CHAPTER 11 MAMO

22 1 1
                                    

A/N:
          Hi po its me again hehe. New UD for you. Sorry po kung ngayon nalang uli naka UD busy and tinatamaran kasi ako eh, at medyo wala ng inspiration kaya patagal ng patagal ang pag UD. Sorry na po. Anyway enjoy reading ;^)
                                
                                                                                     ♡the author.

____________________________________________________________________

CHAPTER 11 MAMO

*Flash forward*

Angela's POV

Three weeks na ang nakalipas andito kami ngayon nila babe sa kotse papunta sa hospital para matanggal na ang pagka semento nitong kamay ko hindi rin naman masakit saka okey na kaya papa check na namin.

Well wala namang special na nangyari nung mga nakaraang linggo eh, pwera nalang nung nag bisita sila bes, speaking of that bruha wala sya ngayon dito nag bakasyon kasama yung parents nya.

"So pagkatapos nito san na tayo?" Bored na tanong ni hanna. Napatingin naman ako sa kanya mula dito sa passengers seat, nakahiga sya sa back seat habang nag cecellphone.

"Huh? So san mo ba gusto?"tanong ko naman pabalik sa kanya. Nag shrugged lang sya. Hayst! Saan o ano ba ang magandang gawin? Nakakaboring nga naman pagkatapos namin pumunta sa hospital.

"San nyo ba gusto?" Tanong naman ni babe mula sa driver's seat.

"Ewan" sagot ko tumingin nalang ako sa bintana ng kotse malayo layo pala yung hospital na pina check up-an namin mula sa bahay.

"Gusto nyo ba punta nalang tayo sa bahay ni MAMO?" Napatingin ako bigla kay babe nung binanggit nya si MAMO. Well that's a great idea gusto kong mabisita ngayon si MAMO its been 3 weeks since huli namin syang nakita or nabisita? Maybe, ewan

"Well that's a good idea twin, I like that." Sambit ni hanna tumango naman ako sa pag agree ni hanna. Yun! Masaya yun kapag kay MAMO nalang kami tatambay, manginginain ,mag aaksaya ng oras, makikipagkwentuhan hay! Daming pwedeng maggawa namiss ko din si MAMO kaya good idea yun.

"Yeah that's good let's go there," tumango naman si babe at nagpatuloy sa pag maneho ng kotse.

Maya-maya lang ay nandito na kami sa hospital pumunta na agad kami sa office ng doctor na nag check up sakin. Buti nalang nandun sya.

"Good morning doc." Nakangiting sambit ni babe kay doc.

"Good morning please have a seat. So what can I do for you?" Umupo naman kami dun sa harap ng table ni doc.

"Uhm. Mag papacheck up lang po sana, ito pong kamay nung pinsan ko kung okey na, hindi naman na daw po kasi masakit kaya kung pwede na pong ipatanggal yung pagkasemento?" Paliwanag ni hanna dun sa doctor ko tinanguan naman kami at sinimulan na ang pag check up.

- - -

Kakatapos lang namin mag pa check up at sa wakas natanggal na din itong pagka semento sa kamay ko okey naman na daw pala eh, kaya pwede nang ipatanggal, magaling na din daw at di na namamaga kaya ayos na. Binigyan pa din ako ni doc ng gamkt para mag tuloy tuloy na talaga ang paggaling.

"Yey! I can't wait to see MAMO." Hay si hanna talaga oh, umiral na naman ang pagka childish. Kung kanina bored na bored ngayon para ng kiti kiti na hindi mapakali sobrang hyper!

"Alam mo cuz, di ka mukhang excited noh?" Sarcastic kong sabi sa kanya. Di nalang ako nito pinanasin at tumingin sa labas ng bintana, umiling iling nalang ako at tumingin nalang din sa bintana ng kotse.

Only You: Skul Luv AffairWhere stories live. Discover now