Part six6 (Launch OUT)

4.1K 79 1
                                    


O, bakit ganyan ang mukha natin di ko maipinta? Sabi ni Ate Ella habang papalapit sa akin. Kaya pala ngtext sa akin si da Vinci kanini nagrereklamo di raw kinaya mukha mo diyan. Pabiro Sabi ni Ate Ella habang inaabot niya ang mga folders na kailangan kong pirmahan. Hindi ko man lang inalis ang tingin ko sa computer at patuloy parin ang pag trabaho. Pansin siguro niya na medyo wala ako sa mood kaya naman binara niya ako agad para makuha niya attention ko. Cge lang ineng deadmahin mo pa ako ng bonggang bongga at mamaya ay babatukan na talaga kita. Sabi niya sabay pitik sa noo ko dahilan para sulyapan ko siya pero agad ko naman binalik ang tingin ko sa ginagawa ko.

Ate Ells, pagawa naman ako ng kape.. Nakita ko naman kumunot ang tingin niya sa akin. Bihira kasi ako mag patimpla ng kape sa kanya. Please yung matapang ah, para lumakas lakas naman loob ko, dinadaga na yata eh. Utos ko sa kanya, na ngayon ay naka pamewang na habang tinitingnan ako matalim.

Spill na! Wag mo na akong daanin sa pa-double meaning na yan at madami pa tayong gagawin. Sabi niya sabay upo sa harapan ko. Huminga ako ng malalim bago ako nagsimulang mgkwento sa kanya.

Bumalik na ang mga Bacalla Ate Ells. At gusto ni Papa na magpakasal kami ni Marci. Walang ka emosyong sagot ko sa kanya. As expected, violent naging reaction niya.

Oh my gulay! Nanlaki naman ang mga mata niya na halatang nabigla siya sa balita ko. Mahaba habang usapan yan! Wait ineng, timpla lang ako ng coffee at kukuha narin ako ng makakain natin. Mapapasabak tayo sa brain storming nito. Sabi niya at mabilis na pumunta sa may pantry. Paglabas naman ni Ate Ella pumasok si Ria sa aking office..

Goodmorning Jho! bati niya sa akin sabay smile dahilan para lalong maningkit ang mga mata niya.

Ri ikaw pala, anong atin? Tanong ko sa kanya dahil medyo nahihiwagaan ako sa ngiti niya ngayon.

Uhm, Jho, ano kasi...pinutol sa sasabihin niya...

Sige na ano yun? Sa tono mo palang alam ko na. Sige na sabihin mo na bago pa mag bago isip ko.

Diba umuwi yung besfriend ko na pinsan ni Ate Ly, ano kasi eh, nakalimutan kong ipasingit yung request niya. Nauutal na sabi niya. Pero sana masingit pa natin. Tinaasan ko naman siya ng kilay kaya lalo siyang napayuko sa sinasabi niya. Ano kasi, anniversary kasi ng parents niya, gusto sana niya na tayo humawak sa event kasi 30 years na sila. Pasensya kana ngayon ko lang nasabi nakalimutan ko kasi. Pero kung di na kakayanin ipapaliwanag ko nalang sa kanya. This time nakayuko na talaga siya dahil siguro nahihiya sa favor na hinihingi niya at dahil alam na rin niya na mapapagalitan siya.

Ri naman bakit ngayon mo lang sinasabi yan? Alam mo namang puno na tayo diba? Nagkunwari akong galit kaya naman lalo siyang nalungkot at halos nakayuko nalang habang pinagsasabihan ko. Feel ko pag tripan siya ngayon kaya pasensya na Ri ✌️

My bad Jho, nakalimutan ko talaga. Kahapon naman naging busy tayo sa site nawala talaga sa isip ko. Sorry talaga. Malungkot na sabi niya. Pinipigilan ko naman tumawa dahil hindi man niya napapansin na ginu-good time ko siya. Hinampas ko ng kaunti ang table ko na para bang nagdadabog ako saka tumayo sa kinauupuan ko. Ngayon ay nakapa mewang ako sa harapan niya kaya palagay ko ay effective na ang ginagawa kong panggu-good time sa kanya. Tuluy tuluy na sana ako pero biglang pumasok si Donya Ella.

Hala! Anong nangyayari dito? Bakit ganyan mukha mo Ri? Pagtatakang tanong niya. Kinindatan ko naman siya at mukhang gets niya ang ibig kong sabihin kaya nakisakay nalang.

Yan ang hirap sa inyo eh, porket magkakaibigan tayo dito parang inaabuso niyo na ako. Seryosong pahayag ko, tila nage-gets naman ni Ate Ella kaya di muna siya umimik para masakyan ng husto trip ko. Hindi ibig sabihin na pinsan ni Ate Ly yun at bestfriend mo eh bibigyan ko na ng special treatment. Medyo kunwari galit na boses ko.

Deal or No Deal?! (JhoBea)Where stories live. Discover now