may nagluluto?, meron din akong narinig na naglalakad lakad hindi ko pa rin kasi binubuksan ying mata ko.

" hoy! Baka kung ano ng gawin mo dyan ah! Natutulog pa yan baka magising mo. " sabi ng isang pamilyar na boses.

" shh. Wag ka ngang maingay baka magising mo sya eh. " narinig kong sabi nitong lalaki na I think nasa harapan ko lang. Ano naman kayang ginagawa nito sa harapan ko? Hmm.

Hindi ko pa rin minumulat ang mata ko dahil sa pag iisip kong sino itong mga tao sa loob ng bahay namin. MGA syempre kasi I think mga apat yung tao eh,

Habang nag iisip ako naramdaman ko ang hininga nang lalaki na palapit sa mukha ko. I think hahalikan nya ako! Syempre mag kadikit na yung ilong namin. Aba! Di pwede to! Sya makakakuha ng first kiss ko no way! Di ko pa nga  sya kilala eh,

Kaya naman agad kong minulat ko ang mata ko at tiningnan ko sya ng deretso sa mga mata nya ng sobrang seryoso,kumunot din ang noo ko. Tama nga, di ko to' kilala, 'tong lalaking nasa harapan ko.

" oh! G-gising ka na pala! " asik nya na biglang lumayo sa harapan ko.

" sino ka? " tanong ko agad  sa kanya at agad namang umupo ng maayos

" oh, Angela gising ka na pala! " bati ni - Flin? Sa akin.

" Bakit kayo nandito? " tanong ko ulit sa kanila na nagtataka.

" ah, binilin ka kasi saamin ni jaden eh,bantayan ka daw, kaya dito nya na kami pina  diretso. " sagot ni james.

Pinadiretso bakit?

" Pinadiretso kayo? Bakit? " tiningnan ko naman tong lalaking kanina na nasa harapan ko. Mukhang nahihiya sya, namumula yung mukha nya at nakatungo, CUTE!- wait what?! Ano ba 'tong pinagsasabi ko?

" ahh, kasi malaro kami mamaya, sinabi nya na dito kami dumirecho at wala ka daw kasama. " nakangiting sabi ni Aldwin. Nasa kusina sya nag luluto ang bango nga eh! Ano kaya yun? Amoy adobo eh,

" uhm? Angela, anong nangyari jan sa kamay mo? " tanong ni james. Ay oo nga pala nakalimutan kong sabihin sakanila.

" oo nga? Naano yan? " dagdag naman ni Flinn.

" bakit? " tanong ni Aldwin na iniwan yung niluluto nya at lumapit sa amin. tiningnan ko yung lalaki kanina kung matanong din sya. Pero nginitian nya ako. At agad ko namang sinuklian yun.

" ahh- uhm. Kasi aksidente lang naman n-" napahinto ako ng mag sisigaw si James.

" aksidente?! What? Bakit? Anong nangyari?! " sinamaan naman sya ng tingin nung tatlo, masyado kasi syang OA! Talo pa parents ko kung makareact. Tsk.

Nabatukan naman sya ni Flinn." kung pinapatapos mo kasi muna noh? Makareact ka, OA mo dude! "

" tsk." narinig kong banggit nila aldwin at ni- sino ba kasi to?

" ok James chill ka lang, eto na. " huminga muna ako ng malalim at saka sinagot yung tanong nya." aksidente kasing nasara bigla ni hanna yung pinto ng sasakyan ni babe, eh, nasa labas pa ng pinto ng kotse yung kamay ko kaya eto. " pagpapatuloy ko. Tumango naman sila bilang sagot.

"wait, babe? May boyfriend kana? " tanong ni ugh! Sino ba kasi toh?! Tsk.

" si Jaden bro, pinsan nya. Call sign nila ni angela yun. Masyado kasi silang close. " sagot sa kanya ni james. tumango naman sya bilang sagot.

" ah! Di papala ako nag papakilala sayo. ako nga pala si Jin Kyle Collins nice to meet you Angela. " nilahad  nya yung kamay nya sa harap ko sign na makikipag shake hands. Wow! Nag iba agad aura ni kuya ah! Parang na enlightened up. Kasi kanina lang nahihiya pa sya eh, Hehe.

Tinanggap ko naman yun at nginitian sya." nice to meet you too. "

" tara kain na tayo nag luto ako ng adobo jan! " masiglang sabi ni aldwin.

" tamang tama bro gutom na ako! " dagdag naman ni james.

" ako rin! " sabi naman ni Flinn, saka sila tumakbo papuntang kusina.

inakit naman ako ni jin papuntang dining area saka ako inalalayan. Nginitian ko sya ang baita naman pala nya.

A/N:

Sorry po kung ngayon lang na UD si author : ( hindi na  kasi si ako  infires este inspired hehe. Pero ginanahan uli ako. Kinukulit kasi ako ni hanna haha.

(PS. Totoo po sya pinsan ko talaga yan haha XD)

Sana nagustuhan nyo UD ko hehe ayan nag pakilala na si Jin ano naman kaya susunod na mangyayari? Abangan po ang sunod na UD. Hehe. Still comment or message me for suggestions. <3

Only You: Skul Luv AffairWhere stories live. Discover now