1 - New Project

1.1K 48 11
                                    


DESIREE








"Des, tawag ka ni boss.", sabi sa akin ni Dawn pagkagaling niya ng meeting.


"Bakit daw?", tanong ko, at nakakuha lang ako ng kibit-balikat mula sa kanya.


"Kunwari ka pa, for sure alam mo na eh.", sabi ko saka ako tumayo.


"Eh para surprise!", sagot niya nang nakangiti.


"Heh!"


Si Dawn ang head writer namin kaya dumadaan sa kanya lahat ng projects. Siya rin ang pinaka-close ko kasi batchmates kami nung college. Five long years na kaming magka-trabaho sa Simple Joys, a lifestyle show that features anything under the sun - personalities, places, food, events, kahit ano yatang pwedeng itanong sa Pinoy Henyo, na-tackle na namin. Basta puro good vibes lang. Naniniwala din kasi yung boss namin na life is supposed to be simple, but people choose to make it complicated. Ayan tuloy, hindi magawang maging masaya ng marami sa atin.


Kaya ang vision namin is to make people see the good side of life, whether in people, places or things.


Pumasok ako sa opisina ng boss ko.


"Hi Ms. Joy!", I greeted.


"Hi baby girl! Upo ka.", bungad niya sa akin.


Dahil sa matagal na rin kaming magkakasama ay parang pamilya na kami sa trabaho. Pero siyempre, ibang usapan na pagdating sa mga projects.


With a smile on her face, Ms. Joy handed me an envelope.


"Open it. It's going to be your new project.", she said.


Binuksan ko yung envelope gaya ng sinabi niya.


Yung title pa lang ang nakikita ko pero napaluwa na yung mata ko.


"La Union?", I blurted out.


Oh my gosh!!! Totoo ba 'to?!


For the longest time ay puro personalities ang na-aassign sa akin. Marami na akong na-interview na tao from all walks of life. Ewan ko nga eh. Noong bata ako, ayokong nakikipag-usap sa tao. Who would've thought that I would land on this profession?


Hindi naman nagbago yung pagiging introvert ko. Kaya lang when my first interview (which was with the vice president) shot up the ratings of the show, sa akin na in-assign ng boss namin lahat ng ganoong klaseng features.


Eh hello? That time I was left with no choice kasi biglang nagkasakit yung kasama kong interviewer eh dadalawa kami nun sa project. Kaya ako na camerawoman eh naging host in an instant.


"Nasabi sa akin ni Dawn na home province mo yan, tama ba?", narinig kong tanong ni Ms. Joy.


Actually twenty years na yata akong di nakakauwi doon but whatever. I won't let this chance slip, and so I nodded my head.


"Matagal mo nang ni-rerequest sa akin to give you a travel feature. So there. This is your chance.", Ms. Joy said.


"Thank you, thank you, Ms. Joy!"


Sobrang dream ko 'tong travel feature, kasi feeling mo nag-babakasyon ka lang. Most of our travel features are structured the way video blogs are, para dama pa rin ng audience yung pagiging candid nung experience. Trained din kami to film scenes kasi nga under-staffed kami when the show started. All-around talaga. Pero si Dawn, expertise niya talaga yung conceptualization and script writing.


Ako, well sabi ni Ms. Joy, magaling daw ako sa harap ng camera. But I prefer otherwise. And this is my chance to prove na excellent din ako sa area na 'to.


"I'm happy to see you excited, Des. Pero first page pa lang nakikita mo.", bigla niyang sabi.


What???


Chineck ko agad yung envelope at nilabas yung isa pang papel. And to my horror, I'm also tasked to do an interview with the governor!


Ugh, ayaw na ayaw ko pa naman ng mga politicians!


"Ms. Joy naman. Ok na sana eh. Pwede po bang sa iba niyo na lang i-assign yung interview?", pakiusap ko.


"Sorry, Des. But these two features go together. Pupunta ka na rin lang ng La Union, might as well find out from the main man kung anong reason ng pag-boom ng tourism nila, right?"


"Miss, alam ko na po yung sagot. Yung San Juan po talaga."


Twenty years ago, halos walang tao sa dagat doon. But I've heard that people are now going there to surf.


"Still. Interesting fact pa rin that their governor is the youngest one in the country. More than that, he doesn't like doing interviews. Kahit Lifestyle Asia, tinanggihan niya. So let's take it as a challenge. I'm giving you a month to explore La Union AND to interview Governor Kirell Brahndon Montalbo."


Emphasis talaga sa word na 'and'. As if naman may magagawa ako, diba?


Ibinalik ko na yung mga papel sa envelope at tumango na lang.


"If you do this well, Desiree... I promise you, this will be the last time na ma-aassign ka sa politician. You will even have the privilege to choose the projects you like. And who knows? Kung maging maganda ang feedback sa feature na 'to, I might just give you the department head position for cinematography."


OH MY GOSH!!! Goodbye, limelight! Sa limang taon nating magkasama ay di pa rin kita minahal.


"I'll keep that in mind, Miss. Thank you po."


I went out of the office and made my way back to my workstation.


"Ano bes, kumusta?", Dawn asked, smiling.


"Ikaw may pakana nito 'no?"


"Oo. So saan mo ako i-lilibre?"


"Hay nako. Sa buffet sana kung walang kasamang interview eh.", I said.


"Si boss ang ayaw pumayag na wala 'no!", reklamo ni Dawn.


Binuksan ko ulit yung envelope pagkaupo ko at muling binasa yung mga nakasulat.


Nagulat ako na nasa likod ko na pala si Dawn.


"Huy teh, kung tingnan mo naman yung pangalan nung governor, parang may masama kang balak eh. Interview-hin mo daw, hindi i-assassinate.", sabi niya.


"Panira kasi ng project eh. Akala ko pa naman makakapag-relax na ako. Sabi ni Miss, mailap daw ito eh. Lifestyle Asia nga, tinanggihan. Ako pa kaya?", paliwanag ko.


"Ano ka ba? Presidente nga, bilib sayo eh! Yan pa? Governor lang yan! Keribels mo yan 'no!", Dawn said.


"Chinicheer mo ba ako para i-libre kita?"


"Grabe ka!! Pero pwede rin.", she laughed.


"Gwapo kaya 'to? Tingnan mo oh, ka-edad ko lang.", nagtataka kong tanong.


"Ay teh, may tinatawag tayong google. Pwede mong i-check yon.", Dawn answered.


"Heh. Tara na nga, nagugutom na ako. Saka na ako mammroblema pag nandoon na."


Inaya ko na siyang bumaba pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung bago kong assignment.


Tama si Dawn. Kaya ko 'to.


Humanda ka, Mr. Montalbo. Wala pa yatang umaatras kay Des Cheng.








Author's Note:

gustuhin ko mang gawing negros ang setting nito eh wala naman akong alam doon :( so i-feafeature ko na lang ang aking beautiful home province of la union :D no expectations! ^^

Right Where We LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon