CHAPTER 13 : The Orientation Pt. 1
Angela's POV
Pumasok na ako sa kwarto ko at sinara na ang pinto. Pinatong ko muna yung black box na bigay ni bes sa study table ko saka ako nahiga sa kama ko.
Hay! Ayaw ko talaga muna bumaba hanggat nandon yung Jin na yon di pa din napapawi yung inis ko dun sa lalaking yun mabara din pala! Kala ko sweet and caring eh, ngayon nilabas na nya sakin yung 'the other side' kuno nya, di ko din siguro mapipigilan ang pag snob, sungit at pagka pilosopo ko dun.
Since wala akong mahagilap na gagawin dito sa room ko kukuhain ko na lang yung cellphone ko--- wait nasan yung cellphone ko?! Ah, shit! Nasa handbag ko sa kotse ni babe, gosh! How can I be so forgetful!
Ano na ngayon?! Bababa ako dun tapos makikita ko nanaman yung lalaking yun? Hay edi bababa, at bakit ko ba kasi pinoproblema yung appearance nung lalaking yun? Kung pwede nga lang utusan yung cellphone kong pumunta dito ginawa ko na, pero di kasi ako likas na tanga kaya bababa na lang ako no choice eh, makikita ko lang naman sya hindi nalang ako iimik kapag kinausap nya ako, I'll pretend his invisible anyway, Di ko din alam kung bakit ba napaka big deal nito at pati sya pinoproblema ko. Hay! Bahala na nga! Wala na mang mawawala eh, unless may iba pang option di ba?
Bumaba na ako sa kwarto ko at nakita silang nasa dining area nag kakain na. Teka yung kambal lang ang nandito ah, ibig sabihin wala na yung Jin na yon? Malamang obvious ba? Hay yes! Wala na yung Jin na yon salamat naman at makakatambay na ako dito sa sala, nag didiwang na ang lamang loob ko sa pag alis nung lalaking yun, oh di ba ang babaw ng kaligayahan ko parang tanga haha.
"hi kambal!"bati ko sa kanila na super hyper at parang kiti kiti na di mapakali di ko alam na parang baliw ako ngayon dahil lang sa pag alis ni Jin, ewan ko ba basta masaya ako.
"oh, cuz kumain kana kaya kanina pa kami dito eh, alam ko namang bababa ka at di mo matitiis ang gutom mo. Hahaha" sabi ni hanna habang tumatawa ng mahina saka sumubo ng kinakain nya. Hay baliw as always.
"oh, babe bakit nagugutom ka na ba? " umiling lang ako sa tanong ni jade, sumubo naman ng kinakain nila, kumakain sila ng isang product sa isang fast food chain na jollibee.
"ahm, babe pahiram nga ng keys mo sa car may kukuhanin lang ako." paalam ko sa kanya, inabot nya sakin yung car keys at agad ko namang kinuha yon.
"thanks," pumunta na ako sa may few pinto parabuksan yon at pag bukas ko-
"aray!"sigaw ng lalaking nasa harap ng pintuan at may hawak na cup. wait, baka nag kakape 'to dito sa pinto?
"ano ba?! bakit hindi mo dahan dahanin yung pag bukas nung pinto?!" singhal nya sakin at saka ako tiningnan ng masama.
Agad namang sumama ang timpla ng mukha ko, nilagpasan ko lang sya at tumungo nasa kinaroroonan nung kotse. Yung kotse naman kasi talaga ang pakay ko dito hindi yang lalaking yan.
"hoy Angela! Di ka ba mag sosorry ?!" di ko pa rin sya pinansin at tinungo na ang kotse. Nang nasa aharapan na ako binuksan ko na yung passenger's seat, nakita ko naman agad dun yung hand bag na hinahanap ko.
Tiningnan ko yung loob nun kung kompleto pa yung laman syempre baka may kinuha dito si hanna diba? Wala akong tiwala dun eh, hahaha
Isasara ko na sana yung pinto ng kotse ng passenger's seat nang makita ko si Jin na nasa harapan ko na. Woah! Andito agad sya ambilis nya naman.
Lumapit sya sakin at halos dalawang dangkal nalang ang layo namin sa isa't isa, bumilis naman ang tibok ng puso ko ng lalo syang lumapit.
"a-ano ang kailangan mo?"tanong ko sa kanya na medyo nauutal, na tetense kasi ako sa kanya sa sobrang lapit ba naman nya.
Lumapit lalo sya sakin halos 5 inch nalang ang layo namin! Gosh nakakakaba naman 'to!
"ang kailangan ko yung sorry mo." mahina nyang sabi yung halos kaming dalawa lang ang makakarinig. At anong sorry ang sinasabi nito?! Wala akong natatandaang ginawa ko sa kanya!
"anong sorry?! Di ako mag sosorry! Tabi nga!"tinulak ko sya para umalis na sa harap ko pero sadyang malakas sya at di ko kaya. Lumapit lalo sya sakin god! Ano bayan! nahalikan na nya ako!
Joke! Malapit lang naman di pa natutuloy haha, wag kayong kabahan. Nakuha ko pa talagang mag joke sa kalagayan kong ito noh? Parang tanga kitang may baliw na moody sa harapan ko!
"di ako aalis dito hanggat di ko naririnig yung sorry mo." pabulong nyang sabi at hindi pa rin umaalis sa harapan ko, Ang OA na ah! Di lang ma sorry di na aalis, ang babaw naman ng rason nito.
Edi dito kami mag damag kaya ko naman eh, ewan ko lang sa kanya."hindi talaga ako mag sosorry dahil wala naman akong ginawa."nag smirk ako sa kanya na parang nang aasar lumapit lalo sya sakin.
Tongono! Bes! Madikit na yung ilong namin sa sobrang lapit nya! Nararamdaman ko naman yung palitan ng paghinga namin at pag bilis ng pag tibok ng puso ko.
"di talaga?" ang lapit nya talaga lumapit na sya sa ilong ko at tuluyan na nga itong nag dikit, hahalikan nya ba talaga ako?!
Pinikit ko yung mata ko nang lumapit na sya, wahhh! Makukuha nya yung 1st kiss ko! No way! Di ba panaginip lang 'to? Sana! Pero di eh, Shit talaga.
Nagulat kami pareho ng tumunog yung cell phone sa kamay ko at agad ko syang tinulak, lumayo naman agad sya sakin at binigyan ako ng space. Tiningnan ko kung ano yun at bigla naman akong nagtaka at nagulat.
Fr: 65899***
I'm sorry to tell you that the school Orientation for the seniors has been postponed it'll be moved till tomorrow June 05,**** thank you! Hope you can attend.
(spreading the news)-PIO(public information officer of Seniors)
Oh gosh bukas na pala yun?!
YOU ARE READING
Only You: Skul Luv Affair
Teen FictionDate started: April 30,2017 Date ended:**** 'No matter how many trials fate may given you, don't be afraid to face them all. ' -Angela Angeles (Bangtan High)