dedicated to: Aneeyoung
Tulala parin ako dahil sa sinabi ni Andrew. Si Andrew ba talaga ang kausap ko kanina? Feeling ko hindi bakit nya sasabihin ang ganon? Hello kaibigan nya si Rein!
"Pinky." Napatigil ako ng may magsalita. Naiiyak ako, gusto kong umiyak hindi lang dahil sa sakit ng ginawa nya sakin kundi dahil masaya ako, masaya ako na salahat ng pinag daanan namin andito sya sa harap ko makakasama ko na ulit sya. Maraming emosyon akong nararamdaman ngayon pero mas nangingibabaw ang saya.
Maluha-luha akong lumapit sa kanya at yumakap. Gosh na miss kita.
"Bestfriend ko." Sabi ko at napa hagulgol na. Hindi ko inaasahan na makakasama ko pa sya ulit, makaka yakap ng ganto. Mas lalo akong napaiyak ng yakapin nya din ako.
"Sorry." Paulit-ulit nya. Bumitaw ako sa kanya at hinawakan sya sa pisngi.
"Okay lang." Naka ngiti kong sambit. Ngumiti din sya at yumakap sakin.
Salamat at tapos na ito.
Hindi ko alam pero parang may sariling isip ang mga paa ko at dinala ako sa basement. Bigla naman akong may naalala sa dark kingdom pumunta rin ako sa baba upang hanapin non si Rein. Sa baba non nakita ko ang rehas.
Sa pag baba ko din dito parehas na parehas. Ang kaibahan nga lang walang naka kulong dito. Umiling na lang ako at mag lalakad na sana pabalik ng makarinig ako ng ungol.
Hindi ako nakaramdam ng takot parang feeling ko kilala ko sya. Hayst ang feelingera ko talaga!
Nag lakad ako sa pinaka dulo at don nakita ang natutulog na si tandang Ernest.
Puno sya ng benda sa katawan.
"Ernest." Tawag ko pero ayaw nyang magising. Ginamitan ko ng kapangyarihan ang rehas, buti na lang at gumana iyon. Nag bukas ang rehas na bakal kaya agad akong pumasok.
"Ernest." Tawag ko at mahinang tinatampal ang pisngi nito. Imblis na gumising ay ungol lamang ang sagot nito sakin.
Nag teleport ako papunta sa kwarto ko. Kaagad ko naman syang inihiga doon pag ka tapos ay ginamot ko sya. Kaagad ko ding ni lock ang pinto ko ng makarinig ako ng alarm sa labas. Batid na siguro nilang nawawala si Ernest.
Kinumutan ko sya. Maya-maya lang ay may narinig akong katok.
"Pinky!" Sigaw sa labas. Kaagad akong nag teleport papunta sa labas huli na kasi para itago ko pa ang presensya ko mula sa loob.
"Wag kang aalis dito." Sabi nito napataas naman ako ng kilay ng bigyan nya ako ng matalim na tingin.
"Opo." Simple kong sabi, tumango naman sya at akmang aalis na ng hawakan ko sya sa kamay.
"Anong ngyayari?" Tanong ko patay malisya lang kunwari di ko alam. Buti na lang na block ko na sila at hindi na nila mababasa ang iniisip ko.
"Basta." Sagot nya at walang pasabing umalis. Napabuntong hininga na lang ako at lumapit sa pinto ko. Bubuksan ko na sana ng maalalang ni lock ko pala yan.
Nag teleport na lang ulit ako papasok at laking gulat ko ng makita sya na naka tayo na at balak lumabas ng kwarto.
"Tanda?" Nagulat ako ng bigyan nya ako ng nag tatakang tingin.
"Sino ka? At sino ako?"
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess Of Afiama
Fantasíapano kung ikaw pala ang prinsesang matagal ng nawawala ? PRINSESA NG AFIAMA KINGDOM isang kontenente sa IMMORTAL WORLD . at dumating yung araw na na-bihag ang iyong puso ng isang binata na syang tagapag tanggol mo . dumating yung araw na nahanap m...