Part nineteen19 (Doomed!)

4.7K 114 29
                                    


"What a beautiful site"...

I told myself habang tinititigan ko ang taong nakahiga sa tabi ko. Nawala na ang mga nakaharang sa amin, hindi ko na alam saan sila napunta at kung paano sila naalis. Basta ang alam ko ngayon ay katabi ko ang babaeng mahal ko.

Mahimbing siyang natutulog, ang isang kamay niya ay nakapatong sa may tiyan ko at ang mukha niya ay halos naka siksik na sa may kili-kili ko at ang buhok niya na halos nakatakip sa mukha niya..

I woke up with a wide smile on my face knowing I slept with her under one bed and now here laying close to my love.. si Jho...

Oo love ko siya dahil sigurado na ako na mahal ko na siya. Siguro simula sa araw na ito unti unti ko nang ipaparamdam sa kanya.. bahala na kung ano magiging resulta nito pero this is it na... starting today I will make you feel my love Jhoana.

Natatawa ako mag-isa habang hinahawi ko ang buhok na nakatakip sa mukha niya. Natigil ako sa sandaling masilayan ko ang mukha niya habang himbing siyang natutulog. Sinubukan kong imemorize bawat anggulo ng mukha niya dahil wala akong gustong palampasin dito.

Dahan dahan kong inalis ang kamay niya na nakayakap sa akin.. abuso na yan Jho.. natatawa kong sabi sa sarili ko dahil naalala ko nung huling nakayakap siya sa akin ng ganito. Gusto ko siyang gawan ng masarap na breakfast kaya tatayo na ako para makapag ready..

---

Pagkatapos kong magawa ang morning rituals ko, dahan dahan akong lumabas sa kwarto ng mahal ko para hindi siya magising. Sarap naman nun.. mahal ko... inaangkin ko na talaga... 😊😊😊

Pagkababa ko ay inabutan ko si Jaja na busy gumagawa ng assignment niya at si Tita Lovel naman ay naghahanda ng breakfast..

Goodmorning tita, goodmorning Ja.. bungad na bati ko sa kanila..

Uy Ate Bea, nandiyan ka pala. Dine na at mag-almusal na tayo.. aya ni Jaja habang palapit ako sa kanila.

Musta naman ang tulog mo Bea? Masayang bati sa akin ni Tita Lovel. Lumapit ako sa kanya para tulungan siya sa ginagawa niya.

Ayos naman po tita. Sagot ko.. tulungan ko na po kayo diyan. Sabi ko at kinuha ang sandok sa kamay niya.

Ano ka bang bata ka, ako na dito dun kana sa mesa. Utos niya sa akin. Pero gusto ko kasing magpa good shot sa kaniya kaya pinilit ko parin ang gusto ko.

Kayo na po ang maupo tita, itutuloy ko na ito. Marunong naman po ako, madalas kong ginagawa sa States ito dahil kung hindi magugutom ako. Pabiro kong sagot kaya hinayaan naman niya ako at kinuha ang mga hotdogs at eggs na naluto na niya at ni ready ang mesa. Fried rice lang naman ang niluluto ko ngayon at alam ko naman paano iluto ito.

Nang matapos kong iluto ang fried rice ala Beatriz ay siya rin namang pagtapos niya sa pag ayos ng mesa. Nagpaalam siya lumabas para hanapin si Titi John samantalang ako ay lumapit kay Jaja na tila hirap na hirap sa ginagawa niya.

Mukhang mahirap yan Ja. Sabi ko sabay lapit sa kanya at tiningnan kung ano ginagawa niya.

Hay naku Bea, ganyan talaga ang batang yan. Singit ni tita lovel bago pa makalabas ng pintuan. Kung kailan ta-tar dun naghahanap ng tabo. Biro niya kaya nainis naman itong si Jaja..

Deal or No Deal?! (JhoBea)Where stories live. Discover now