Part ten10 (Damsel in Distress)

4.8K 101 8
                                    


JHO POV

Nakarating kami sa Villa na tinutuluyan namin mula sa paglilibot namin ni Bea. Medyo napagod ako kasi naman simula kanina ay naglalakad lang kami, kaya nung makarating kami malapit sa lobby ay napahawak ako sa kanya. Muntik na kasi akong matumba dahil nahilo ako dahil na rin siguro sa init ng panahon at pagod.

Are you okay? Nag-aalalang tanong ni Bea sa akin.

Ayus lang ako beh.. Nahilo lang ng konti, mainit kasi. Pagdadahilan ko sa kanya. Galing sa lobby, sinalubong naman ako ni Jia habang may hawak hawak na panali at iba pang gamit para siguro sa mga games mamaya.

Jho bakit ngayon lang kayo. Kanina kapa namin tinatawagan di ka man lang sumasagot. Sumbat niya sa akin. Kinuha ko naman ang celphone ko sa sling bag na dala ko at nakita na marami na akong missed call galing sa kanila.

Sorry Jhu, naka silent kasi di ko alam. May problema ba? Tanong ko naman sa kanya.

Sa amin wala ewan ko lang dun sa naghihintay sa yo? Sabay turo gamit ang nguso niya sa direksyon ng looban ng lobby. Nakita ko namang nakatayo si Mr. Cotocco sa gawing tinuro ni Jia. Kung nakakamatay lang siguro nag tingin kanina pa kami namatay dahil ang sama ng tingin niya sa aming dalawa ni Bea.

Anong ginagawa niyan dito? Tanong ko sa kanya.

Ewan ko, kanina pa yan diyan. Pilit kang hinahanap sa amin. Humingi pa nga ng alak kala mo kung sino. Inis na sagot niya. Bigla naman akong kinabahan dahil wala akong maisip na dahilan para pumunta ito dito. Hindi ko nga pinasunod si Marci ngayon andito naman ang isang to.

Jho punta muna ako kina Ate Ly. Maiwan muna kita, may bisita ka pala. Paalam na sabi ni Bea. Tulungan na kita sa mga yan Jia. Sabi naman niya kay Jia at binuhat ang ilang gamit.

Sige kausapin ko lang saglit to, tas magpapalit ako ng damit, susunod din ako sa inyo. Naghiwa-hiwalay na kami ng landas at lumapit na ako kay Mr. Cotocco at bumati sa kanya.

Mr. Ged Cotocco, what a pleasant surprise to see you here. Is there any problem? Anything I can do for you that can not wait until Monday? Mahinahong tanong ko sa kanya. Nakakabanas lang na ang sama niya paring makatingin sa akin dagdag mo pa ang amoy ng alak sa kanya. Kaya pinilit ko na maging cool dahil baka kung ano masabi ko sa kanya. I need to be professional with this man.

Actually yes, I was surprised seeing you... and your flower. Sabi niya at napatingin naman ako sa bulaklak na hawak ko. Anong problema nito? Bulong ko sa sarili ko. Siya ba? Tanong niya sa akin.

I dont understand anything sir. Ano ba kailangan niyo? Make it straight kasi marami pa kaming gagawin. Mahinahong sabi ko sa kanya kahit deep inside, inis na inis na ako.

Is she the reason why you dumped me? Matalim na salitang lumabas sa bibig niya, kahit naguguluhan ako sa sinasabi niya pilit ko parin naging mahinahon.

I dont get it Sir. Diin na sabi ko sa Sir. But if this conversation is not work related matter, mauna na ako kasi may naghihintay pa sa akin. Lalakad na sana ako palayo ng bigla niyang hinila ang kamay ko. Madiin ito kaya medyo nasasaktan na ako.

Dont you dare turn your back against me! Sigaw na sabi niya.

Then get your hands off me!! Sigaw ko na rin sa kanya pabalik. Aba lokong to siya pumunta ng walang dahilan tas mag gagalit galitan tas ngayon sinasaktan ako, ano ka sinuswerte? Pagkasabi ko nun ay binitawan naman ang kamay ko. Bakas parin kung gaano kahigpit ang pagkakahawak niya.

Deal or No Deal?! (JhoBea)Where stories live. Discover now