6 - Waves and Feelings

1.1K 58 23
                                    


DESIREE








"What's interesting about him?... May saltik siya.", I said out loud as I typed the same words on my macbook.


"Why does he avoid the media?... Kasi ayaw niyang ma-broadcast sa mundo na may toyo yung utak niya.", I continued.


"Anak, ano ba yang sinusulat mo?", I heard Auntie Gina ask. "Akala ko ba ay puro positibo ang pinapalabas sa programa niyo?"


"Hay naku, Auntie. Wala pong positive sa lalaking yun!"


Nagsusulat ako ngayon ng draft para sa content ko tungkol kay Kib Montalbo habang si Auntie Gina ay nagluluto ng almusal.


"Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo at naging ganyan ang pagkakakilala mo sa kanya. Mabait naman ang batang yon, mahusay pang makisama. Mahal na mahal nga yun ng mga tao dito eh.", she shared.


Alam nina Auntie na kailangan kong interview-hin si Kib.


"Mabait? Mahusay makisama? Siguro po sa iba, oo. Pero sa akin, grabe lang auntie! Sobra po niyang pa-chix!", reklamo ko.


"Ano? Paki-translate mo nga at di ko naiitindihan yang lengguahe niyong mga kabataan.", sagot niya habang nagsasangag ng kanin.


"Ibig ko pong sabihin eh feel na feel niyang hinahabol ko siya. Alam niyo po ba yung huling condition na binigay niya?", gigil kong sabi.


"Ano?", tanong ni Auntie.


"Talunin ko daw po siya sa surfing! Wow lang. Paano ko naman po gagawin yun diba? Di niya pa ako dinirecho na wala talaga siyang balak magpa-interview."


Nang makita kong pinatay na ni Auntie yung kalan ay tumayo na ako para maghain.


"Ano namang isinagot mo?", Auntie asked again.


"Sabi ko po... deal...", mahina kong sagot.


Wala naman akong ibang choice eh. Di ko i-gigive up 'to. Nakasalalay kaya ang pangarap ko dito.


"O eh yun naman pala. Mapapag-aralan mo naman siguro yun. Ang alam ko kahit mga baguhan ay natututo sa unang subok pa lang nila. Pumunta ka lang ng San Juan, maraming surfing school doon.", sabi ni Auntie.


"Mag-eenroll po kayo sa surfing school, ate?"


Napalingon kami sa may hagdan nang marinig namin ang boses ni Jep. Gising na pala siya.


"Sa MontCarMel po kayo Ate Des, please! Sige na po, maganda po doon!", sabi niya, magkadikit pa ang kamay na parang nakikiusap.


Bago pa ako makasagot ay nagsalita si Auntie Gina.


"Jep... Ano nga ulit ang sinabi natin kapag nag-uusap ang matatanda?", she asked calmly.


Naglakad naman si Jepoy at yumakap kay Auntie.


"Wag po basta sasabat. Sorry po, Nay..."


Awww, ang cute ni Jep. Nakakatuwang makita na may respeto talaga siya sa mga magulang niya.


"Ayos lang, anak. O sige na. Maghugas ka na ng kamay doon at mag-aalmusal na tayo. Tawagin mo na rin ang tatay mo sa labas.", Auntie said then she turned to me. "Ikaw din, Des. Kain na nang makaalis ka agad. Masakit na sa balat ang araw kapag tinanghali ka."








--








Nag-drive ako papuntang San Juan and since wala naman akong alam sa mga surfing school dito, sinunod ko na lang yung suggestion ni Jep. Nahanap ko naman agad yung MontCarMel Surfing School and Resort kasi along the highway lang siya.


Right Where We LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon