CHAPTER 40

1.9K 44 12
                                    

Magdamag akong nakahiga sa kwarto, iyak tawa na lang ang magagawa ko, wala rin akong gana kumain. Sa totoo lang hindi naman ako to. Hanggang ngayon hindi parin pumupunta si Andrew dito, sabagay ayoko narin naman makita sya. Ayoko muna.

Hanggang ngayon nasasaktan parin ako habang naalala ang ginawa nila ni Irine. Akala ko ba okay na? Akala ko ba ayos na kami? Akala ko lang pala.

Talaga bang mahal ng bestfriend ko ang lalaking mahal ko? Hindi kaya't ginagamit nya lang ito dahil galit sya sakin? Dahil akala nya nag papakasaya ako? Habang sya nasa masama?

Hindi ko alam, ayoko ng mag-isip….. Pero hindi ko maiwasan. Masyadong masakit to the point na gusto kong sumuko.

Bigla na lang akong may naalala na sinabi nya sakin.

"Kung mahal mo ipag laban mo." At don napatayo ako. Tama walang mangyayari kung mag mumok-mok ako dito.

Kaagad akong pumasok ng cr at napa tingin sa salamin at nakita ang itsura ko. Shete bakit ganyan? Ako pa ba yan? Mukha nakong Zombie, sa kapal ng eye bag ko at mugto ang mga mata ko.

Hayst! Nakakaawa pala ako. Dumeretso nako sa cr para maligo.

After di ko alam kung ilang oras bako nag babad sa cr. Basta ayon, nag bihis ako ng school uniform namin tagal ko din hindi pumasok.


Pag dating ko sa cafeteria. Nagtataka ako kung bakit lahat sila naka tingin sakin.

Humanap ako ng bakanteng pwesto. Pumunta ako kung san may bakante at akmang uupo ng may lumapit sakin na dalawang babae.

"May malandi ka pa lang kaibigan —." Napatigil sya at gulat na tumingin sakin kahit ako ay nagulat, hindi ko naman sinasadya na sampalin sya, pero hindi ako nag sisisis.

"Wala kang karapatang sabihan na malandi ang kaibigan ko!" Inis kong sigaw nakuha namin ang atension ng iba pang afiamian dito.

"How dare you!" Sigaw nya at sinampal din ako. Sa sobrang lakas ng sampal nya feeling ko na tanggal na ang ulo ko. Napahawak ako dito. Shete ang hapdi.

"Shit anong ginawa mo Sara?" Tanong ng isang babae sa Sara ba yun? Basta Sara ang dinig ko.

"Sinampal nya ako! At wala syang karapatan don!" Nanggagalaiti nitong sigaw. Habang ako ay naka hawak parin sa pisngi ko. Ouch talaga ang hapdi parin feeling ko bumaon na ang palad nya sa mukha ko. First time ko lang masampal at parang ayaw ko ng maulit. Grabe sakit eh!

"At mas lalong wala kang karapatan!" Napatigil ako sa sinabi nya, nag taas naman ng kilay yung bruha. Psh kala mo naman ang ganda nya.

"At bakit? Sino ba sya? Dapat ba syang katakutan?" Napa tingin ako sa kanya habang sya inis na naka tingin don sa babae. Medyo kinakabahan ako parang hindi ko magugustuhan ang sasabihin ng babaeng to.










"Oo, dahil sya ang———THE LONG LOST PRINCESS OF AFIAMA!"

The Long Lost Princess Of AfiamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon