Chapter 115

1.1K 30 5
                                    





LISA'S POV


Kumakain kami sabay sabay dito sa bahay nakauwi na ako dahil sabi ng doctor pwede na daw, grabe ang saya ko lalo na kasama ko taong mahal ko. Masaya sila nag kukwentuhan ng mga magulang ko habang ako pinagmamasdan sila

Sa dami naming pinag daanan dalawa kami parin talaga, kahit muntik na kaming dalawa mamatay di parin kami bumitaw sa isa't isa

"uuwi ba parents mo dito?" tanong ni mama sakanya, napatingin sakin si jungkook

"hmmm masyado pa po matagal bago sila umuwi, alam nyo naman po masyado silang busy sa business namin" paliwanag ni jungkook, napatango lang si mama

"ate birthday ni ate jisoo ah di ba kayo punta sa party nya?" sabat ni macy. Oo nga pala hala nakalimutan ko panigurado mag tatampo sakin yun

"oo nga pala babe, nagtext sakin si Jhope na nandito na sila sa pilipinas para sa birthday ni jisoo, ano punta tayo?" tanong nya sakin, napatingin ako kali mama at papa nakatingin sakin

"ma, pa pwede ba?" tanong ko, tumango silang dalawa kaya napangiti ako

"para din magalaw galaw mo yang katawan mo, sabi kase ng doctor mo kailangan gumalaw galaw ka para yung ibang muscle mo magising" saad ni papa, napatango ako

"sige po alis na kami bak---"

"LISA?! NANDYAN NA BA KAYO?" rinig naming sigaw galing sa labas, teka familiar yung boses nya ah, agad  napatayo si jungkook saka pumunta sa pinto. kaya agad ko pinaandar yung wheelchair ko para sumunod

"l-lisa huhuhu" nagkatinginan kaming dalawa ni jungkook

"si jisoo ata" ani ko, agad namin binuksan yung pinto, nakita ko umiiyak sya habang mga buhok nya gulo gulo, nakita ko ang mga damit nya punit punit. Ano nangyarin sakanya?

Agad ko sya niyakap, naramdaman ko ang pag agos ng mga luha nya sa balikat ko, patuloy parin sya sa pa iyak

"ano nangyari sayo? Bakit ganyan itsura Mo?" tanong ni jungkook, agad naman sya pinasok ni jungkook sa loob at pinaupo sa sofa, naramdaman ko ang panginginig nya, tangina nag aalala ako kay jisoo, napaka gulo ng itsura nya, parang may nangyari sakanya ng hindi namin alam

"wait kuha akong tubig" sabi ni jungkook saka tumakbo papunta sa kusina, habang si jisoo patuloy parin sa pag iyak

"jisoo mag salita ka bakit ganyan itsura mo?" tanong ko habang nakatangin sakanya, umiiyak sya habang nakayakap sya sa sarili nya. bigla naman sumulpot si jungkook na may dalang baso may laman na tubig, agad nya pinainom kay jisoo yun

"jisoo bakit ganyan itsura mo?" tanong ni mama, pero patuloy parin sya sa pag iyak, paano namin malalaman kung iiyak lang sya dyan, naluluha ako nang makita syang ganyan

"jisoo mag salita ka! Ano nga bakit ganyan ka?!" sigaw ko

"p-pumunta akong bar d-dahil nag away kami ni V-V kanina tapos may lumapit saking l-limang lalaki, m-muntik na nila ako ma r-rape pinilit n-nila ako hiniga nila a-ako at p-pinunit nila damit ko, b-buti nalang nakatakas ako lisa natatakot ako natatakot ako na baka balikan nila ako" nagkatinginan kaming dalawa ni jungkook, agad ko niyakap si jisoo naramdaman ko pumatak ang luha ko

"kailangan managot yang mga gumawa sayo nyan!" galit na sabi ni papa, si jisoo naman patuloy sa pag iyak

"iuuwi ka na muna namin ah, dahil baka hinahanap ka na ni V" saad ko saka pinahid ang luha ko, napatingin sya sakin, habang umiiling at patuloy sa pag patak ang luha nya

When Love Grows (liskook)Where stories live. Discover now