DESIREE"Anak, may problema ba?", my Mama asked. Nandito lang ako sa kwarto ko and magkausap kami ngayon via Skype.
"Wala naman po, Ma. Na-miss ko lang po kayo.", I answered.
"That may be true, pero sigurado akong may iba pa eh. Sa akin ka pa ba maglilihim?", malambing niyang tanong.
Huminga ako ng malalim.
"Naalala niyo po yung kinwento kong bata sa inyo noon? Yun pong na-meet ko sa dagat nung araw na tumakas ako?", I began.
Surprise crossed my Mama's face. "Don't tell me nakilala mo siya?", she asked.
Tumango ako sa kanya.
"Wow! Talaga ba, anak? O kumusta naman ang pagkikita niyo? Mabait ba siya? Gwapo? Ano, uuwi na ba kami diyan? Basta sabihan mo kami 'nak pag magpapakasal ka na ha."
"MA! Grabe ka po. Advanced niyo naman mag-isip eh."
My mother let out a laugh. "O ano nga? Anong meron sa lalaking yon at napatawag ka pa nang di oras?"
Sinakto ko kasing tumawag sa time na alam kong nasa trabaho pa sina Papa at ang mga kapatid ko. Sa ngayon, kay Mama ko pa lang kayang mag-share.
"Siya po si Kib, Ma.", I revealed.
"Ano?! Ibig mong sabihin eh yung governor?", gulat niyang tanong.
Tumango lang ulit ako.
"Eh boto Papa mo doon kaya wag ka nang mamroblema diyan."
"Po???", it was my turn to be surprised.
"Joke. Pero sabi mo nga diba, jokes are half-meant.", she answered. Bagets din itong nanay ko eh. "Natuwa lang kami na nagkakaroon ka na ng mga bagong kaibigan. Tapos mabait pa. Mabait din yung mga magulang.", she continued.
"Hay naku, Ma. Sabihin niyo kay Papa, malabo yang iniisip niyo."
"At bakit naman? Mukha ngang may malasakit sayo yung batang yun eh. Biruin mo, nagpasalamat pa sa amin kasi nandyan ka. Saka siya ba hindi niya alam na matagal na pala kayong magkakilala?"
I shook my head.
"Alangan naman pong bigla ko na lang sabihin yun? Baka isipin pa nun, ini-imply ko na soulmates kami.", I shared.
"Eh kung yun naman ang totoo, wala namang masama doon. Anong balak mo ngayon? Itatago mo na lang yan sa sarili mo? Saka diba bukas na yung surfing competition niyo?"
"Opo. Pero wala naman akong pag-asang manalo dun eh. Last meeting na po siguro namin bukas. Ok na rin yun, marami din naman po akong natutunan.", sabi ko.
"O eh bakit parang malungkot ka?"
Did I really sound that way?
"Hindi naman po eh.", mahina kong sabi.
"Wag ako, Desiree. Kahit pa siguro hindi ko nakikita mukha mo ngayon eh maririnig ko pa rin sa boses mo. Umamin ka nga sa akin, may gusto ka ba kay Kib?", tanong ni Mama.
Hindi ako sumagot. Ayokong magsinungaling, pero ayoko ring tanggapin sa sarili ko yung totoo. That I hated politicians... but I fell for one.
"Hay naku, ang anak ko... Alam mo namang kahit anong maging desisyon mo eh susuportahan namin, diba? Basta ang maipapayo ko lang sayo eh pag-isipan mo na yang maiigi ngayon. Kilala kita. Baka mamaya nyan eh kung ano pang maisipan mong gawin bukas.", Mama said.
BINABASA MO ANG
Right Where We Left
FanfictionHow real can a comeback be? Can it happen by the sea? This is a story between a young governor who values his private life, and a passionate journalist who will do everything to score an interview with him. Free tour in La Union as you read :) Starr...