" Everything will work out in the end...
You don't need to know how,
You just have to trust that it will."-lifted
---
JHO POV
OTP...
Hoy Maraguinot, nasaan ka na? Inis na tanong ni ate Ella sa akin.
Heto na po paalis na ako ng office. Sagot ko naman sa kanya habang inaayos ko mga gamit ko.
Aba Jhoana, alas otso na anong oras ka makakarating dito? Galit na galit naman niyang sabi sa akin. Baka matapos ng ikasal ang dalawang ito bago kapa dumating. Dugtong pa niya at napatawa naman ako.
Heto na nga oh, palabas na ako. Sagot ko naman sa kanya. Nandiyan na ba lahat? Tanong ko naman.
Ikaw at si Therese na lang ang wala! Sigaw naman niya kaya ni loudspeaker ko nalang phone ko, feeling ko kasi sasabog na tenga ko sa lakas ng boses niya. Taray mo naman kala mo ikaw ang ma e-engage ngayon, dalian mo na diyan. Sigaw ulit niya.
Opo, opo on the way na ako. Sagot ko nalang sa kanya habang palabas na ng building. 9 pa lang naman nagmamadali masyado.. hindi naman ako ang kailangan dun kung di si Trey bakit ako kailangan madaliin. Bulong ko sa sarili ko.
Naglakad lakad naman ako para maka hanap ng taxi, medyo mahirap na makahanap sa oras na ito. Hanggang sa mapahinto ako sa tapat ng isang resto na madalas naming kinakainan tuwing lunch.
Aray! Sigaw ko sa lalaking bumangga sa akin. Nahulog ang mga laman ng bag ko kaya pinulot ko ito isa-isa at tinulungan naman niya ako.
Miss sorry, hindi ko sinasadya. Sabi naman nito kahit hindi pa kami nagkakasalubong ng tingin.. pero pakiramdam ko ay pamilyar ang boses niya.. shit! Minadali kong pulutin lahat ng gamit ko at ng matapos namin kunin lahat ng gamit na natapon saka lang kami nagkatitigan.. laking gulat ko ng makita ko kung sino... si Prince pala.
Hon, lets go! Sabi naman ng babaeng kalalabas lang sa pintuan ng resto at nasa likuran niya. Jho?! Gulat na sabi nito.
Nagdilim agad ang paningin ko sa mga taong nakita ko. Kaya dali dali akong naglakad palayo sa kanila pero hinarang ako ni Prince.
Jho can we talk? Tanong naman niya sa akin.
No! Galit na sigaw kong sumagot sa kanya at tuluyan ng nakalayo sa dalawa.
---
BEA POV
Ate Ella, akala ko ba na hindi talaga pala inom si Jho, bakit yata nakakarami na siya? Bulong kong sabi sa kanya.
Nakakapanibago lang kasi ikinikilos ni Jho ngayon. Umiinom, walang imik, at parang naiiyak na ewan.
Ewan ko nga diyan pagdating niya kanina halos itungga na lahat ng mga bote ng alak. Sagot naman nito.
Tumayo siya at naglakad papuntang CR. Hindi man lang ako makalapit ng maayos sa kanya dahil kasama ko pa ang tukong naka kapit sa akin kanina pa.
🛎🛎🛎 kinalantog naman ni Rex ang baso niya para makuha attention naming lahat. Birthday ni Trey ngayon at itong araw din na to magpo-propose si Rex sa kanya. Ang saya lang talaga. Bulong ko sa sarili ko dahil alam kong matagal na nilang balak magpakasal.
YOU ARE READING
Deal or No Deal?! (JhoBea)
Fanfiction"NO FALLING IN LOVE!" Is it a deal or no deal?! How long can you pretend to something that started as a deal which ended up as something for real? Will you take the risk? Is it worth fighting for? Or let it pass by because its too complicated and t...