Part thirteen13 (In Denial)

4.9K 92 8
                                    


JHO POV

Ri, ayos na ba lahat diyan? Nasaan na kayo? Tanong ko sa kanya habang nire-ready ko ang mga gamit ko dito sa confo dahil maya maya sa susunduin na nila ako.

Yes boss, 10 minutes nandyan na kami kaya magready kana para di tayo abutan ng traffic. Sagot naman niya sa akin. Kaya pagkatapos ko siyang mkausap ay inihanda ko na mga gamit ko at bumaba na sa lobby.

On the way to Pampanga....

Heto para sa yo.. inaabot ni Ria ang isang starbucks coffee sa akin. Nagtaka naman ako dahil ang aga para bilhan niya ako ng ganito saka knowing Ria hindi niya gagawin sa akin ito, kay Jessy pwedi pa.

O, ano to? Nagtataka pero kinuha ko iyon sa kanya.

Uh, siguro kape yan. Paki check nga baka toyo nilagay. Biro niya sa akin kaya hinampas ko siya sa braso niya. Aw! Sigaw niya kaya natawa ako.

Alam kong kape to Meneses, umayos ka kung hindi babaliin ko na talaga balikat mo. Panakot ko sa kanya. Ibig kong sabihin bakit may pa ganito kang nalalaman? May kailangan ka no? Tanong ko sa kanya.

Sino bang nagsabing galing sa akin yan? Sagot niya. Eh kanino nga ba galing ito? Takang tanong ko naman sa sarili ko. Binilin ni Beatriz yan na iabot sa yo. Gagong yun utusan pa ako. Inis na sagot niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ang aga namang may pa andar nitong si Bea. Edi natahimik ka diyan. Pangungutiya niya. Is it true ma ipapakilala mo si Maddie sa kanya? Tanong niya sa akin. Tumango ako bilang pagsang-ayon bago ko ininom ang kapeng binigay niya.

I don't see why not diba. Bagay sila. Walang emosyon kong sabi sa kanya, sabay tingin sa labas.

Okay lang ba sayo ang ganun? Tanong naman ni Jessy na nasa passenger seat.

Oo naman bakit? May magagalit ba? Pabalik ko naman tanong sa kanya.

What I mean is, sayo mismo. Parang pinamimigay mo naman kasi siya. Sagot nito. Kailan ko pa ba naging pagmamay-ari si Bea? Char! Ganun ba ang dating nun? Pinamimigay ko siya? Kung alam niyo lang sana kung gaano kasakit sa puso sabihin yun pero wala friends lang kami anong magagawa ko.

Di pa nga tapos yun kay Kianna, kung sino sino nanaman pinapakilala mo. Ikaw ayaw mo ba? Sabat naman niyo si Ria. Inirapan ko naman ito.

Ano ba naman kayo, friends lang kami ni Bea no. I know alot of you mistaken it as something more than that, pero haler kailan lang kami nagkakilala at we made it clear naman na friends lang kami, nothing more and nothing less. Paliwanag ko sa kanilang dalawa.

Friends mo mukha mo! Sagot naman ulit ni Ria. May friends bang kung umasta daig pa kami ni Jessy? Dagdag pa niya at tiningnan naman siya ng masama ng isa. And what about yung smack na naganap? Dont tell me Jho wala lang yun? Na wala kang naramdaman dun, kasi kung wala ewan ko nalang talaga sayo. Ngisi ngising sabi niya sa akin.

Actually simula nung mangyari yun ay wala pang nakaka banggit ni isa sa mga kasama namin.. ngayon palang. Kung alam lang sana nila kung gaano ako kakilig nung mangyari yun pero hindi ko pweding ipagsigawan yun. Sarilinin ko muna...

Alam mo Jho nung college days, hinahabol talaga yang si Beatriz, both sexes ha, kasi charming talaga yan at malakas ang appeal. Kwento ni Jessy sa akin. Kilalang kilala namin yan, kaya nga nagtataka kami kung bakit sayo parang natupi siya. Dagdag pa niya..

Deal or No Deal?! (JhoBea)Where stories live. Discover now