dedicated to: sandarakatebugtong
enjoy reading !!!
********
"What the—!" Napa bangon ako at napaupo. Anong ibig sabihin nito? Bakit ikaw ang nakikita ko? At.....
Ba-bakit—
Ba-bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?
Whaaaaaaa! May sakit na ako sa puso!
Pe-pero bakit sa pag pikit ko ikaw ang nakikita ko?
Lumabas ako sa tent at naisipang mag lakad-lakad muna total naman hindi rin ako maka tulog.
Pumasok ako sa isang kweba. Hindi naman sya madilim kasi may mga torch sa bawat gilid ng dindaanan ko.
Namangha na lang ako pag kalabas na pagkalabas ko ng dulo ng kweba.
"Ang ganda." Bulong ko at napatingin sa sobrang linaw na dagat. Dagat sa ilalim ng buwan.
Kung nandito ka lang Irine makikita mo rin ang ganda ng mundong pinasok natin.
Miss na kita.
Umupo ako sa malapit sa dagat at iniloblob ang paa ko. Ang lamig naman ng tubig.
Bumalik ang isipin ko sa nakita ko kaninang nakapikit ako. O diba? Nakapikit ako pero may nakikita ako hahahaha.
Pero seryoso, nakita ko sa isipan ko si Rein..... At...........
Bakit ka naman bumibilis puso!?
"Abnormal kana ata!" Bulong ko. Pumikit na lang ako at dinama ang lamig ng simoy ng hangin.
"Arggggh!" Sigaw ko at nag papadyak dahil sa inis! Ano ba! Umalis ka naman sa utak ko Rein!
Napatingin na lang ako sa langit ng kumulog at kumidlat. Mukhang uulan pa ata.
Naisipan kong tumayo na lang at bumalik na. Kaso wala pa ako sa dalawang hakbang ay umulan na.
"Bastos karin eh no!" Naiinis kong bulyaw. Bakit ba kasi pa sexy pa akong lumakad. Tsk.
Tumuloy na lang ako sa tent. At doon na mag bihis.
Ang dali kong nakatulog.
"Pinky! Kanino ka sasabay?" Tanong ni Rence. Napatingin ako kay Andrew at Rein na ang sama na ng tingin sa isa't-isa. Psh para naman silang bata. Napailing na lang ako at lumapit kay Jay.
Napairap naman ako ng makita ang sobrang lapad na ngiti ni Jay. Tsk.
Hinawakan nya ang bewang ko at isinakay sa kabayo.
Nag simula na kaming mag lakabay. Bakit ganon? Feeling ko ng hihina ako.
"Paidlip." Sabi ko at natulog na.
"Pinky!" Rinig kong sigaw ng isang babae. Parang familiar ang boses nya. Nilakad ko ang walang hangganang dilim.
"Pinky!" Te-teka? Si Irine yon ah!
"Irine!" Sigaw ko at tinakbo kung saan naririnig ko ang tinig nya.
"Pinky!"
"Irine? Asan ka!?" Sigaw ko at nag sisimula ng tumulo ang luha ko.
"Irine!" Sigaw ko. Nagulat na lang ako ng makita si Irine. Nakatalikod sya sakin.
Ang layo nya. Hindi ko sya maabutan!
"I-irine?" Tawag ko ng humarap sya sakin.
"Pinky akala ko ako lang!" Sabi nito nag tataka naman akong tumingin sa kanya.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Sabi mo ako lang ang kaibigan mo!?" Umiiyak nitong sabi.
"I-irine?"
"Sabi mo ako lang ang mahal mo!" Sigaw nito. At tumalikod na.
"Irine!" Pinilit kong syang inaabot. Pero hindi ko magawa.
"Irine please wag mo akong iwan!" Pag mamakaawa ko at pilit syang inaabot.
"IRINE!"
**********
![](https://img.wattpad.com/cover/79219865-288-k736067.jpg)
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess Of Afiama
Fantasipano kung ikaw pala ang prinsesang matagal ng nawawala ? PRINSESA NG AFIAMA KINGDOM isang kontenente sa IMMORTAL WORLD . at dumating yung araw na na-bihag ang iyong puso ng isang binata na syang tagapag tanggol mo . dumating yung araw na nahanap m...