Part twenty20 (Home)

4.6K 135 25
                                    


JHO POV

Nakisabay ako kay Maddie pauwi after namin sa bahay ni Bea. Mauuna na sana ako ng bigla nalang din siyang nagdesisyong umalis kaya no choice na kumbaga at sinabay na ako. Dahil itong si Beatriz ay naiwan pa para ihatid pa si Kianna niya... Aray ko!

Masakit, tama nasaktan ako sa nangyari. Ngayon ko naisip na mahirap palang pigilan ang isang bagay.. tulad nalang ng nararamdaman ko kay Bea.

Marahil dahil sa matinding sakit na idinulot sa akin nung magkahiwalay kami ni Prince, dahil simula noon ay natakot na akong magmahal ulit.

Takot na masaktan kaya mas pinipili kong isara ang puso ko. Pero hindi ko alam kung bakit kay Bea ay parang naging madali para magbukas ito ng dahan-dahan... Sige na aaminin ko na na unti-unti ng nahuhulog ang loob ko sa kanya. Kahit anong pigil, kahit anong iwas ko hindi ko na talaga maikakaila na may nararamdaman na ako. Naghihintay nalang kumbaga ng "sign" pero bago paman ito makita ay nawala na dahil sa nangyari ngayon.

Para akong sinasakal kanina habang nakikita ko siya at si Kianna at idagdag mo pa si Maddie. Ano nga ba laban ko sa kanila? Maganda sila na hindi hamak sa akin, smart at napaka elegante. Samantalang ako ay isang simpleng tao lang, boring kumbaga.

Naisipan kong makipag kita kay Jia dahil parang hindi na kakayanin ng dibdib ko ang bigat ng nararamdaman ko. Kailangan ko ng makakausap sa oras na ito. Kinuha ko ang celphone ko at nag type ng message sa kanya.

📱to: Jia bff
Ju can we meet? Kailangan ko lang ng kausap ngayon please... ( message sent )

Naghihintay ako ng reply niya dahil medyo tahimik kami ng kasama ko hanggang sa basagin niya ito..

Kilala mo ba yung babae kanina? Seryosong tanong niya habang nagda-drive..

Si Kianna yun, special na tao sa buhay ni Bea..malumanay ko namang sagot sa kanya. Nakita kong kumunot ang noo niya dahilan para kabahan ako.

Jho can I ask you a favor please.. tiningnan ko lang siya pero hindi ako sumagot. Nakita ko kung gaano siya ka seryoso kaya umayos ako. Tulungan mo naman ako kay Bea, I know na medyo close na kayo kaya I'm asking you this. Pagmamakaawa niyang sabi sa akin. Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa hindi ko kaya ang hinihingi niya, pero dahil sa dinami dami ng tao bakit sa akin pa niya naisipang humingi ng tulong.

Para naman kasing hiningi niya na huwag muna akong huminga para maka-hinga siya. Imagine ilalakad ko siya sa taong minamahal ko na? Anu yun?

Ba-bakit ako Mads? Nandiyan naman si Ria okaya si Therese. Mas ka close niya ang mga yun kaysa sa akin. Nauutal na sagot ko sa kanya at inalis ang mga tingin ko.

Nahihiya ako sa kanila dahil hindi ko naman sila ganun ka close, atleast ikaw ka close ko saka ikaw na rin mismo ang nag-pakilala sa aming dalawa diba? Seryosong pakiusap niya..

Ti-tingnan ko ang magagawa ko, pero hindi ako mangangako.. tipid na sagot ko nalang kaya tumahimik siya sandali. Ilang sandali pa kaming natahimik ng tumunog ang phone ko.

📱fr: Jia bff
Kasama ko si te Ells, sa mall kami.. punta ka nalang dali!!!!

Pagkatanggap ng message niya ay madali akong sumagot sa kanya.. hindi ko na talaga kasi kakayanin ito at kailangan ko na talagang may makausap.

Deal or No Deal?! (JhoBea)Where stories live. Discover now