JUNGKOOK'S POVNandito na ako sa labas ng bahay ni lisa, medyo inaantok pa nga ako eh pero okay na to, mawawala din naman to pag nakausap ko sya mamaya hahaha, napaayos ako ng upo sa motor ko nang bumukas yung pinto nila, nakita ko si tita may dalang basura, agad ako lumapit sakanya
"Ako na dyan tita" Sabi ko napatingin sya sakin, ngumiti lang ito saka binigay sakin, agad ko naman tinapon ang malaking plastic sa basurahan
"Bat nandito ka? walang pictorial si lisa ngayon" Sabi ni tita, ngumiti lang ako.
"Ah kase tita kakausapin ko sya, at ipapaliwanag ko lahat sakanya kung sino ba sa buhay nya si jennie at mga kaibigan pa naming iba, naawa kase ako sakanya gulong gulo na sya" Sabi ko napailing lang si tita at tumingin sakin ng seryoso
"Dahil naman sayo lahat yun naguguluhan sya, kung di ka sana bumalik di sana sya nag iiyak ngayon dahil sa mga natatanaw nya na pangyayari sa isip nya tuwing sumasakit ang ulo nya, okay na nga sya ginulo mo pa ulet, alam mo umalis ka na muna dahil masyado pa maaga para kausapin mo sya bumalik ka nalang" Sabi ni tita, saka pumasok sa loob, napakagat lang ako sa labi ko, nasaktan ako sa mga sinabi ni tita pero gagawin ko parin ang lahat basta makaalala na sya
Sumakay na ako ng motor ko saka yun pinaandar, pupuntahan ko sila V sa condo nila, doon na muna ako tatambay sakanila ayoko muna bumalik sa condo namin ni Jin hyung, at kailangan ko maipaliwanag din kay jennie at sakanilang lahat ang nangyari kay lisa
Nang makarating ko sa building ng condo, agad ako pumasok doon, at pumasok sa elevator.. Sa 5th floor daw sila, bali magkakatabi lang ang condo ng tatlo... Nang makarating ako sa 5th floor, nakita ko si Suga hyung sa labas mukang papasok sya sa condo nya agad ko lumapit sakanya
"Hyung!" Sigaw ko,napatingin sakin to. At ngumiti
"oh kamusta? sigurado ba ok ka na?" Tanong nya, tumango ako saka ngumiti sakanya
"Saka kaya ako nandito para kay lisa hyung" Agad nya binuksan yung pinto at napatingin sakin
"Oo nga pala bat ganon si lisa? lakas din ng amats nun ah, si jennie tuloy nag iiyak kagabi" Sabi ni hyung pumasok sya kaya sumunod ako sakanya, hmm ang ganda ng loob black yung mga gamit nila tapos mga pader kulay white
"Nandyan ba si jennie?" Tanong ko, saka umupo sa couch na itim, nilapag ni hyung isang wine at tumabi sakin
"Wala pumasok" Sabi nya,napatingin ako sakanya
"Oh?ano trabaho nya?" Tanong ko, uminom sya ng wine, saka humarap sakin
"Engineering sya, actually super visor na sya, galing no?" Grabe oo nga ganda ng trabaho nya, parehas kaming pangarap pero wala pa akong trabaho hahha
"So ano nga yung kay lisa?" Napatigil ako sa pag inom ng wine, napabuntong hininga ako saka tumingin kay hyung
"Kase hyung may amnesia sya, alam mo hyung ang hirap sobra lalo na wala pa sya maalala ngayon" Mukang nagulat si hyung sa sinabi ko
"Fuck! seryoso ka?" Tanong nya, tumango lang ako,napahawak lang sya sa ulo nya.. Alam ko masakit din kay hyung yun dahil kaibigan nya yun
"Kaya kailangan ko tulong nyong lahat, gusto ko mag set ng reunion nating lahat para maalala ni lisa ang lahat, at bumalik ang alaala nya"
"Bumalik ang alaala?" napatingin kaming dalawa sa likod, nakita ko si Rosé may dala syang ulam, nagkatinginan lang kaming dalawa ni hyung
"Rosé ano ginagawa mo dito?" Tanong ni Suga hyung, nakita ko pumatak ang luha ni rosé
YOU ARE READING
When Love Grows (liskook)
FanfictionTheirs is a girl named Lalisa Manoban, short for Lisa, a broken-hearted girl because her ex left her without reason. After a month, she discovers an audition to become an idol in Korea. So she decided to audition to avoid the pain that she felt and...