Part sixteen16 (Danger in love)

5.2K 96 4
                                    


Musta naman ang araw natin ditey? Mapanuksong bungad ni Ate Ella habang ako naman ay abala sa mga reports na ginagawa ko.

Ang aga naman niyan donya, di ko kaya.. sagot ko namang habang patuloy parin sa pagtatrabaho.

Mukhang dibdiban na yata ang pagiging "DELEON" ah.. paloko niya pang sabi sa akin at naramdaman kong hinawakan niya ang daliri ko na may singsing.

Baliw! Saway ko sabay bato ng isang paper clip sa kanya. Props lang yan ano ka ba... Dagdag ko pa sa kanya.

Wooshoo, props daw? If I know... panunukso nito kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.

Anong sched ko ngayon ate? Pag-iiba ko ng usapan namin. Baka kasi saan pa mapunta ang usapang ito kaya unahan ko na..

Maya maya pa ay pumasok sa opisina sina Mich at Jia na excited na tumatawa..

Hoy beh, sleep over tayo mamaya kina Jia. Excited na sabi ni Mich..

Oo nga bes, nabitin ako kagabi. Paano ba naman inubos niyo lahat ng ganap tinaob niyo pa ang TREX.. kilig na sabi naman nitong si Jia habang tinitingnan ako ng nakakaloko.

Ay bet ko yan, masaya yan. May pinahiram pa naman dvd sa akin, yung bagong movie ng KathNiel.. ano nga ba yun? Ate Ella..

Can't help falling in love.. sagot naman nitong si Mich habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kakulitan nilang tatlo.

Yun! Bulaslas ni donya. Napapanahon yun ngayon. Makahulugan niyang sabi. Alam mo yung kasal kayo pero di kayo aware, tapos nahuhulog na pala kayo sa isat isa pero hindi pwede dahil kailangan niyong maghiwalay kasi may nauna ka ng napangakuhan. Paliwanag niya habang tumatawa ng nakakalo at sumabay pa ang dalawa sa panunukso sa akin.

Tigilan niyo ako sa mga paandar niyong ganyan.. marami akong dapat asikasuhin kaysa sa bagay na yan. Plain na sagot ko sa kanila sabay balik sa ginagawa ko. Pero alam ko parang ganun nga ang plot ng kwento nun.. kinabahan ako sa sinabi nila.

Don't tell me wala kapa rin nararamdaman para kay Beatriz. Biglang naitanong ni Beatriz kaya nakatingin sila sa akin na parang papatayin nila ako.

Wala! Di ba nga ubos feelings na to. Sagot ko sabay turo sa dibdib ko.

Parang hindi yata ganyan ang nakita ko sa kiss kagabi ha? Drama ni Mich habang ginagaya yung moment na ginawa ko kagabi.

Hoy ineng uso din ang umamin.. mataray na sabi ni donya.

Eh sa wala naman kasi akong dapat aminin sa inyo diba? Kasi wala lang yun, nakapag usap na rin kami ni Bea na tutulungan niya akong mapapaniwala si Marci hanggang sa tumigil na siya. At ako naman tutulungan ko siya kay Kianna o kay Maddie, dipende sino magpatibok ng puso niya. Alam niyo naman ang deal naming yan diba? Paliwanag ko sa kanila. Tina asan lang nila ako ng kila, sabay sabay pa talaga!!!

Paano kung may mainlove sa inyo paano na? Tanong ni ate ella kaya natahimik ako... paano nga ba?

Pero in fairness beh, bagay sa yo ang singsing.. panunukso Mich kaya kumuha ulit ako ng paper clip para ibato sa kanya. Buti nalang iniba niya ang usapan.

Deal or No Deal?! (JhoBea)Where stories live. Discover now