DESIREE
Ngayong araw ay sumama ako kay Auntie Gina sa palengke kung saan nagtitinda sila ng gulay at lamang-dagat.
Kadalasan ay si Auntie ang pumupwesto sa gulayan at si Uncle Jimmy naman sa isdaan. Maagang puma-laot si Uncle kanina dahil mag-nininong siya sa isang binyag.
Nang marinig ko na balak muna nilang isara yung pwesto ng gulayan ngayon ay nag-presinta akong ako muna ang tumao doon. Noong una ay ayaw pang pumayag nina Auntie dahil nahihiya sa akin pero siyempre, ginamit ko ang Desiree charm to convince them. It always works.
Kaya eto ako, may suot na apron at may nakasampay na towel sa balikat habang nagtatawag ng mga mamimili.
"Bili na po kayo! Pang-pancit, pang-pakbet! Mura lang pooo!!!"
Sa loob ng dalawang oras ay naka-ilang beses na rin akong nagkilo, nagsupot ng mga gulay, tumanggap ng bayad at nagsukli.
It is fun to try something new, and at the same time be of help to the people important to me.
"Ate, ate!", nakita kong papalapit si Jepoy habang sarap na sarap sa pagnguya ng kutsinta.
"O, Jep. Wag kang pagala-gala ah. Baka mawala ka.", sabi ko. Pinaupo ko siya sa maliit na upuang plastic sa tabi ko.
"Galing lang po ako kay Nanay, ate. Ubos na po yung mga tinda niya. Lilinisin lang daw niya po yung pwesto tapos pupunta na po siya dito.", sabi niya saka sumubo muli ng kutsinta. "Gusto niyo po?", alok niya doon sa kinakain niya.
"Sige! Thank you!", kumuha ako ng isang kutsinta at sinawsaw yon sa niyog.
Kumakain kami nang makita namin na parang may pinagkakaguluhan yung mga tao sa may bandang malapit. Karamihan sa kanila ay mga dalaga pero meron ding mga may edad nang babae at lalaki.
"Ano yun?", tanong ko na mukhang narinig ng katabi kong tindero.
"Nako, sigurado nandiyan na naman si Gov. Siya lang naman ang dahilan bakit nagkakaroon ng umpukan ng tao dito.", nakangiting sabi ni manong.
"Ano pong ginagawa niya dito? Nag-iikot?", I asked out of curiosity.
Mula sa pwesto ko ay natanaw ko na nagpapa-picture nga yung mga tao kay Kib. Artista lang ang peg.
"Ay iha, ibahin mo yang si Gov. Di yan tulad ng iba na kunwaring nag-iinspek. Siya talaga yung namamalengke. Paraan na rin niya para makilala yung mga tao sa iba't ibang bayan.", paliwanag ni manong.
Si Kib??? Namamalengke???
"Galing talaga ni Kuya Gov, diba Ate Des? Kaya idol ko yan eh!", narinig kong sabi ni Jep.
Ngumiti lang ako at tumango sa kanya. Sakto namang dumating na si Auntie Gina.
"O anak, kumusta? Di ka ba nahirapan? Sabi ko naman kasi sayo ay doon ka na lamang sa bahay eh. O kaya mag-shoot ka, baka napapagpaliban mo na ang trabaho mo.", concerned niyang sabi sa akin.
"Wag po kayong mag-alala, Auntie. May ginawa naman po akong schedule and so far nasusunod ko naman po. Saka nag-eenjoy po akong maging tindera for a day, promise.", I responded truthfully.
"O sige. Aalis na rin naman tayo maya-maya kasi pinapasunod tayo ni Jimmy doon sa binyag. Hinahanap daw ako ng kaibigan namin at nag-imbitang doon tayo mananghalian.", Auntie said.
BINABASA MO ANG
Right Where We Left
FanfictionHow real can a comeback be? Can it happen by the sea? This is a story between a young governor who values his private life, and a passionate journalist who will do everything to score an interview with him. Free tour in La Union as you read :) Starr...