5 - Challenge Accepted

1K 50 12
                                    


DESIREE








"Gov, sige na naman oh. Nakikiusap ako... Pumayag na po kayo... Please?"


Ano ba yan, masyadong desperate. Saka sabi nga niya, Kib daw itawag ko sa kanya diba?


Teka, paano ba dapat hitsura ko?


Tinanggal ko yung ponytail ko sabay flip hair sa harap ng salamin.


"Hi, Kib! Will you say yes to my offer?"


OMG what the hell, Des! Para kang nagbibigay-motibo nyan eh. Baka kung ano pa isipin nun.


I shook my head and combed my hair using my fingers.


Game, seryoso na.


I let out a loud exhale.


"Please Kib... I really, really need to do this interview."


Napapalakpak ako sa husay ng delivery ko.


Galing mo talaga, Des!


"Ate Des? Ok lang po kayo?"


Nagulat ako nang makita ko si Jepoy na nakatayo sa may pinto. Kumakain siya ng Piattos kaya pansin na pansin yung chubby cheeks niya habang ngumunguya. Cute talaga ng batang 'to.


"Kanina ka pa diyan, Jep?", tanong ko.


"Medyo po. Kinakausap niyo po yung salamin, ate?"


Napakamot ako sa ulo.


"Halika nga dito.", umupo kami sa kama.


"Nag-ppractice lang ako. May kailangan kasi akong kausapin eh. Ayokong magkamali kapag nagkaharap na kami.", paliwanag ko.


"Nak! Wag mong istorbohin ang Ate Des mo diyan!", narinig naming sigaw ni Uncle Jimmy mula sa labas.


"Ok lang po Uncle!", I shouted back before turning to the kid beside me.


"May gusto ka bang gawin?", tanong ko sa kanya.


"Ate, pwede mo ba akong samahan sa dagat? Gusto ko po kasing manood ng mga nag-susurf. Kaya lang may ginagawa pa po si Tatay eh. Di po ako papayagang mag-isa.", sagot niya.


"Sige tara, punta tayo. Di pa rin ako nakakapunta ulit sa beach eh."


"Talaga ate? Yeheyyy!!!", he cheered and hugged me.


"Teka, mag-aayos lang ako.", I said and went to the mirror once more. Binalik ko yung pagkakatali ng buhok ko.


"Maganda ka naman na, ate eh. Di mo na po kailangang mag-ayos.", narinig kong sabi ni Jep na nagpangiti sa akin.


"Bolero ka rin eh 'no? Pero thank you!", I said, pinching his cheek.


Kinuha ko yung camera ko sa bag. Maybe I can start taking shots. Simula noong dumating ako dito eh wala pa akong nakukuhanan dahil masyado akong na-focus doon sa interview.


Pahirap talaga yung lalaking yun.


"Mag-pipicture ka po ate?", tanong ni Jep.


"Oo. Test shot tayo. Pose ka diyan, dali!", I encouraged.


Ngumiti naman si Jepoy at nag-peace sign pa. Ang cute niya!


"Ayan, pogi naman! O tara na, paalam na tayo."


Bumaba na kami para magpaalam kina Auntie.


Right Where We LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon