CHAPTER 36

2K 53 4
                                    

Queen_Violet_15
jenneferminowa

JOVYNAIDA'S POV

Dumating ang mga afiamian kasama ang mga head ng academy.

Pinili nilang mag intay sa labas ng dark kingdom walang nag babantay dito dahil lahat ay nasa taas upang saksihan ang muling pag kabuhay ng kanilang pinuno.

Ang mag kakaibigang si Andrew, Serio, Jay at Rence ay nag hiwa-hiwalay upang hanapin si Pinky.

Bumababa si Rence papunta sa mga naka kulong mas alam nya ang pasikot-sikot ng palasyo dahil dito sya lumaki.

Pag kababa nya ay kaagad nyang napansin ang mga iba't-ibang uring nilalang na nag kakagulo sa pinakadulong bahagi.

"Anong ngyari?" Tanong nito kaagad namang nahawi ang mga kumpulan.

Nakita nya don ang kaibigan na nakahilata at namumutla, batid nyang nahihirapan na ito. Kaagad syang lumapit at lumuhod hiwakan nya ang ulo nito at inihiga sa hita nya

"Pinky." Tawag nya dito ngunit hindi sya sinasagot ng dalaga batid sa kanya ang pag-aalala.

"Ah binata." Tawag pansin ng isang matandang natulungang maka takas ng prinsesa.

"Nalapatan na sya ng pang samantalang Lunas upang hindi kumalat kaagad ang lason." Napatigil sya at nagulat sa sinabi ng matanda.

"Lason?" Tanong nito. Tumango ang matanda.

"Sino ang may gawa nito?" Tanong nito.

"Ang bagong bihag na binata, masasabi kong isa syang bampira." Sabi nito. Bakas ang sobrang gulat at labis na galit sa mukha ng binata.

"Si Rein? Pero kilala ko si Rein. Alam kong hindi nya ito magagawa." Bulong nya sa kanyang isip.

Pinilit nyang pinakalma ang sarili.

"Ginoo, maari kitang matulungan upang malaman mo ang totoo." Tumango lang si Rence bilang pag sang-ayon sa sinabi ng dalaga.

Pero natigil sila ng yumanig ang lupa, kumulog ng sobrang lakas na nag bigay ng kaba sa karamihan at nag bigay ng takot sa binata. Isa lang ang pumasok sa isip nya.

Buhay na sya.

Sa kabilang banda pumasok si Jay sa isang silid na madilim doon nya nakita ang kaibigan na walang pang itaas puno ng sugat at pasa.

"Rein." Sabi nya at kaagad tinulungan ang binata. Lumabas sila kaagad ng kwarto ng biglang yumanig at kumulog nangamba naman ang dalawa.

"Si-si Pinky?" Ng hihinang bulong ng binata.

"Hinahanap na sya." Biglang bumitaw si Rein sa kaibigan nya.

"Ka-kailangan ko syang ha-hanapin."  Sabi nito at nag lakad habang naka hawak sa pader.

The Long Lost Princess Of AfiamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon