V'S POVNakatingin ako kay lisa, mukang nagulat sya sa sinabi ko, na si jungkook ang pag uusapan namin
"Si Jungkook? ok ano meron sakanya?" natatawang sabi ni lisa, tama nga si jungkook mukang wala na syang pakelam kitang kita ko sa mga mata at kilos nya ngayon ang laki ng pinag bago ni lisa
"Mahal mo pa ba sya?" natigilan sya sa sinabi ko, mas ok na deretsohin ko na sya para malaman ko na, at para hindi na sila mahirapan dalawa
"HAHAHAHA!" malakas na tawa ni lisa, baliw talaga to parehas lang sila ng babe ko haha
"Mahal? ako mahal ko pa sya?" natatawang tanong nya,tumango ako
"No! hindi ko na sya mahal si Clyde ang mahal ko no" aray ko po! siguro kung nandito si Jungkook iiyak na yun hahaha
"Bakit mo natanong?" seryoso nyang tanong, wengya! kanina tawa ng tawa tas ngayon naging seryoso, baliw talaga
"Wala inaalam ko lang, kase napapansin namin na pag sa tuwing nagkakaharap kayo hindi kayo makatingin sa isa't isa" ngumisi sya habang nakatingin sa malayo
"V alam mo naman na may past kami at kailangan namin umiwas sa isa't isa dahil parehas kaming may partner na, at tingin ko yun ang makakabuti samin"
"Kahit konti wala na talaga?"
"V nakikita mo naman diba? masaya na kaming dalawa,masaya na ako kay clyde sya masaya na kay Tzuyu"
"Pero ang totoo nililigawan palang ni Jungkook si Tzuyu" napatingin sakin si lisa at mukang nabigla siya sa nasabi ko ngayon. oh kanina tawa ng tawa tas ngayon natitigilan ang gaga tss
"Oh? kala ko sila na, edi mabuti saka nakikita ko na masaya na sya" nakangiti nyang sabi. tangina kahit anong paaraan para mapaamin siya hindi ko magawa talagang wala na siya sigurong nararamdaman kay jungkook
"Pero nandito parin yung galit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko sya"
"Galit? ano ibig mong sabihin?"
"Yung galit na naramdaman ko sakanya ay yung pag iwan nya sakin ng dalawang beses, nag tiwala ako sakanya pero sinira nya ulit yun.. so bakit pa ako mag titiwala sakanya ulit diba?" natawa nyang sagot habang nakatingin sa langit
"Hey guys!" napatingin kami sa baba ng bato, napangiti ako nang makita sya
"Babe tara" umakyat si jisoo sa bato at ako naman inalalayan ko sya, at umupo sya sa tabi ko
"Ano meron dito?" tanong ni jisoo habang nakasandal sya sa balikat ko
"ayan yung alien mo kinakausap ako tungkol kay Jungkook" natatawang sabi ni Lisa
"Ah ganoon, pero I think sis mahal ka pa ni jungkook" kinurot ko naman yung tagiliran nya
"Aray bakit?!! sinasabi ko lang yung totoo! makakurot ka?!" inis na tanong ni jisoo, natawa ako
"Kailangan deretso sabihin?" tanong ko pero tinarayan nya ako
"Mahal pa ako ni Jungkook? tss hindi kapanipaniwala guys kita nyo naman sya masaya na sya kay Tzuyu" natatawang sabi ni Lisa, napakamot ulo lang ako
"Pero kinausap namin sya, hindi nya maintindihan yung nararamdaman nya sa tuwing nakikita ka nya napapangiti sya, tapos parang nag seselos sya sa tuwing nakikita nya kayo ni clyde, so aalamin nya pa yung nararamdaman nya" paliwanag ni jisoo, napatango lang ako yun din kase ang ramdam ko na mahal pa ni jungkook si lisa
YOU ARE READING
When Love Grows (liskook)
FanfictionTheirs is a girl named Lalisa Manoban, short for Lisa, a broken-hearted girl because her ex left her without reason. After a month, she discovers an audition to become an idol in Korea. So she decided to audition to avoid the pain that she felt and...