A/N:PAKI PLAY NALANG YUNG VIDEO PARA MAGANDA HAHAHAHA THANKYOUU.
---------
LISA'S POV
Nandito na kami sa labas, dahil ihahatid nya ako medyo gabi na din saka hinahanap na rin ako ni mama, napatingin ako sakanya nakatitig to sakin kaya natawa ako
"Bakit kase!" Inis na sabi ko, natawa sya sakin, kaya napasandal sya sa motor nya
Habang nakatingin sakin, tutumawin ata ako neto sa mga titig nya eh hahaha"Hug me please" Sabi nya, napangiti ako saka lumapit sakanya at niyakap sya, naramdaman ko hinahaplos nya ang buhok ko, ewan ko bakit ganito parang gusto ko ang ginagawa nya lagi nya hinahaplos ang buhok ko
"Alam mo ba lagi ko ginagawa to sayo, dahil gusto mo lagi ginagalaw ang buhok mo dahil inaantok ka, magugulat nalang ako nang tulog ka na haha, lisa miss na miss talaga kita kaya nagpapasalamat ako nang makita kita ulit, di man mo ko maalala kahit masakit gagawin ko lahat bumalik ang alaala mo, at sa oras na bumalik alaala mo papakasalan kita at lagi mo tatandaan mahal na mahal kita" Bigla akong kinilig sa sinabi nya kaya napakagat ako sa labi ko
"Lisa, I can't promise that things will be perfect, but I swear I'll never leave you again" Napangiti ako sa sinabi nya, kaya agad ako humarap sakanya
"Ikaw nga ang boyfriend ko, ewan ko ba kung bakit ang lakas bigla ng tama ko sayo, kahit wala ako maalala.. Basta bigla nalang ako nakaramdam ng iba yung tipong minahal kita bigla ng di ko alam" Sambit ko, napangiti sya saka ako hinalikan, smack lang naman, kaya agad sya sumakay ng motor
"Sakay na" Sabi nya, agad ako sumakay sa motor nya saka yumakap sakanya, at pinaandar nya ng mabilis yun
JENNIE'S POV
Nagugutom na ako, eh wala pang ulam, eh di naman ako marunong magluto dahil laging sunog, kaya si sugababe ang laging tagal luto, teka asan na kaya yun bwiset na yun?!
Nakita ko sya sa kwarto, kaya agad ako pumasok saka tumakbo papunta sakanya, agad ako pumatong sa ibabaw nya, saka lumusot sa dalawa nyang kamay para tignan ang nilalaro nya
Tss! mobile legend pala! kaya pala di pa nag luluto dahil busy nanaman sya kakalaro! bakit ba nauso ang laro na yan? sino ba gumawa nyan?! Nang mapatay nga! nakakainis na eh! masyadong pangagaw ng jowa eh!
"Bakit?" Tanong nya habang nakatingin sya sa nilalaro nya, kaya napatingin ako sakanya habang nasa ibabaw nya parin ako, kaya napahiga ako sa dibdib nya
"Gugutom na ako" Sabi ko, kaya agad ako napatingin sakanya, pero busy parin sa paglalaro nya, napabuntong hininga lang ako
"Sige teka lang" Diba! mas uunahin nya pa yang laro nya! habang ako girlfriend nya mamatay na sa gutom dito!
"Please sugababe" Pagmamakaawa ko habang ang boses ko ay baby.. Bali nag baby talk ako, dahil alam ko eto kahinaan ng sugababe ko eh
"Please!!" Patuloy parin ako sa pangungulit nya, napatingin to sakin, saka nya nilapag ang phone nya sa side table, at niyakap ako
"Alam mo pag nagbaby talk ka naakit mo ko lalo, siguro ayan na panlaban mo sakin pag may kailangan ka, oh ano gusto mo Lutuin ko para sa pinaka maganda kong asawa" Napangiti ako, saka napahawak sa baba ko
"Chicken curry gusto ko" Sabi ko, lumapit sya sakin saka ako hinalikan sa noo, napapikit lang ako, saka sya umalis sa harap ko at pumunta sya ng kusina
Napaka saya ko dahil nakilala ko ang isang katulad nya, na akala ko masungit sa una pero isang maalagang tao at lagi nya ako pinapasaya pinapakilig, ramdam ko talaga na mahal na mahal nya ako.. Sya na yung taong para sakin, sya na yung lalaking papakasalan ko, handa na ako na sya ang maging panghabang buhay ko
YOU ARE READING
When Love Grows (liskook)
FanfictionTheirs is a girl named Lalisa Manoban, short for Lisa, a broken-hearted girl because her ex left her without reason. After a month, she discovers an audition to become an idol in Korea. So she decided to audition to avoid the pain that she felt and...