Chapter 59

1.5K 45 3
                                    



LISA'S POV

After 5 years later.....

"Maaaaa!!! alis na ako!!" sigaw ko, habang inaayos ang maleta ko

"Anak teka eto pa baka makalimutan mo!" sigaw ni mama habang pababa ng hagdan

Inabot nya sakin yung jacket na binili nya, napangiti ako

"Thankyou ma" masaya kong sabi saka sya niyakap

"Mamiss kita anak, ingat ka ulit doon sa korea" mangiyak ngiyak nyang sabi, napangiti ako

"Mama mag-iingat ako wag kayo mag alala" sabi ko... yah pupunta na ulit ako ng korea, may pinatayong coffee shop si papa doon para sakin, tapos na ako ng pag aaral natupad ko na lahat.. masaya na ako sa buhay ko ngayon

"Ate mamiss kita!" salubong ni macy, nakoo binata na ang baby boy ko!

"Mamiss din kita baby boy ko" saka sya hinalikan sa noo, tinignan nya ako ng masama

"Ate! binata na ako 14years old na ako wag mo na ako tawaging baby boy dati lang yun!" ngumiti ako saka sila niyakap dalawa, wala si papa nasa korea sya may Business kasi sya doon

"Mag iingat kayo ah! mahal ko kayo" sabi ko, saka kinuha ang maleta ko

"Byee!" sabi ko saka lumabas ng bahay, pag labas ko may lalaking nakatayo sa labas ng bahay namin

Napangiti ako

"Let's go?" ningitian ko sya saka nya binuhat ang maleta ko

"Clyde ingatan mo anak ko ah!" sigaw ni mama natawa kami ni Clyde

"Oo tita" nakangitng sabi nya, kumaway ulit ako kila mama saka kami sumakay ni Clyde sa taxi

Si clyde? oo si clyde kaibigan ko na yan, samantalang dati mag kaaway pa kami nyan nung college pero nag kasundo rin kami hahaha kaya eto kasama ko sya papuntang korea

"mukang masaya ka ah!" sabi nya, napangiti ako

"Syempre makikita ko na yung mga kaibigan ko lalo na si briana! miss ko na sobra yun! balita ko nga sila na ni jin eh, si bambam naman wala akong balita doon hindi na nag paparaamdam! pero pag nakita ko yun nakoo humanda sakin yun!" masaya kong sabi natawa lang si Clyde

"Eh si jungkook? paano kung magkita kayo?" natigilan ako sa sinabi nya, napatingin ako sakanya sabay tawa

"Sorry" sabi nya pero ningitian ko sya

"It's ok, saka kung magkita edi magkita and besides I'm ok now" sagot ko, saka nilabas ang phone ko

Wait!!

"Melon's awards ngayon?! kailangan natin makaabot! doon gusto ko mapanood ang Blackpink!" masaya kong sabi napakamot ulo si Clyde

"Oo na pupunta na tayo" sabi nya, napangiti ako

--------

Nang makarating kami sa airport, agad kami bumili ng ticket... nang matapos sumakay na kami ng airplane

Agad kami umupo ni Clyde, nasa may bandang bintana ako, gusto ko kasi ditong pwesto para maganda view

"Matulog ka muna gising nalang kita pag nasa korea na tayo" sabi ni Clyde, ningitian ko sya saka ako snumandal sa balikat nya

Byee Philippines.....


-------

"Lisa!" napalingon ako dahil may tumawag sa pangalan ko

When Love Grows (liskook)Where stories live. Discover now