CHAPTER 11

3.8K 135 5
                                    



"Magandang gabi!" Napatingin kami sa nagsalita. Isang matangkad na lalaki na naka suot ng hood.

"Anong maganda sa gabi!?" Inis kong sabi dito. Hindi ako tanga para hindi malaman na sya ang nag tangkang saktan kami ni Rein.

"Ernest." Rinig kong wika ni Rence. Mag kakilala sila?

Napatingin ako kay Rein dahil sa pag higpit ng hawak nya sa bewang ko. Aba chansing to ah! Pero sige pag bigyan na!

"Napaka tapang naman ng prinsesa." Wika nito napatingin ako sa kanya. Sino ang tinutukoy nya? Ako lang naman ang babae dito o baka may bakla sa mga kasama ko.

"Stop thinking like that!" Inis na bulong ni Rein sakin. Tsk oo na ang Kj mo!

"Nga pala may balita ako sayo Prinsesa!" Napatingin ako dito. Sino ba kasi ang tinutukoy nya?

"Hindi ko alam na may pag ka engot ka!" Napataas ako ng kilay. Ako ba ang tinutukoy nya?

"Ako ba ang tinutukoy mo?" Naiinis kong sabi dito.

"Yes." Natatawa nitong wika. Naiinis ako sa taong to! Kung tao man sya!

"Aba ang kapal ng mukha mo ah! Hindi mo ba alam na ako ang valedictorian nung grade 6 ako!? Hindi ako engot!" Sigaw ko dito at handa na sana akong sugurin sya kundi lang ako niyakap ni Rein. Arggghh salamat sya niyakap ako ni Rein kundi papatulan ko yan!

Napatingin ako kay Rein ng tumawa sya ng mahina.

"How sweet." Sinamaan ko sya ng tingin. Nakaka inis na sya ah! Sino ba sya!?

"Ano bang pakay mo dito Ernest!?" Rinig kong sigaw ni Rence.

"Ang prinsesa nyo malamang!" Sagot naman nito. Sino ba kasi yang prinsesa na yan.

Tumingin ito sakin at tinggal ang hood nyan. OMy. Ang gwapo mo namang nilalang ka. Whaaaaa sobrang landi ko na.

"Don't look at him." Bulong ni Rein. At sinobsob ang mukha ko sa dibdib nya. Aray ko po ang sakit ah! Bakit ba kasi ang tigas ng dibdib mo? Patingin nga!? Whaaaaaa lalayo na talaga ako sayo nagiging malandi na ako.

"Your to possessive. Rein." Napaangat ako ng tingin kay Rein. Si Rein possessive?

"Makinig ka Prinsesa." Tumingin ako dito pinipigilan ako ni Rein pero nag matigas ako.

"Ano ba Rein!" Sigaw ko humarap ako kay Ernest? Bakit ganon ang gwapo nya pero yung pangalan nya pang matanda?

"Sino ba kasi yang prinsesa na yan!?" Naiinis ako kasi biruin mo Prinsesa sya ng prinsesa. Eh hindi ko naman kilala kung sino ang tinutukoy nya? Seriously muntanga na ako dito eh!

"Argghhh malamang ikaw!? Idiot!" Nanggigigil na talaga ako. Somosobra na sya ah kanina engot ngayon naman tanga!

"Aba! Bastos ka ah! Anong gusto mo away, gulo, gera!? Isa pa Pinky ang pangalan ko hindi Prinsesa!" Sigaw ko sa kanya lalong humigpit ang hawak sakin ni Rein.

"Your totally an idiot woman! Wala kang kaalam-alam." Sigaw nito na lalong nag painis sakin!

"Sira ulo ka ah! Hindi mo ba alam na may pinag-aralan ako!?" Sigaw ko. Nakita ko ang irita sa kanyang mukha at napa hilamos na lang.

"Ano ba Pinky ang tanga mo talaga!" Napatigil ako ng si Rein na ang nag sabi non. Na mumuro na talaga silang dalawa. Pag untugin ko sila eh! Salamat sila gwapo sila. Pero syempre mas gwapo si Rein.

Sa inis ko tinpakan ko ang paa ni Rein at lumayo dito tumalikod ako at akmang aalis ng mag salita nanaman yung bwesit na Ernest na yun.

"Ikaw lang ang walang alam. Kung ano ka talaga!"

********

thank u AshleyConstantino6

sa comment. di talaga kita ma mention eh.. pero thank u parin!

another update.

keep voting and comment guys.

@JovyNaida

The Long Lost Princess Of AfiamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon