7 - Happy Thursday

1.3K 65 34
                                    


Author's Note:

Credits to Kibree Shippers Facebook page for the attached collage. Thank you for saving me noong nawalan ako ng data for Twitter, haha XD The other photo you'll find below is from choosephilippines.com ^^

No update muna tom kasi may lakad me, hehe. Fighting for the rest of the week, mga bestie! Almost there! :D










KIB








7:30 pa lang pero natanaw ko na si Des sa service desk sa may dagat. Ang aga naman nito. Buti na lang maaga din akong gumising kaya sakto ang dating ko.


Kahit mula sa malayo at nakatalikod pa siya, alam kong siya yun.


Tumakbo ako papunta sa kanila at nakita kong si Santi yung kausap niya, isa sa mga binatang pinag-aaral namin sa college. Summer vacation niya ngayon kaya he's helping out in the surfing school. Nakita naman ako ni Santi kaya agad akong umiling saka ko tinuro yung sarili ko at si Des na nakatalikod sa akin. Sana na-gets niya yung senyas ko.


"Ay, ate! Sorry po, hindi po pala ako pwede. Naalala ko pong may naka-reserve na po akong tuturuan eh.", Santi said and I gave him a thumbs up.


"Ha? Ganoon ba...", I heard Des say, her tone laced with disappointment.


"Opo, pasensya na po talaga.", kamot-ulo pa si Santi. Galing ng acting ng bata ko.


"Wala na bang ibang pwede at this time? Mataas na kasi araw mamaya, hindi pa naman ako balot ngayon.", she said more to herself than to the person she's talking to.


"Bakit kasi di ka nag-rash guard?", I blurted out. She was wearing a pair of bikini underneath her cover up.


Des turned around in an instant and I saw the shocked expression on her face. Ang cute talaga, pero di pa rin ako ok.


Kumunot yung noo niya sa akin.


But before any of us could say a word, we heard Santi's cheerful voice.


"Boss, good morning po!", he greeted then turned to Des. "Ate, sa kanya na lang po kayo magpa-instruct. Ang galing po nyang si Sir Kib. Siya nga po yung nagturo sa akin eh.", sabi ni Santi, wingman na wingman ang dating. Hindi lang yata surfing ang naituro ko dito ah.


Kumuha na siya ng isang surf board at nagpaalam sa amin.


"Anong ginagawa mo dito?", Des asked when the two of us were left.


"Mag-susurf.", I answered.


"Wala kang pasok?", she asked.


"Wala akong schedule ngayon, you can even ask my secretary.", I reached out my phone to her.


To my surprise, Des let out a laugh. First time ko yata siyang makitang tumawa. Lagi kasi siyang masungit eh. Pakiramdam ko tuloy nag-champion ako.


"Defensive naman ni Gov. Di mo naman kailangang mag-explain.", she responded with a hint of amusement.


"I don't want you to think na tumatakas ako sa trabaho. I'm not that kind of person, or politician as you call it.", I explained. "So bakit nga di ka naka-rash guard?", tanong ko ulit. Issue talaga sa akin.


"Nakasampay pa eh. Iisa lang kasi and nagamit ko na kahapon.", she answered. "Saka anong problema mo sa suot ko? Prohibited ba 'to?"


Sayo, oo. Ang dami kayang tao.


Right Where We LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon