DESIREE"Alam mo, ayoko na. Ayoko na talaga! I QUIT!", I told Dawn over the phone. Kinwento ko sa kanya yung first encounter namin ng Kib na yon pati yung nangyari saming away two days ago.
"Sure ka ba diyan? Kasi ako sure akong magbabago pa isip mo. Ikaw pa. Ikaw yata ang pinaka-indecisive na taong kilala ko.", she answered.
"Wow, thank you ha. Na-comfort ako, promise."
"Hay nako, baks. None of this would've happened kung ginoogle mo si Kuya Crush bago ka nagpunta diyan.", she sermoned.
Sa dami ng nakwento ko sa kanya, yun talaga ang na-pick up niyang tawag kay Kib.
"Eh malay ko bang ma-meemeet ko siya on the first day!", reklamo ko.
"Alam mo tawag diyan? Tadhana."
Nang-asar pa eh.
"Teh, di ka nakakatulong, promise."
Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya.
"Ok, eto na. Gusto mo talaga ng real advice? Take it from your own words. Diba nga sabi mo before, we have to finish what we started? Saka isipin mo ha. Kapag nagawa mo yan, last politician na yan, girl! Plus you'll be able to pursue your passion. Aayaw ka pa ba?"
I let out a deep sigh.
"Alam mo, tama ka. I guess I'll have to stick with this project."
"Yan! That's the spirit! Yan ang gusto ko sayo eh. Dali mong kausap. O siya, aalis kami nina Papa eh. I have to go, bes! Update me na lang ha. Yakang-yaka mo yan! Labyu!"
"Thanks, Dawny! Love you, bye!", I ended the call.
Kailangan prepared ako pag nagkita ulit kami ni Kib. Dapat marami akong baong positive vibes para kahit anong ka-negahan niya eh kaya ko pa ring kumalma.
At dahil diyan, I'm going to treat myself with my favorite.
Seafood!!!
--
I drove to River Farm, a restaurant in the town known for their fresh seafood right off the water.
"Ma'am, may I ask lang po where would you like to dine? In the cottage or by the river?", the waitress asked.
"By the river please!", I said excitedly. Ang cool ng set up ng floating cabanas nila. Feeling mo kumakain ka talaga above the waters.
"This way po.", she gestured her hand to show the direction.
I was walking towards one of the cabanas when I saw a familiar face, making me stop on my tracks.
Konting-konti na lang talaga, maniniwala na akong nang-aasar ang tadhana eh.
Lord, bakit naman po ang bilis naming magkita? Di pa po ako prepared, huhu!
Ano kaya kung sa cottage na lang ako kumain?
Kaya lang gusto ko dito sa labas eh!
Paano ba 'to???
"Des!"
"Ay tilapia!", nasabi ko sa gulat.
BINABASA MO ANG
Right Where We Left
FanfictionHow real can a comeback be? Can it happen by the sea? This is a story between a young governor who values his private life, and a passionate journalist who will do everything to score an interview with him. Free tour in La Union as you read :) Starr...