Part seventeen17 (Closer)

4.6K 103 13
                                    


BEA POV

Nagising ako na mabigat ang pakiramdam ko. Hindi ko agad naimulat ang mga mata ko dahil sobrang sakit ng ulo ko dahil sa alak na nainom namin kagabi at dahil na rin sa puyat. Halos madaling araw na yata kami natapos manood ng movie, kwentuhan, kantahan ay inuman. Kaya ngayon KO lahat ng mga kasama ko.

May kung anong nakapatong sa legs ko at may taong naka akbay sa akin. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at laking gulat ko nang makita ko na si Jho ang naka akbay sa akin. Himbing na himbing siya sa pagkakatulog niya samantalang si Mich naman ay ginawang unan ang legs ko at pinulupot ang mga legs niya dito kaya hindi ako makagalaw.

Hindi ko alam kung paano ako tatayo dahil parang pasan ko ang daigdig sa dalawang ito. Pero paano ba nangyari na si Jho ang katabi kong natulog samantalang ang layo namin sa isat isa kagabi? Ginapang kaya ako ni Jho? O ako ang gumapang palapit sa kanya?

Marahil sa sobrang kalasingan ay hindi na namin namalayan kung saan ihiga ang mga katawan namin kaya ganito. Nanatili muna ako sa posisyon kong ganito. Sarap pala sa pakiramdam na katabing matulog si Jho. Nakayakap siya sa akin at ramdam ko ang hininga niya sa balikat ko.

Ilang sandali pa ay naaamoy ko na ang bagong lutong fried rice with bawang saka ng bacon.. Mayroon na sigurong nagising sa mga kasama namin, maya maya pa ay pumasok si Ate Ella na may dalang sandok at kaldero..
Bigla niyang hinampas ito kaya napasigaw ang lahat sa ingay na dulot ni Ate ella.

Te Ells naman eh, ang aga pa oh... patulog naman po...reklamo ni Mich habang kumakalas sa legs ko at itinuloy ang pagtulog sa kabilang side naman..

Walang pakialam naman ang isa kaya inulit niya ulit ang paghampas sa kaldero na mas malakas pa sa una.

Ang aga naman niyan ate ella ano ba... inis na bumangon si Deanna habang kinukusot pa ang mga mata.

Natatawa lang ako sa mga reaksyon nila, samantalang itong kayakap ko ay ni hindi man lang nagulat at parang mas lalo pang nahimbing. Lumapit siya sa amin at kitang kita ko kung gaano nanlaki ang mga mata niya ng makita kami sa ganitong posisyon.

Hala tayo! Tumayo na diyan... ang aga naman ng "breakfast in bed" na yan ah... sigaw niya sa amin habang patuloy na kinakalembang ang kaldero.

A-anong nangyari? Nasaan ako? wala sa sariling nagsalita naman si Jho. Nakapikit pa rin siya pero bakit siya nagsasalita ang cute lang...

Hindi parin ako natayo dahil iniisip ko na magigising siya kung tatayo ako.

Ang aga naman ng harutan na yan.. akala ko ba deal lang lahat, bakit parang nagiging totoo na? Panunukso ni Jia habang papalapit sa amin na may dala ring sandok.

Konting konti nalang talaga maniniwala na ako na meron yang dalawang yan. Sawsaw pa ni therese kaya napa iling nalang ako.

Goodmorning Jho.. bungad ko sa inaantok pang si Jhoana...

Bei? I-ikaw ang katabi kong natulog? Asaan na yung unan na yakap ko kagabi? Naguguluhang tanong niya sa akin at nagkibit balikat lang ako.

Hoy wala kang unan kagabi dahil kinuha ko yun sa iyo. Sabat ni Ate Ella. Si Bea.. yan, siya ang ginawa mong unan simula kagabi kaya himbing na himbing ka sa tulog mo... Ewan ko ba paano kayo nagtabi samantalang ako ang dapat katabi mo, pag gising ko si Trey na ang nasa side ko. Pagpapaliwanag nito at tumango tango habang natatawa naman itong si Therese.

Paano nga ba nangyari ito? Tanong ko rin sa kanila dahil wala din akong idea paano na magkatabi kami ngayon ni Jho.

Deal or No Deal?! (JhoBea)Where stories live. Discover now