JUNGKOOK'S POVNagising ako dahil nagising talaga ako hahaha. Napatayo ako sa kama ko, nakita ko si clyde nakaupo sa sofa habang nag phone
"Gising na silang lahat?" napatingin sya sakin
"Ah hindi pa" sagot nya tumango ako saka tumayo papuntang banyo
"Ah Jungkook?" napatingin ako sakanya
"Pwede ba mang hingi ng favor?" tumango ako, humiga sya ng malalim
"Pwedeng layuan mo na si lisa?" nagulat ako sa sinabi nya, ewan ko para akong nagulat na may halong inis pero bakit ba ako maiinis? yun rin naman ang gusto ko at gusto ni lisa
"Ayoko sya nakikitang masaya sayo, dahil natatakot ako na baka bumalik sya sayo, sana umiwas ka kase mahal ko yung tao" napangisi ako saka tumango
"Sige kung ayan gusto mo masusunod" nakangiti kong sabi, lumapit sya sakin saka tinapik yung braso ko
"Salamat" sabi nya, saka bumalik sa upuan nya, tumalikod ako sakanya saka lumabas ng kwarto
Ewan ko nakaramdam lang ako ng inis at may halong galit na sinabi nya yun, ano nangyayari sakin?!
Nakarating ako sa labas, naupo lang ako sa lapag habang pinag mamasdan ang magandang tanawin dito at malanghap ang simoy ng hangin
Mas mabuti na yun, saka wala naman akong karapatan para magalit kung pinapalayo nya ako boyfriend sya eh eh ako? isa lang naman akong ex ni Lisa na nanakit sakanya
"Hey aga pa ah nandito ka?" napatingin ako sa tumabi sakin
Lisa?
Lumayo ako ng kaunti, alam ko napansin nya yun kase napatingin sya sakin
"Lumalayo ka? wala akong sakit ano ba hahaa!" natatawa nyang sabi
"Wag ka na lalapit sakin at iwasan mo na ako" sabi ko sala tumayo at umalis sa lugar na yun
Alam ko nagulat sya sa inasta ko, I'm sorry lisa
LISA'S POV
Problema nun? hays kinakausap ko lang naman sya eh, wala naman akong sakit ah
"Hey" napatingin ako sa tumabi sakin, si Clyde pala
"Kumain ka na?" tanong nya, tumango lang ako, ewan ko ba parang kinikilig ako na naiilang ganoon hehehe
"Naiilang ka no?" napatingin ako sakanya, nakatingin ito sa malayo... napakagat labi lang ako
"Sige bibigyan kita ng time na mag isip hindi naman kita minamadali eh" sabi nya, gusto ko sya bigyan ng chance kagabi ko pa to iniisip
Eto na ba ang simula?
Simula para mag mahal ulit ako?
"Sige i give you time" nakangiti nyang sabi tatayo sana sya bigla ko sya hinawakan sa kamay
"Clyde" napatingin ito sakin
"I give you a chance" nanlaki ang mata nya at mukang hindi makapaniwala sa sagot ko ngayon
"Pinapayagan mo ko na manligaw sayo?!!" masaya nyang sabi tumango ako saka nya ako niyakap
"Thankyou" masya nyang sabi napangiti ako, pero napatingin ako sa kubo nakita ko sya
Nakatingin samin, pero agad sya umalis, sinundan ko lang sya ng tingin kung saan sya papunta
May problema ata sya.
YOU ARE READING
When Love Grows (liskook)
FanfictionTheirs is a girl named Lalisa Manoban, short for Lisa, a broken-hearted girl because her ex left her without reason. After a month, she discovers an audition to become an idol in Korea. So she decided to audition to avoid the pain that she felt and...