Chapter 31

2.2K 97 8
                                    





JENNIE'S POV


"Jennie gisingin mo nga si lisa baka malate yun" utos sakin ni Jisoo. agad ako tumayo saka umakyat sa taas.

Nandito ako sa lavas ng kwarto nya nakalock kasi yung pinto ng gaga

*KNOCK KNOCK*

Katok ko pero wala g sumasagot. siguro tulog pa

"Lisa gising na baka malate ka na!" sigaw ko,pero wala talagang sumasagot

Agad ako bumaba para tawagin yung dalawa

"Jisoo,Rose!! walang sumasagot sa loob ng kwarto ni lisa tapos naka lock pa yung pinto!" natataranta kong sabi. napatigil naman sila sa pag kain nila

"Rose kunin mo yung susi ng pinto nya bilis!" sigaw ni Jisoo. agad kami umakyat sa taas

"Lisa!! ok ka lang ba?!" sigaw ni Jisoo

"Eto na oh!" agad kinuha ni Jisoo yung susi saka binuksan ng mabilis yung pinto

Nakita namin sya balot na balot ng kumot nakapatay ang Aircon at nakasara lahat ng bintana nya.agad kami lumapit sakanya

"Lisa ok ka lang?" tanong ko. hinawakan ko yung noo nya

"Shitt! ang init nya!" sabi ko napabuntong hininga si Rose

"Paano naman kasi basang basa sya kagabi diba" oo nga pala basang basa sya

"Sige na pumasok na kayo. ako na mag babantay sakanya" sambit ko habang nakatingin kay lisa na ang himbing ng tulog

"Sige, ikiaw na bahala ah" tinanguan ko lang sila saka sila lumabas ng kwarto ni lisa

Napatingin ulit ako kay lisa

"Ikaw kasi eh! nag paulan ka pa ayan napala mo. maiwan muna kita kukuha lang ako ng gamot mo saka pupunasan narin kita" sabi ko saka tumayo at kumabas ng kwarto nya



JUNGKOOK'S POV

pag pasok namin ng school. agad na ako humiwalay sakanila dahil mag kaiba nga ang building namin

Asan kaya si Lisa?

Pag akyat ko ng building namin. wala na masyadong tao dahil nasa loob na ng classroom nila. kaya agad ako tumakbo papuntang room

Nang makarating ako ng room agad ako pumasok, wala pa naman yung prof namin kaya agad ako umupo sa upuan ko

Teka? asan sya bakit wala?

"Kookie" napatingin ako sa harap ko

"Sabay tayo mamaya mag lunch" sabi ni Tzuyu

"A-ah sige" sabi ko. nang dumating na yung prof namin parehas na kami tumahimik

Urghh!! asan ka na ba lisa kainis!

----

Nang natapos yung first sub namin wala paring lisa na pumasok sa room

"Let's go" sabi ni Tzuyu tunanguan ko lang sya saka kami lumabas ng room

Nang makarating kami ng Canteen natanaw ko sila Rose at Jisoo lang kasama sila hyung

"Ah sandali lang ah" paalam ko kay Tzuyu tinanguan lang nya ako

"Rose asan si lisa?" tanong ko. agad naman tumayo si Jisoo saka nya ako hinawakan sa kwelyo

"Ano ginawa nyo kagabi at nag kasakit sya?" teka nag kasakit sya?

When Love Grows (liskook)Where stories live. Discover now