Chapter 40

1.9K 86 0
                                    





LISA'S POV

"Lisa wake up!" naramdaman ko na may tumatapik sa likod ko, agad ako nag takip ng unan

"Lisa wake up!! may bisita ka, aalis na kaming tatlo punta kaming practice sa graduation namin" napadilat agad ako, pagtayo ko nalaglag ako sa kama

"Exited lang? hindi si jungkook bisita mo, magulang mo"

(0___0)

Ano ginagawa nila mama dito? siguro binisita lang nila ako dito sa dorm, dito narin kasi sila tumira muna sa korea dahil sa nangyari sakin noon

Pagbaba ko, nakita ko lumabas na yung tatlo.. sila mama,papa, at si Macy kumakain.. napangiti lang ako

"Hi ma,pa" bati ko sakanila saka umupo sa tabi ni macy, si macy seryosong kumakain

Kumain narin ako, tahimik kaming kumakin.. napatingin ako sakanila

"Ba't nga po kayo pumunta dito?" tanong ko sakanila, napatingin sila sakin

"Anak gusto na namin umuwi na tayo sa Pilipinas" napatigil ako sa pagkain saka tumingin sakanila

"Ma, pa.. hindi po pwede dahil hindi ako papayagan ni manager Ji, gusto ko rin naman umuwi tayo pero magagalit sakin yun" sabi ko, hinawakan ni mama ang kamay ko saka tumingin sakin ng deretso

"Alam ko anak, natulungan mo na kami dahil sa pag aartista mo dito sa korea, nakabangon kami sa kahirapan sa Pilipinas, anak pwede umalis ka na sa grupo nyo?" nagulat ako sa sinabi ni mama, hindi ko akalain na sasabihin nya sakin yun

"Ma pangarap ko to eto na nga mama narating ko na sana naman wag nyo ko pigilan doon, papa" napatingin ako kay papa seryoso sya kumakain

"Nag aalala lang kami sayo anak baka balikan ka ni wendy hindi pa sya nahuhuli" pumatak ang nga luha ko

"Ma paano si JK? ayoko sya iwan mahal ko sya" sabi ko

"Alam ko mahirap sayo lahat ng yun, sana naisip mo rin na pamilya ka na nagalala sayo" sabi ni papa, agad sya tumayo saka hinatak si Macy saka lumabas ng dorm

"Mama" sabi ko, binitawan nya yung kamay ko saka sya tumayo at sumunod kay papa

Napasabunot ako sa buhok ko dahil doon... Paano to? ayoko iwan ang mga kagrupo ko dahil ayoko malungkot sila, ayoko makita na silang tatlo na sila lang sumasayaw sa stage tuwing, Awards, ayoko na sila lang tatlo na gumawa ng panibago naming kanta.. paano nalang pag umalis ako? wala nang rapper sakanila? at higit sa lahat alam ko nalulungkot silang tatlo pag umalis ako

Pero yung pamilya ko iniisip ko, galit sila sakin hindi ko sila pinakinggan, dahil nag aalala lang naman sila, pero ayoko mag alala sila sakin, dahil alam ko nasasaktan ko na sila

Si Jungkook? ang hirap nya iwan dahil Boyfriend ko sya.. kung kailan masaya na kami saka ako nag karoon ng ganitong problema, ayoko na magkahiwalay ulit kami

Paano ba to? naguguluhan ako, urghhh!


*DING DONG*

Napatingin ako sa pintuan dahil may nag doorbell, agad ako tumayo saka binuksan ang pinto

Napangiti ako nang makita sya

"Goodmorning, kumain ka na?" tanong nya, tumango ako

"Ano tara gala?" ngumiti ako saka sya niyakap

"Ayt hahaha ang lambing neto oh! may kailangan ka no?, c'mon babe just say it" niyakap ko sya ng mahigpit.. kung alam mo lang Jungkook kung anong problema ko ngayon.. ayoko sabihin sayo dahil mag aalala ka

When Love Grows (liskook)Where stories live. Discover now