Part twentyseven27 (Confirmation)

4.5K 81 28
                                    


JHO POV

Parang ang lawak ng smile natin ah? Enjoy ba? Panunukso ni Jia sa akin habang palapit sa table ko. Shook na dali!! Gigil na sabi niya sa akin habang paupo sa harapan ko.

Hindi pa nga pala ako nakakapagkwento sa bff ko sa mga pangyayari sa buhay ko sa nakaraang linggo.

Kahapon lang ng magkahiwalay kami ng baby ko pero parang ang tagal ko na siyang di nakikita... OA ba? Pero yun talaga nararamdaman ko kasi...

Ganto naman talaga pakiramdam ng ma-Inlove diba? Ang mga simpleng bagay ay nagiging exaggerated, ang oras ay parang laging kulang, yung parang gusto mong itigil ito lalo na kapag kasama mo siya.

Hoy! Lutang ka, anyare ba? Paguusisa pa niya..

Baliw may naalala lang ako. Pasimpleng sagot ko sa kanya. Anong atin? Musta na kayo habang wala ako? Masayang tanong ko sa aking kaibigan.

Gaga lang Jho? Kung di pa kay Ria at Jessy di namin malalaman na magkasama pala kayo ni Bea. Patampong sabi nito sa akin. Bakit nagtatago kana ba ngayon sa kin huh?! Dagdag pa nito.

Holla!!! Sigaw ni Ate Ella habang papasok sa pintuan na waring nanalo sa isang beauty pageant dahil may dalang bouquet of flowers... sunflowers in particular..

Para kang timang Ate Ella. Sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang tawa ko.

Timang na kung timang atleast inlove!!! Panunukso niyang sabi sa akin habang inaabot ang bouquet. From your honey B! Dagdag pa nito habang tinitingnan ako ng nakakaloko.

Siguro naman niyan kakanta kana dahil obviously galing kay "B" yan db?! Pangungutya ni Jia. Di ko na rin napigilan ang sarili ko at pakiramdam ko talaga ay ang pula-pula na ang mukha ko.

Dali na kasi Jho magkwento kana. Ano bang nangyari at biglang magkasama kayong dalawa ni Bea? Mausisang tanong ni Ate Ella.

Ganto nalang sige. Mamaya libre ko kayo ng dinner pero pwede ba ngayon work muna tayo kasi natambakan na ako. Pagkukumbinsi ko sa dalawa na sigurado akong di nila tatanggihan.

Sinabi mo yan Jhoana ha?! Wag na wag mo babawiin yan. Masayang sabi ni Ate Ella.

Oo promise at sasagutin ko lahat ng interrogation niyo sa akin. Dagdag ko pa para lang tantanan nila ako.

O sige na gora na tayo. Mamaya na chika. Sabi nitong si Jia na mukhang kumbinsido naman sa sinabi ko. Jho just to remind you pala about dun sa photoshoot sa model ni Maddie. Bukas na yun. Paalala niya sa akin.

Ate Ella paki lagay sa agenda natin yun sasama ako kay Jia bukas. Utos ko sa kanya.

Nagkahiwa-hiwalay kaming tatlo at nag-umpisa sa mga trabaho namin. Isang linggo din akong nawala kaya naman halos magiging abala ako maghapon for sure. Pero bago ang lahat kailangan kong tawagan muna ang baby ko.

(Phone ringing..)
(B calling...)

Speaking hahaha...

Deal or No Deal?! (JhoBea)Where stories live. Discover now