CHAPTER 24

2.8K 70 5
                                    

dedicated to:  Ammagkue


Arghhhh! Pasalampak akong umupo sa damuhan.

"Nakaka inis naman!" Sigaw ko at nag papadyak na parang bata. Nakaka inis naman kasi.

"Pinky! Tumayo ka nga dyan!" Sigaw ni Andrew. Psh hindi ba nila alam nakaka pagod kaya!

Pano kasi gusto na nila akong mag handa sa mga pwedeng mang yari!

"Timefirst muna!" Sagot ko dito.

"Pinky may itatanong ako sayo." Sabi ni Serio. Tinignan ko sya at ipinapa hiwatig na ituloy nya.

"Pag ba nag kaharap kayo ng kalaban sasabihin mo time first?" Nag pipigil sa pag tawa nitong tanong napairap ako.

"Kung pwede ba eh!" Sagot ko. Tumayo ako at naglakad.

"Where do you think your going!?" Sigaw ni Andrew. Hindi ko sya pinansin at nag patuloy sa pag lalakad.

Pumunta ako ng cafeteria. Nagugutom na kasi ako. Para din syang school sa mundo namin.

Umorder ako ng Two slice pizza and a can of pepsi.

Kaso hindi pepsi ang ibinigay sakin.

"Teka ho pepsi po hindi green juice?" Sabi ko sa matanda ngumisi naman sya na nag bigay ng kilabot sakin.

"Sorry iha wala ng pepsi pero try mo yan masarap." Sabi nito na hindi parin naaalis ang ngisi. Tumango na lang ako at umupo sa isang bakanteng table.

Pero naramdaman kong may naka tingin sakin napalingon ako at nakita ang matanda na naka tingin sakin at naka ngisi. Nakakakilabot naman.

Ang weird nya.

Hindi ko na lang pinansin ang weird na matanda at nilantakan na ang pizza este kinain. Yung lantak daw kasi para sa baboy.

Iinom na sana ako ng may humawak saking kamay.

"Problema?" Tanong ko sa kanya. Kinuha nya sakin ang baso at itinapon sa may halamanan. Marami naman ang tumingin samin ng may sumigaw ng pangalan ko.

"PINKY!" Sigaw ni Andrew at lumapit sakin.

"Oh?" Tanging naging sagot ko lang. Napatingin ako sa halaman na ngayon ay patay na.

Dahil sa gulat ko ay napatayo ako.

"A-anong nangyari?" Nag tataka kong tanong habang naka hawak sa braso ni Andrew.

"Omy! May balak pumatay sayo." Napa tingin kami sa babae na ngayon ay palapit na samin at may kasama pang isang babae.

"Ganyan siguro pag malandi." Sabi naman nung isa.

"Watch your word." Madiin na wika ni Andrew at Rein. Kinapitan ko na lang sila at hinila na palabas. Sumunod namin samin sila Jay.

Pag kalayo namin sa cafeteria ay hinarap ko sila at bintawan na ang kamay nila.

"Ano bang nangyari? At-at bakit namatay ang halaman?" Taka kong tanong. Nag katinginan naman sila.

"May lason ang inumin mo." Kinabahan ako dahil sa sinabi ni Rein.

"Pa-pano nyo nalaman?" Nauutal kong tanong. May gustong lumason sakin?

"Vampire instinct." Sabi ni Jay. Tumango lang ako ng biglang nag tanong si Rence.

"Sino nag bigay non sayo?" Tanong nito. Naalala ko naman ang weird na matanda.

"Yu-yung matanda." Nanginginig kong sagot. Hinawakan naman ni Rein ang braso ko.

"Naalala mo ba ang itsura nya?" Tanong nito. Tumango naman ako.

"San tayo pupunta?" Tanong ko ng hinila nya ako. Pero ang bastos hindi ako sinagot napa nguso na lang ako. Tapos ginawang puppet yung kamay ko kunwari sya ang kausap ko.

Pumunta kami sa isang maliit na pinto.

"Paano tayo mag kakasya dyan?" Tanong ko ng mapansing pinihit nya ang seradora ng pinto.

"Wow!"

--------

last update for now 😉

The Long Lost Princess Of AfiamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon