2 - First Day Fail

995 49 13
                                    


DESIREE








"Hay, kung kelan malapit na saka pa ako nasiraan.", napalo ko yung manibela.


Hindi, Des. Wag ganyan. Change mindset.


Inhale, exhale... Inhale, exhale...


"Lord, thank you po kasi I'm only two towns away. And thank you kasi kahit hindi ko alam kung bakit huminto itong kotse ko, safe pa rin po ako.", I uttered.


Positive vibes lang, ok?


I took a piece of Potchi from my bag and ate it. Naging pampa-kalma ko na 'to ever since a childhood experience that's forever marked in my memory.


Lumabas ako ng kotse para tingnan kung saan ako pwedeng humingi ng tulong. Sa pagkakaalam ko, nandito ako sa diversion road, at San Juan na ang labas nito.


Wala akong matanaw kundi yung parang kubo na nagtitinda ng buko. Lumakad ako papunta doon at bumungad sa akin ang isang babae na sa tantiya ko eh mga fifteen years old lang.


"Hi ate ganda!", bati niya sa akin. "Ano pong inyo?"


"Uhm, hello. Mag-isa ka lang ba?", tanong ko rin.


"Opo eh. Kakaalis lang po nina Tatay para manguha ng buko. Pero babalik din po sila maya-maya.", paliwanag niya.


"Ahh... O sige, pabili na lang ng isang buko juice."


Nako, paano ba 'to? Tumambay muna kaya ako dito?


Inabot niya sa akin ang isang malamig na bote ng buko juice at inabot ko naman yung bayad.


"Salamat.", sabi ko.


"Thank you din ate--- OMG! Kuya crush!!!", biglang lumaki ang ngiti sa mukha nung nagtitinda.


Tumalikod ako para tingnan kung sino yung tinutukoy niya.


Isang lalaking naka-shades, jeans, at dark green shirt ang naglalakad papunta sa amin.


Hindi naman malaki itong tindahan kaya saktong sa tabi ko siya huminto. Ang bango ni kuya ha. At in fairness, crushable nga.


From my peripheral vision, I noticed that he took off his shades. Singkit po si Kuya Crush. I mean, si Kuya Crush ng bata sa harap ko.


Narinig ko siyang bumili rin ng buko juice at kilig na kilig nga itong si girl na nagtitinda.


Teka, bakit ko ba sila ino-obserbahan?


Nagsimula na akong maglakad palayo nang ma-realize ko na sira nga pala yung kotse ko.


And an idea hit my mind! Lord please, siya na po ba yung pinadala niyo for me?


Inabangan ko siya sa may SUV niya na naka-park sa tapat ng tindahan.


For sure he knew I was waiting for him as soon as he turned around. He walked towards his car with his bottle of buko juice in his hand.


"Uhm, hi.", I greeted when he got close.


Kaya mo 'to, Des. Alpha kapal muks!


"Yes? May I help you?", he said. And I didn't hear any hint of arrogance or annoyance in his tone.


He is willing to help me!


"Uhm, kasi... Nasiraan yung kotse ko.", I said, pointing to my car, several meters away. "Hindi ko alam kung paano maaayos. Baka pwede mong i-check? If it's not much of a bother...", I said hesitantly.


Right Where We LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon