Natagpuan ng isang batang babae ang kanyang sarili sa dalampasigan ng San Juan.Hinihingal siyang umupo sa buhangin, dulot ng pagod sa paglakad at pag-iyak. Dumako ang kanyang mga mata sa along lumalalapit, lumalalayo... Ang galaw nito ay tila sumasabay sa isang awit na walang katapusan.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at kahit paano ay napakalma ng tunog ng alon ang kanyang pakiramdam.
Laking gulat niya nang sa kanyang pagmulat ay may katabi na siyang isang batang lalaki, na sa tingin niya ay ka-edad lamang niya. Singkit ang mga mata nito at nakasuot ito ng maong at berdeng t-shirt.
"Why are your eyes all puffy? Umiyak ka ba?", masuyong tanong sa kanya nito.
Hindi alam ng batang babae kung sasagot ba siya o hindi na lamang niya ito papansinin. Napukaw ang kanyang atensyon nang matanaw ang isang dalagang papalapit sa kanila.
"Naku, ikaw talagang bata ka. Sabi ko hintayin mo ako eh.", sabi nito at sinimulang punasan ang noo ng batang lalaking kanina'y tumabi sa kanya.
"Sssshhh, Ate Me-an. Look oh, I made a friend. Pwede doon po muna kayo?", tanong ng batang lalaki.
"At anong balak mo ha?", nakataas ang kilay na tanong ng dalaga. "Six years old ka pa lang, uy!", dagdag pa nito.
"Nothing, ate. Mag-uusap lang po kami. Pero sometimes kasi nahihiya kaming kids sa adults. Ayaw tuloy magsalita ng friend ko. Kaya doon ka muna please? Please?", paamong pakiusap ng batang lalaki at tinuturo ang kanilang likuran.
"Hay naku, sige na nga. Basta wag kang mag-babasa ah. Wala kang baong pamalit. Pareho tayong malalagot sa Mama mo.", bilin nito saka dumistansya sa likod ng dalawang bata.
Bumalik ang atensyon ng batang lalaki sa kanyang katabi.
"Bakit ka umiiyak? Are you lost?", muling tanong nito.
Dahan-dahang tumango ang batang babae.
"Nasaan Papa at Mama mo?", tanong ulit ng batang lalaki.
Huminga nang malalim ang batang babae at lumingon sa kalangitan. Tinuro niya ang eroplanong kasalukuyang natatanaw mula sa kanilang kinauupuan.
"Airplane?", nagtatakang tanong ng batang lalaki.
Muling tumango ang batang babae.
"Umalis yung Papa ko papuntang Taiwan kanina. Matagal ko siyang di makikita.", sa unang pagkakataon ay nakasagot siya gamit ang salita. Ngunit kasabay nito ang muling pagbuo ng luha sa kanyang mga mata.
"Ssshhh... It's alright...", pag-aalo ng batang lalaki. Mula sa kanyang bulsa, inilabas nito ang isang pirasong Potchi at inilahad ito sa bagong kaibigan.
"Here oh. This is my favorite candy. Sayo na lang itong last piece.", sabi niya.
Tumanggi naman ang batang babae at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang neckline ng pink niyang damit.
Binuksan ng batang lalaki ang candy at ibinalik ang plastic wrapper sa kanyang bulsa. Inilapit niya ang kamay na may hawak na candy sa harap ng batang babae.
"Say ahhh..."
Kumunot ang noo ng batang babae at umiling.
"Sige na... Promise masarap 'to. Kapag malungkot ako, ito ang kinakain ko eh."
Dahil na rin sa pagpupumilit ay pinagbigyan na ng batang babae ang makulit na estranghero. Ngiting-ngiti naman ito nang isinubo niya ang candy.
"See? Diba it's yummy?"
Hindi inakala ng batang babaeng gagaan ang kanyang loob nang malasahan ang candy. Masarap nga ito at sa sandaling iyon, nakalimutan niya ang dahilan ng kanyang pag-iyak. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.
"Wow, you're smiling! You look really pretty.", puno ng sinseridad na komento ng batang lalaki.
Sasagot na sanang muli ang batang babae nang marinig niya ang isang pamilyar na boses.
"Shob!"
Lumingon ang batang babae sa pinanggalingan ng boses at nakita niya ang kanyang nakatatandang kapatid na tumatakbo papunta sa kanila.
"Achi...", bulong niya.
Tumayo siya at sinalubong ang kanyang ate at niyakap ito.
"Nandito ka lang pala... Nag-aalala na si Mama sayo.", sabi nito.
"Sorry po, achi..."
"Ssshhh... Ok lang... Halika na, uwi na tayo.", yaya ng kapatid.
Lumingon ang batang babae sa kanyang bagong kaibigan at muling nginitian ito.
"Thank you.", ang huling mga salitang kanyang binanggit bago sila naghiwalay.
BINABASA MO ANG
Right Where We Left
FanfictionHow real can a comeback be? Can it happen by the sea? This is a story between a young governor who values his private life, and a passionate journalist who will do everything to score an interview with him. Free tour in La Union as you read :) Starr...